'Deal' Isang salita na nagbigay ng matinding kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Dahil malapit kami sa isa't isa ay di ko maiwasan na maamoy ang kanyang katawan. 'Goodness! No!!! hindi pwede to,' gulat na sabi ko pa sa aking sarili sabay tulak sa kanya palayo. "What's the matter, are you chicken out?" mapang asar na sabi pa nito habang nanlalaki naman ang mata kong nakatingin sa kanya. 'Ang pakiramdam at amoy nya ay katulad din ng lalaki nasa panaginip ko,' alarmang sabi ko pa sa aking sarili. 'Nagha-hallucinate ba ako o pati boses nya ay hawig din sa lalaking yun? pero imposible,' naguguluhang turan ko pa. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay di ko na napansin ang paglapit nya. "Hey, hindi pa naman nagbabago ang offer mo di ba?" tanong pa nito habang nakahawak ang kamay sa bab

