MAKALIPAS ang tatlungpong minuto ay nakarating na din sya sa building ng kumpanya. Pagpasok pa lamang ay ramdam na nya ang kakaibang tingin na ibinibigay ng mga empleyadong nakakakita sa kanya. Pansin nga nya na parang may halong awa at habag pa ang mga tingin sa kanya. Napuno naman sya ng pagtataka pero binalewala na lamang nya ang lahat ng iyon. Sanay naman kasi sya na laging kinukutsya. Dahil nakayuko sya habang naglalakad ay hindi nya agad napansin ang mabilis na paglapit sa kanya ng mga kaibigan. "BHES Gino!!!" "Siz!!!" "Ha? T-Teka, Bakit?" gulat na tanong pa nya sa dalawa ng bigla syang yakapin ng mga ito. "Buti naman nandito kana Siz." "Salamat sa dyos at ligtas ka Bhes." Sabay na sabi pa ng mga ito kaya lalo syang naguluhan at napatanong sa sarili. 'Alam ba nila ang nang

