3RD PERSON POV ILANG buwan na ang lumipas nang tumira si Gino sa penthouse kasama ang iba. dalawang linggo na rin ang nakaraan ng magpropose sa kanya si Cain. Hanggang ngayon ay malinaw sa kanyang aalala ang nangyari kinabukasan pagkatapos ng engagement nila. -------++ Madaling araw na sila nang makauwi sa penthouse matapos ang naganap na proposal sa isang sikat na hotel. Naging epic fail man iyon ay hindi pa rin niya maitatanggi na napakasaya niya sa bawat sandali ng kaganapang iyon. Kinabukasan, nagising si Gino sa masusuyong halik ng kanyang fiance na si Cain. "Hmm, Cain," antok na saad niya dito habang pinipigilan ito sa paghalik sa kanya. "Get up Ginobabes, we're going to the hospital for your check up," anito sa kanya. Mabilis naman siyang napamulat ng mga mata dahil sa si

