Serena
Hindi pa rin tumitigil ang notifications.
Sunod-sunod.
Ping.
Ping.
Ping.
Halos hindi na natitigil ang vibration ng phone ko sa ibabaw ng kama habang nakahiga ako, nakasandal sa headboard. Minsan gumagalaw pa ito dahil sa dami ng alerts na pumapasok.
Likes kept climbing.
Comments kept appearing.
At bawat ilang segundo, may bago na namang pangalan ang lumilitaw sa screen.
Pero wala yung mismong tao na gusto kong makita.
Wala yung isang reaction na hinihintay ko.
Wala yung comment na gusto kong mabasa.
Wala yung private message na kanina ko pa inaabangan.
Bahagya akong napangisi mag-isa.
Dalawang oras na ang lumipas mula nang i-post ko iyon.
Sigurado akong nakita na niya.
Impossible na hindi.
Sa bilis ng pagkalat ng post ko sa campus, malamang kalahati ng varsity team alam na iyon.
At kung kilala ko si Rafael—
someone definitely showed it to him.
Napabuga ako ng hangin habang nag-scroll pa sa comments.
Siguro naisip niya na may mga bagay na hindi niya kayang kontrolin.
At isa na ako doon.
I flipped onto my side and kept scrolling.
More comments.
More reactions.
Hineart react ko yung mga nag-comment.
Nag-reply din ako sa ilan—yung talagang kakilala ko lang.
Mga close friends.
Mga kaklase.
Yung mga taong hindi magbibigay ng unnecessary drama.
After a while, nagsimula nang sumakit ang mata ko sa kakatingin sa screen.
Napagod na rin akong mag-scroll.
I tossed the phone beside me on the bed at iniunat ang dalawang braso ko sa ibabaw ng ulo ko.
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kisame.
Tahimik ang buong bahay.
Tahimik ang kwarto ko.
Pero sa kabila ng katahimikan na iyon—
bigla na naman siyang pumasok sa isip ko.
Rafael.
Napabuntong-hininga ako.
“Great,” bulong ko sa kisame.
“Now he’s stuck in my head.”
Umikot ako sa kama at muling kinuha ang phone ko para tingnan ang oras.
8:30 PM.
Kanina pa tapos ang game.
Ibig sabihin—
wala na siya sa court.
Wala na siyang dahilan para hindi makita ang post ko.
Bahagya akong napangiti.
Good.
Kung nakita niya na—
then mission accomplished.
Pinatay ko ang screen at inilapag ulit ang phone sa kama.
Tumayo ako at iniunat ang katawan ko.
Medyo mainit sa kwarto.
Siguro dahil sa dami ng iniisip ko.
“Shower muna,” bulong ko sa sarili ko.
Para presko ang tulog mamaya.
Kailangan ko lang mag-shower.
Pakiramdam ko may natitirang ingay pa rin sa ulo ko kahit tahimik na ang bahay.
Naglakad ako papunta sa banyo at isinara ang pinto sa likod ko.
Pagbukas ko ng shower, agad bumuhos ang malamig na tubig sa balikat ko.
Napapikit ako.
Finally.
Tahimik.
Walang notifications.
Walang comments.
Walang—
Rafael.
Ahhh.
Nakakainis.
Naalala ko na naman siya.
Napailing ako habang dumadaloy ang tubig sa buhok ko.
Bakit kahit anong pilit kong alisin ang pangalan niya sa isip ko ay bumabalik pa rin?
“Stop thinking about him,” mahina kong sabi sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim at pinilit na ituon ang isip ko sa paliligo.
Sa malamig na tubig.
Sa tahimik na banyo.
Sa simpleng routine.
At ilang minuto lang—
nakalimutan ko siya.
_____________
Rafael
Tahimik ang street sa labas ng bahay nila Serena.
Halos wala nang tao sa kalsada. Paminsan-minsan lang may dumadaang kotse sa malayo, at ang tanging ilaw ay mula sa ilang poste sa gilid ng daan at sa mga bintana ng mga bahay.
Nakatayo ako sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng bakod ng bahay nila, bahagyang natatakpan ng dilim.
Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang second floor ng bahay.
Ang bintana ng kwarto niya.
Alam ko kung alin dun.
Hindi ko kailangan hulaan.
Nakita, nakapasok at nakatambay na dun dati.
May ilaw sa loob ng kwarto niya.
Hindi maliwanag, pero sapat para makita ang anino ng mga kurtina na bahagyang gumagalaw sa hangin.
Tahimik ang loob.
Walang gumagalaw.
Mukhang wala siya sa kwarto.
Napatingin ako sa oras sa phone ko sandali.
8:41 PM.
Kanina pa tapos ang game.
At kilala ko si Serena, malamang nasa bahay lang siya ngayon.
Hindi siya yung tipong lalabas ng gabi nang walang dahilan.
Hindi siya gala, lagi lang siyang nasa loob ng kwarto niya.
Ibinalik ko ang phone sa bulsa ko.
Then huminga ako nang mabagal.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ko ginawa ’to.
Technically, wala akong dapat gawin dito.
It was just a post.
Pero sa paraan ng pag-post niya-
sa caption.
Sa timing.
Sa comments.
Alam kong hindi lang iyon basta post.
She knew exactly what she was doing.
And she knew exactly who would see it.
Napailing ako nang bahagya.
Fine.
Kung iyon ang gusto niyang mangyari.
Lumapit ako sa bakod ng bahay nila.
Isang mabilis na akyat lang.
Sanay na ang katawan ko sa ganitong galaw. Isang tulak sa paa, isang kapit sa itaas ng bakod, at ilang segundo lang nasa kabilang side na ako.
Tahimik pa rin ang buong paligid.
Paglapag ko sa damuhan sa loob ng bakuran, sandali akong tumigil at nagmasid sa paligid.
Walang ilaw na biglang bumukas.
Walang aso na tumahol.
Walang tao.
Good.
Lumakad ako sa gilid ng bahay.
Alam ko kung nasaan ang bintana niya.
May maliit na concrete ledge sa ilalim nito at sapat na yun para makaapak.
Huminto ako sa ilalim ng bintana at tumingin pataas.
Bahagyang nakasara ang kurtina.
Pero may ilaw sa loob.
Siguradong nandiyan na siya.
Umangat ako at kumapit sa frame ng bintana.
Isang mabilis na galaw lang at nakaapak na ako sa ledge.
Hinawakan ko ang frame at dahan-dahang itinulak ang bintana.
Unlocked.
Napailing ako nang bahagya.
Kung naka-locked lang sana 'to pwede pa kong umatras, pero hindi.
So here I come.
Pumasok ako sa loob ng kwarto niya.
Tahimik.
Malinis.
Soft lighting mula sa bedside lamp ang nagbibigay ng warm na ilaw sa kwarto.
Typical Serena.
Inilibot ko sandali ang tingin ko sa paligid bago ako umupo sa gilid ng kama niya.
Nakasandal ang mga siko ko sa tuhod ko habang hinihintay ko siya.
Hindi ako nagmamadali.
Hindi rin ako galit.
Actually, medyo amused pa nga ako.
Because this entire thing?
She started it.
Ilang minuto ang lumipas sa katahimikan ng kwarto.
Hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng banyo.
Lumabas si Serena.
Basang buhok.
May patak ng tubig na dumadaloy mula sa dulo ng buhok niya pababa sa balikat.
At...
Nagtama ang aming mga paningin.
Napahinto siya kasabay ng paglaki ng mga mata niya.
Parang may kung anong nag-register sa utak niya.
Habang ako naman ay diretso lang na nakatingin sa kanya.
Sa shocked niyang mukha.
Sa basa niyang buhok.
Sa basa niyang katawan na tanging puting tuwalya lang ang tumatakip.
“Rafael?” tawag niya sa pangalan ko na halos bulong lang sa hina ng boses niya.
Bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.
Napalingon siya agad sa pinto ng kwarto.
Sarado.
Then sa bintana.
Nakabukas.
At doon niya naintindihan kung saan ako dumaan.
Bumalik ang tingin niya sa’kin.
Tumitig ulit saglit bago muling nagsalita.
“Are you insane?”
Maybe, I am.
Pero hindi ko isinatinig yun.
Hindi ko siya sinagot.
Tumayo ako mula sa kama.
Dahan-dahan.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya habang lumalapit ako.
Isang hakbang.
Then isa pa.
Ramdam ko ang tension sa hangin habang paliit nang paliit ang pagitan namin.
Ngumiti ako bago magsalita.
“Nice timing ng post mo,” kalmadong sabi ko.
Nagtaas siya ng kilay kahit halatang tense ang balikat niya.
“Nice timing din ng trespassing mo.”
Huminto ako isang hakbang lang ang layo sa kanya.
“May utang ka pa tapos nag-post ka na naman ng panibago, now delete it.” Diresto kong sabi
Nag-cross siya ng arms niya sa dibdib, at matapang na tumingin sa'kin.
“Make me.”
Ah, ganun!
Hindi ko na siya binigyan ng warning.
Hinawakan ko ang batok niya.
At hinila siya papunta sa’kin.
Then I kissed her.
Hindi gentle.
Hindi rin rushed.
Firm.
Claiming.
Ramdam ko ang gulat niya agad, yung pag-stiffen ng katawan niya sa una.
Napahawak ang kamay niya sa dibdib ko na parang itutulak ako palayo.
Pero hindi ako natinag, patuloy pa din ako sa paghalik sa labi niya.
Siniguro kong mararamdaman at hindi niya makakalimutan ang halik na iginagawad ko.
Nagbilang ako sa isip ko, mga ilang segundo lang.
Then umatras ako.
Naputol ang kiss.
Huminga siya nang mabigat.
Namumula ang pisngi niya.
At nakatingin lang siya sa’kin na parang hindi pa niya napoprocess ang nangyari.
“Payment,” sabi ko tahimik.
"What?" Tila naguguluhan niyang sambit.
Hanggang sa nag-iba ang aura ng mukha niya.
Kita ko ang pagkainis.
Naintindihan na niya.
“You’re unbelievable.”
“Last warning ko na ’to, Serena.”
Mababa ang boses ko pero ramdam ang bawat bigat ng salita.
Para maintindihan niya na seryoso ako.
“Kapag nagpost ka pa ulit-”
Sandali akong tumigil.
Tinitigan ko siya ng husto.
“Hindi lang halik ang gagawin ko sa'yo!”
Tumaas ang kilay niya.
“At ano naman ang gagawin mo?” matapang niyang sagot. “Baliw ka.”
Bahagya akong ngumiti.
Huminto ako ng isang segundo bago idinagdag ang final warning ko sa kanya.
Bahagya akong yumuko para mas malapit ang mukha ko sa kanya.
Sapat para maramdaman niya ang hininga ko.
Sapat para marinig niya nang malinaw ang bawat salitang bibitawan ko.
"I will f**k you every time you disobey me. Every post, every defiance, every 'make me'... that's an invitation for me to take what's mine."
Hindi siya nakapagsalita.
Her eyes widened, her pupils dilating as she realized I wasn't joking.
And then I left.
Dumaan ako ulit sa bintana.
Iniwan ko si Serena sa kwarto niya nang nakatulala.