3RD PERSON POV NANG hapon ding iyon pagkatapos niyang bumili ng susuotin ay naghanda na sila sa pag attend ng party. Maagang umuwi si Cain para sunduin siya, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang naging reaksyon nito ng makita ang itsura niya. "Woah, you look like a queen my Ginobabes." manghang saad nito habang nakatingin sa kanya. Kung kanina ay nahihiya na siya, lalo na ngayong kaharap na niya ang lalaking pinakamamahal. Kahit siya naman ay hindi rin makapaniwala na bagay sa kanya ang ganitong damit. Pero kung kahanga-hanga na siya, parang gusto naman niyang maglaway ng makita ang napakagwapong itsura ni Cain. Ang suot nitong itim na tuxedo, na hinaluan ng ginto ay talaga namang lalong nagpaangat sa kagwapuhan nito. Siguro dahil sa pagkatulala ay

