PAGKATAPOS kumain ay bumalik na kami ni Sir sa kumpanya. Wala man kaming naging imikan habang nasa byahe ay ramdam ko pa rin ang saya dahil sa pagkakalapit namin. Dati takot ako kay sir Yuan dahil strikto at matapang ito. Pero ngayong nakakausap at nakakasama ko na sya. Masasabi kong mali ang aking unang pagkakakilala sa kanya. Nang makarating sa tapat ng kumpanya at maipark ang sasakyan. Nauna na si Sir na umakyat sa aming floor habang naiwan naman ako sa frontdesk sa ground floor para maglog-in ulit gamit ang aking ID. Habang pasakay ako sa elevator ay napasilay pa ako sa oras na nasa aking cellphone. "5:00 pm na pala," bulong ko pa sa aking sarili. Mukahang aayusin ko na lang lahat ng aking mga naiwan na trabaho at makakauwi na rin ako. Napangiti pa ako habang palabas ng elevator

