GINO POV Napapangiti ako habang na-aalala ang nangyari noong nakaraang linggo. Hayys sa wakas naamin ko din sa aking sarili na tunay ko na ngang mahal si Cain. Kung alam ko lamang na ganito kagaan sa kalooban ito ay matagal ko na sanang ginawa. Hindi ko pansin na habang nagmumuni muni ako ay may binabalak palang masama si Mars. "KYAAHH!!" malakas at nakakahiya kong sigaw dahil sa panggugulat nito. Napatakip ako ng mukha dahil sa hiyang aking nararamdaman habang nagtatawanan ang aking dalawang kaibigan ganun din ang ibang tao dito sa Cafe kung nasaan kami ngayon. "Mars naman," inis na ani ko habang hinahampas ito sa braso. "HAHAHA sorry na bhes, tulala ka kasi." "Oo nga naman siz, ano bang iniisip mo at may pangiti-ngiti ka pa dyan?" tanong naman ni Jewel. "W-Wala naman, wala akon

