KINABUKASAN, nagising muli si Gino ng maaga para pumasok sa trabaho. Nang pababa na sya sa kamang hinihigaan ay napailing sya dahil sa nakita. Si Cain ay mahimbing pang tulog sa sahig, katabi si Miggs. 'Hayss, di pa rin ako makapaniwala na mula ngayon ay magkasama na kami dito sa bahay,' isip-isip pa nya habang naglalakad papunta sa banyo. Matinding pag uusap ang naganap sa kanila kagabi at dahil sa kakulitan ni Cain ay nagtagumpay ito. Habang naghihilamos ay nagbalik sa kanyang ala-ala ang pag uusap nila kagabi. "T-Teka, Anong h-here?" di makapaniwalang tanong nya dito dahil sa narinig. "Here, as in, here with you and Miggs," kasual na sagot naman nito sa kanya na parang di big deal ang lahat. "AT BAKIT NAMAN? bigyan mo nga ako ng matibay na dahilan, Cain." "Did you already forget

