Chapter 1: Cassie
Kung literal na umuusok ang bunbunan ko..kanina pa siguro nasunog ang bagong rebound kong hairdou ng dahil sa sobrang inis ko!
Napilitan kaming bumaba sa Magallanes Station ng MRT..nagkaaberya na naman at may sira daw sa riles..
Asan na ba pangako ni Pnoy noon..
Palpak pa din ang MRT.
Only in the Philppines ang kapalpakan na ganito!
Ang totoo gusto ko ng mag amok sa sobrang inis ko sa sitwasyon
Sarap sanang gawing hostage ang babaeng katabi ko kanina sa tren..
ang arte niya as if naman kagandahan..maasim lang ng sampong paligo ang mukha ni Mommy Dionisia .. sa kanya..
Ngayon wala akong ibang choice kung di sumakay sa usad pagong na Bus sa EDSA makarating lang ako sa AYALA..
At sigurado akong late na naman ako..
Nakikita ko na sa imagination ko ang parang tinadyakan ng kabayong mukha ni Miss Carmelita..ang Marketing Director namin..
Di ako pwedeng sumakay ng Taxi..budget na ang pera ko..tapos ang mga buwayang taxi nandadaya yata ang metro..di pa nga umaabot ng isang meter ang sasakyan..pumapatak na sa 100 pesos Ang metro..wala talagang hustisya kahit saan!
Kaya magtitiis ako sa araw araw ng kalbaryo ko sa mahabang pila ng MRT..
Dahil nagtitipid ako..
Dahil gusto kong sumunod sa uso..bumili ako ng bagong labas na iPhone 12.
Sukdulang araw-araw akong mag lunch ng tapsilog..
Nakipag agawan akong sumakay sa iba pang pasahero sa kakatigil lang na BUS..
Ayaw kong tumayo nakakangalay dahil nakasuot pa ako ng 6 inches na high-heels na ang alam ko di ganon katibay..
Nabili ko lang sa Ukay-ukay nung minsang sumama ako sa mga ka office mate ko sa Baclaran kaya naman nakahanda na ang mighty bond sa bag ko..just in case na bumigay ang takong ng sapatos ko..
At isa pa nakasuot ako ng office uniform at di kahabaan ang skirts ko..
Labas ang flawless at mahahaba kong legs..
Ang isa sa mga assets ko..
Nakahinga ako ng maluwang ng makaupo ako sa tabi ng isang lalaking kanina pa naghihilik..to the point na di niya namamalayang tumutulo na pala ang laway niya..
Napangiwi ako habang tinitingnan ito..
Kung may available lang na upuan kanina pa ako lumipat..
Tiningnan ko ang oras sa bagong-bagong iPhone ko..
Amfufu mag aalas otso na..wala na akong kawala sa sermon ng matandang dalagang si Miss Carmelita..
At base sa tinatakbo ng BUS na sinasakyan ko..darating ako sa AYALA ng 8:30..
Bumuntong hininga ako ng malalim..
Ang hirap talagang mag commute...sa araw araw na ginawa ng may kapal ganito na ang takbo ng buhay ko..Bahay-traffic-opisina..
Ang boring diba?
Walang lovelife..
Minsan lng din ako sumama sa mga nightlife at gimikan..
Isang taon at kalahati pa lang akong nagtatrabaho sa GRN Group of Companies..
Ang mapasok sa ganito kalaking Kompanya ay isang dream cometrue para sa akin..
Dahil sa hilik ng matabang lalaki sa tabi ko ipinasya kong ipasak na lang sa taenga ko ang headseat ko mas masarap naman yatang pakinggan ang awit ni Selena Gomez...kahit Auto-tune kumpara sa hilik ng nito..
Ano ba namang kamalasan itong dumapo sa akin ngayong araw na ito?
Tumingala ako sa kisame ng Bus..
Diyos ko kung galit kayo dahil hindi ko sinunod ang kagustuhan ng lola kong pumasok sa kumbento at mag madre..Patawarin niyo po ako...
Di ko talaga linya ang pagmamadre..kung hindi lang sana naging kulay berde ang kulay ng dugo ng nag iisa kong kapatid na lalaking si Jonathan..sukdulang kaladkarin ko siya maipasok lamang sa seminaryo..
Pero paano ko ba siya ipapasok doon at maging isang alagad ng diyos kung mas babae pa siyang kumilos kumpara sa akin..
Binuksan ko ang account ko sa Messenger..
Titingnan ko kong Online si Debra..ang ka office mate ko at the same time kaibigan ko sa opisina..
Tama nga ako Online pa siya..ibig sabihin wala pa ang teroristang head ng Marketing Department..naglilibot kasi yun pag oras ng trabaho..
Bawal humawak ng cellphone sa oraa ng trabaho..
Bruhilda talaga!
Palibhasa di na nireregla..
Mabilis akong nagtype ng PM kay Debra..
"Deb..gud AM just askin' kung dumating na ba si Miss Asim?"
"Hahaha! wala pa..nasaan ka na ba Cass?"
"Nasa Bus pa ako..ipit sa trapik Jam"
"Make it on time Bruha..hindi kagandahan ang boses ni Miss Asim pag nagagalit LoL!"
Di na ako nagreply..
Papalapit na kasi sa kinauupuan ko ang kundoktor ng bus..
Dumukot ako ng 20 pesos sa pitaka ko..
Nakangiti pa sa akin ang lokong konduktor habang tinitingnan kami ng pareho ng lalaking katabi ko..
Malisyang tingin pa ang hunghang...
"Miss Kanina pa tulog boyfriend mo ah..saan kayo?"
Pinandilatan ko ng mata ang alaskador na Kundoktor..
"Excuse me..hindi ko siya boyfriend...di ako pumapatol sa mga lalaking mahilig kumain ng saging"
Mukhang slow naman si Mamang konduktor at di nakuha ang ibig kong sabihin....
Ngumiti lang ito at nasa anyo ng mukha nito ang pagkalito..
Tinaasan ko siya ng kilay..
Wag kasi Assuming Kuya..
"Ayala ako.."
Maikli kong sabi pero nasa mukha niya ang pagtatanong parin sa sinabi ko kanina..
"Unggoy-Saging, gets mo?"
Kibit balikat kong sagot..at iniabot ko ang pamasahe ko..
Ngumisi ako at inirapan ito..
Sasamain siya sa akin pag nagpatuloy pa din sa kaka asar sa akin..
Nakita kong di nawala-wala sa mukha nito ang ngiti sa sinabi ko..
Inirapan ko uli siya..sabay kuha sa iniabot niyang sukli..at tumuwid ako ng upo..
Sa awa ng may kapal medyo umuusad na ang galaw ng mga sasakyan..
Kung tutuusin malapit lang ang pagitan ng Magallanes at Ayala pero ng dahil sa trapik parang naging kasing layo na rin ng Baclaran hanggang North Avenue
Sinulyapan ko ang lalaking katabi ko.. Sa kasamaang palad mukhang nasa planet Mars sa sarap ng tulog nito..
Napangiti ako ng maisip ko ang sinabi kong diskripsyon dito kanina dun sa kundoktor..
Ang layo naman nito sa tipo kong lalaki..
I remember nasa 2nd Year College ako noon sa PUP ng masama akong mabaliw sa Star Player ng ADMU noon sa UAAP..
Basta may pagkakataon palagi kaming nanonood ng laro ng Blue Eagles dahil sa mga guwapong Players nila..
I've been crushing on one particular player..
Nathaniel Alegre..
Ang hearthrob na tranfere from NYC ng Ateneo blue eagles..
Ilang panty ko ba ang nawalan ng garter sa kaguwapuhan niya..
But that was morethan 3 years at wala na akong balita kung saan na ngayun ang player na yun..
Medyo updated ako doon sa kaibigan niya..
Ang woman magnet at legendary womanizer na si Zackary...
Nasa Business World ako kaya nakakasagap ako ng mga tsismis sa mga makakating dilang tao sa Corporate World..
Lalo na pag mayaman at guwapo parating laman ng Chismis sa high Society..
Nang dahil sa kagagahan ko noon sa kakasunod sa lahat ng laro nila..kamuntik na akong bumagsak sa dalawang major subjects ko..
Kaya naman isinumpa ko sa harap ng gate ng PUP na hinding-hindi na ako magpapakagaga sa mga bagay na alam kong isang pantasya lang at malayo sa Realidad..
Weeeh! Di nga? bakit hanggang ngayon nasa memory card mo parin ang mga pictures ng player na iyon?
Tukso ng kabilang bahagi ng isipan ko..
Tinutukso nga ako noon ng mga kaklase at kabarkada ko...sabi nila bakla daw ang idol ko dahil wala namang napapabalitang girlfriend..
Aloof
Cold
Distant
Yun si Nathan..
Ipinagkibit balikat ko lang ang sinasabi nila noon..
Sa Aura niyang iyon beki siya?
Para na rin nilang sinabing mas maganda si Mommy Dionisia kay Angelina Jolie..
Mga tsismis na malayo sa katotohanan..
Kathang isip lng ng mga taong di matahimik kaluluwa sa kaka tsismis..
Bigla akong nabalik sa kasalukuyan ng sumigaw ang konduktor ng Bus..
AYALA! Mga baba ng AYALA diyan!
Mabilis akong tumayo at nakipag unahang bumaba sa iba pang pasahero..
Aware akong tinitingnan ng mga lalaking pasahero ang long and flawless legs ko...sarap dukutin ang mga mata..
Maglaway kayo!
Binilisan ko ang pag baba..late na late na ako!
My Godness! sirang-sira na ang beauty ko sa usok ng mga sasakyan..
Feeling ko nanlalagkit ang boung katawan ko ng dahil sa pawis..at kailangan ko pang maglakad ng ilang minuto para makarating sa Building ng GRN Group..
Oh! Great! Life is so Unfair to me..
Biglang nagring ang Phone ko..
Ang aswang na si Debra ang tumatawag..lalo akong nappressure sa kanya eh..
Mabilis ko itong sinagot habang mabilis din akong naglalakad..
"Bruhilda nasaan ka na ba?
Si Miss Asim hinahanap na iyong report na ipinapagawa sayo?"
"Deb tell her i'm almost there..lapit na ako sa building isang ire na lng ok"
Humihingal kong sagot..
Natatanaw ko na ang 50 storey building ng GRN..
One of the tallest Building sa Ayala Avenue..

Business Capital of the Philippines..
Konting lakad pa Cassie.
Im so damn sweating!
Feeling ko dulo lang ng buhok ko ang walang pawis..
Finally nakarating narin ako sa gate ng building..
Nakangiting binati ako ng dalawang security guard..
Ngumiti lang ako sa kanila at tumango..di na ako makapagsalita sa sobrang pagod ko..hingal na hingal na ako..
Mabilis akong pumasok at dire-diretso sa Elevetor..anim ang elevetor ng GRN..
Nakitayo na rin ako kasama ng mga empleyadong naghihintay rin ng elevetor..
Sucks! bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa boung katawan ko..dahil sa sobrang pawis ko at bigla akong nababad sa AC..
Nang magbukas ang elevetor mabilis akong pumasok..dinukot ko sa bulsa ng bag ko ang tali ng buhok ko..wala sa ayos na ipinusod ko ito!
Mabilis kong hinalungkat ang folder na nakaipit sa kili-kili ko..
Ihahanda ko na ang report na kailangan ni Miss Asim..
May mga naririnig akong bulungan mula sa mga kababaihang kasama ko sa elevetor..yung iba humahagikhik pa..
Wala na akong panahong makisagap at usisahin kong ano ang ipinagkakaganon nila..busy ako sa pag aayos ng report na ibibigay ko sa matandang menoppose na Marketing Director namin..
Nag ring na naman ang iPhone ko..Proud akong ilabas ito dahil ilan pa lang ang nagkakaroon ng ganito..
Si Debra na naman..ang alam ko siya ang unang nakatikim ng parang boses Chipmunk na boses ni Miss Asim..
"Anak ka ng Tinapa Debra! Could you give me a break!"
"My God! halos mabasag ang eardrums ko sa tinis ng sigaw ni Miss Asim..where are you b***h?!"
"Im on the lift b***h! tell her to wait! hindi ito kasing tagal ng paghihintay niyang magkaroon ng manliligaw!"
Mabilis kong pinatay ang tawag niya..Pumikit ako ng mariin..at nagpakawala ng kasing lalim ng pacific ocean na buntong hininga..
Kung di ko lang talaga mahal ang trabaho ko matagal ng ubos ang buhok ni Carmelita Chaka Na iyon..kaso ang hirap maghanap ng trabaho ngayon..
Eksaktong bumukas ang 23 Floor kung saan ang Marketing Department at office namin makikita..
Mabilis akong lumabas..
Sinalubong ako ng mukhang angry bird na si Debra..
"Girl bilisan mo nanginginig na si Miss Asim sa sobrang galit at pati boung building mukhang umaalog na rin"
Dire-diretso akong pumunta sa Cubicle ko..nakatingin sa aking lahat ng mga ka office mate ko..
At iisa lang ang ibig iparating ng mga tingin nila.."GOOD LUCK"
Dahil alam naman ng lahat kong gaano ka terorista ang oldmade na Superior namin lalong-lalo na sa akin..
Di ko alam kong bakit lagi niya akong pinag-iinitan?
Konting bagay lang nakasigaw na siya sa akin..siguro imbyerna ang hitad sa kagandahan ko..
Hindi sa pagbubuhat ng sarili kong swivelchair..pero ako yata ang Muse ng Marketing Department!
Sabi nga nila pwede akong maging kandidata ng Beauty Contest..
Half brazilian kasi ako..
Nang mabuntis ng isang dayuhang brazilian si Mama basta-basta na lang itong iniwan at tinakasan pero sa kabila noon napalaki parin ako ng maayos ni Mama sa tulong ni Tito Fred ang asawa niya ngayon at siyang tatay ng kapatid kong si Jonathan..
Inilapag ko ang bag at mga gamit ko sa desk ko.
Mabilis akong naglakad sa papunta sa opisina nito..
Once more nagpakawala ako ng isang malalim na hininga..bago ako kumatok..
God gabayan niyo po ako..panatilihin niyo pong maging malinaw ang aking isipan..dahil ayaw ko pong mabahiran ng dugo ng certified virgin ang aking mga magagandang kamay"
Usal ko ng dasal habang hinihintay ang pagbukas ng opisina nito
"Come in"
Di ko mapigilan ang sarili kong di matawa..
Seriously... ipinaglihi ba siya ng nanay niya sa Chipmunk?
Pagbukas ko ng pinto..nakatuon na sa akin ang dalawang mata niyang nagbabaga sa galit..
"Good Morning Maam"
Magalang kung bati sa kanya..ngumiti ako ng matamis kahit pa sa loob loob ko gusto ko na siyang kalbuhin..
"You're Late again Miss Tamayo!"
Nagsimula na itong sumigaw ng napakatinis..ang sakit sa eardrum..
"Im sorry Maam naipit po ako sa traffic"
Mababa at kontroladong boses na sagot ko..
"Im warning you Miss Tamayo..this is your last chance..pag na late ka pa uli..di ako mangingiming hilingin sa Nakakataas na iterminate ka!"
"Ma'am sorry po talaga..nagkaaberya kasi ang MRT eh..kaya napilitan akong..."
"Wala akong pakialam sa rason mo Miss Tamayo! Now where's the report?"
Mabilis kong ipinatong sa Mesa ang Folder na naglalaman ng report na ipinagawa niya sa akin..
Mabilis nitong binuksan ang folder at isa-isang sinuri ang bawat pages..
Bigla itong tumingin sa akin..mabuti na lang di niya nahuli ang pagtirik ko sa eyeballs ko sa taas...
"Why are you still standing there? Get Out?!"
Sigaw nito...honestly malapit na malapit na talagang magdilim ang paningin ko..
I held my breathe..hanggang paglabas ko ng opisina niya..
Napabuga ako ng maraming hangin paglabas ko..
Gusto kong pumatay ng tao..
Di lng basta basta as in Matandang dalagang di nireregla..
Nakaabang na si Debra sa akin sa labas..
"How was it Girl?"
"Please lang ilayo mo ako sa mga matutulis na bagay"
Gusto kong imurder ang director namin..
"Calm down Girl..huwag mong pasukin ang mundo ng correctional ng dahil sa matandang hukluban na iyan"
Sagot sa akin ni Debra habang magkaagapay kaming bumabalik Cubicle namin..
Padabog kong ibinagsak ang sarili ko swilver chair ko..
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod...Im sweating!
At sumakit paa ko..buti di bumigay heels ko kanina..
Sumandal ako sa Swilver Chair at tiningnan si Debra..nakatayo ito sa harapan ko..natuon ang pansin ko sa nakasabit sa leeg niyang ID Company niya..mabilis kong inapuhap ang leeg ko..
OMG! where's my Damn ID?
Mabilis kong hinalungkat ang bag ko pero wala ..
Iniisa isa ko ang folder na dala ko kanina pero wala parin..
Imposibleng naiwan ko sa aparment ko..ang natatandaan ko hawak ko iyon kanina habang nasa MRT ako..
"Holly Cow!"
"What?"
Nagtatakang tanong ni Debra..
"I think..I've lost my ID"
Tumawa si Debra ng nakakainis!
"What can i say Cass..this is your best day ever"
Umiling ako at hinarap ang computer ko..
"Why are you still standing there?"
Get lost?"
Ginaya ko ang matinis na boses ni Miss ASIM kanina.. itinaboy ko si Debra pabalik sa mesa nito..
Humalakhak ito at mabilis na bumalik sa Cubicle nito..
Nakita kong papalapit sa cubicle ko si Armand..isa sa mga pinakamakulit na manliligaw ko at ka office mate ko..
"Good Morning Cass"
"Not now Armand" I replied with dismissal tone..
sirang-sira na ang araw ko huwag na siyang dumagdag pa..
"Suplada naman nito..gusto ko lang itanong sayo kung narinig mo na ba ang bali-balitang magreretiro na ang big boss natin?"
"As in si Chairman Natividad?"
"Yes..no other than"
"Hindi nga..sino daw ba ang papalit sa pwesto niya?"
Ang pagkakaalam ng lahat nag iisa lang sa buhay ang ang Biliyonaryong matanda..hindi ito nagkaanak sa namayapa nitong asawa.
"May Emergency meeting ang board ngayon at magkakaroon party na gaganapin ngayong linggo na ito at doon malalaman ang papalit sa kay Chairman"
Tumango lang ako..at hinarap ang computer ko..
"Armand excuse me..may tatapusin pa akong papeles dito"
Pagdidispatsa ko dito..Sadyang isinilang itong manhid at makulit..
"Sabay na tayong mag lunch Cass ha"
Pinapungay pa niya ang mga mata..akala niya kaguwapuhan siya..Yung totoo marunong bang manalamin ang lalaking ito?
Di ko na pinansin ang sinabi niya..kunwari busy na ako sa trabaho ko..
Nakahinga ako ng maluwang ng makita kong bumalik na ito sa cubicle nito..
"Pag nagkatuluyan kayo ni Armand..kayo na ang Beauty and the beast ng Pilipinas"
Dungaw at kantiyaw ng baklang si Christy or Christopher sa akin..humalaklak ito ng pang lucifer..
"Magpapasagasa na lang ako sa rumaragasang pison kung si Armand lang din ang magiging ama ng mga future kids ko"
"Sabi nila pag lalaki daw mahahaba ang hinlalaki ng paa..mahaba din ang hinaharap"
Bulong niya uli sa akin..
"So ano ang kinalaman noon kay Armand?"
"Nakita kong mahahaba ang mga hinlalaki ng paa ni Armand Cass kaya Jackpot ka! para ka naring tumama sa lotto"
"Shut Up Christopher! go back to your work!"
Patawa kong pagtataboy sa kanya..
Sumandal uli ako sa swilverchair ko...biglang sumakit ang ulo ko..
Saan ko kaya naiwala ang ID ko?
Ipinikit ko sandali ang mga mata ko..
Kailangan ko muna ipahinga utak ko..nakakasira ng umaga at nakakapangit ang ke aga agang kamalasan...