GINO POV 'Goodness!!!' sigaw ko sa aking isipan habang mabilis na tumatakbo palabas ng building. Hindi ko inaasahan na makakapag overtime ako ngayon, huli na nang mapansin na nakailang missed call na ang galing kay Cain. 'Naku po! kanina pang naghihintay si Cain sa labas, 7:50 pm na.' Kahit madilim na ay binagtas ko ang parking lot papunta sa gilid ng building. Inaasahan ko na wala ba sya doon pero kailangan ko pa ring makumperma kung tama ang hinala ko. Pagliko sa gilid ng building ay halos wala akong maaninag dahil sa dilim doon. 'Hayss, syempre naman wala na sya dito. Ilang oras na ba ang lumilipas?' Babalik na sana ako ng humampas ang aking mukha sa isang matigas na bagay o pader. "Aray," ani ko sabay haplos sa aking noo. 'Kelan pa nagkapader dito? goodness ang dilim kas---'

