Rafael
Maingay ang gym.
Hindi lang maingay.
Deafening.
Sigawan. Whistles. Stomping feet sa bleachers. Yung tunog ng rubber shoes sa court. Yung echo ng bola kapag tumatama sa hardwood.
Game night.
At lahat ng tao nandito.
Students. Faculty. Lower years na parang first time makakita ng varsity game. Mga babae na mas interested sa players kaysa sa score.
Normal na ’yon.
Sanay na ako.
Pero ngayong gabi, mas maingay.
Rival school.
Close game.
Fourth quarter.
Scoreboard sa taas: 72 – 70.
Kami ang lamang.
Pero dalawang puntos lang.
Hindi safe.
Malayo sa pagiging safe.
“Aragon!” sigaw ng coach mula sa sideline.
Tinapon sa’kin ang bola ng referee.
Inbound.
Hawak ko ang bola.
Tumigil ang mundo ng isang segundo.
Ramdam ko ang tingin ng buong gym.
Hindi ko kailangan tumingin sa bleachers para malaman kung gaano karaming tao ang nakatingin sa’kin.
Sanay na ako doon.
Sanay na akong maging sentro.
Dribble.
Isang beses.
Dalawa.
Harap ko ang defender ng kabilang school.
Mas matangkad siya sa’kin ng konti.
Mas bulky.
Pero hindi ’yon mahalaga.
Hindi sa basketball.
Hindi kung alam mo ang ginagawa mo.
“Screen left!” sigaw ng kakampi ko.
Pero hindi ko na kailangan.
Binasa ko na ang galaw ng defender.
One step to the right.
Fake.
Nag-shift siya agad.
Mali.
Mabilis akong kumaliwa.
Explosive first step.
Narinig ko ang collective gasp ng crowd.
Nalagpasan ko siya agad.
May sumubok mag-help defense.
Too late.
Tumalon ako.
Hang time.
Basket.
Swish.
74 – 70.
Sumabog ang gym.
“ARAGON!”
“ARAGON!”
“ARAGON!”
Sigaw ng bleachers.
Hindi ako nag-celebrate.
Hindi ako ngumiti.
Tumakbo lang ako pabalik sa defense.
Ganito ako maglaro.
Efficient.
Precise.
No wasted movement.
No drama.
Pero ramdam ko ang pressure ng kabilang team.
Alam nila kung sino ang kailangan nilang bantayan.
Alam nila kung sino ang kailangan nilang pigilan.
Good luck.
Tatlong minuto pa sa clock.
Next possession.
Pinasa ulit sa’kin ang bola.
Double team agad.
Hindi ako nagulat.
Ngumiti ako nang bahagya.
Late na.
Bounce pass sa ilalim.
Layup ng teammate ko.
76 – 70.
Mas lalong lumakas ang sigawan.
“LET’S GO ARAGON!”
Hindi ako tumingin sa crowd.
Hindi ako interesado.
Basketball lang ang nasa isip ko.
Clock.
Ball.
Movement.
Strategy.
Two minutes left.
Nanakaw ko ang bola sa steal.
Fast break.
Tumakbo ako sa buong court.
May humahabol.
Isa.
Dalawa.
Tumalon ako sa free throw line.
Tomahawk dunk.
BOOM.
Tumalon ang buong gym.
78 – 70.
Game over.
Ramdam ko na.
Hindi na sila babalik.
Whistle.
Final seconds.
Buzzer.
Panalo.
Sumugod ang teammates ko.
May tumapik sa ulo ko.
May sumigaw sa tenga ko.
May yumakap.
Pero kalmado lang ako.
Ganito lagi.
Ganito ang inaasahan sa’kin.
I’m Rafael Aragon.
The one who finishes games.
_________
Pagkatapos ng game, diretso ako sa locker room.
Tahimik na ulit ang hallway kumpara sa gym.
Pero pagpasok ko sa locker room sasalubong sa'yo ang ingay.
Mga lalaki na nagkukumpulan.
Nagtatawanan.
Typical.
Lalo na pagkatapos ng panalo.
Ako naman diretcho sa tapat ng locker ko.
Binuksan.
Tinanggal ko lang ang wristband ko.
Slow.
Calm.
Then hinubad ko ang jersey ko.
At habang ginagawa ko ’yon biglang lumapit si Kenneth.
Nakahawak na agad sa phone niya kahit katatapos pa lang ng laro.
Tumingin siya sa’kin.
Tapos sa screen.
Tapos ulit sa’kin.
“Bro…” sabi niya.
Iniabot niya ang phone.
“Nakita mo na ba ’to?”
Hindi ako sumagot pero kinuha ko ang phone.
Tinignan ko ang screen.
And there she was.
Serena.
Gray jacket.
Off shoulder.
Bare skin.
Hair falling over one side.
Lips slightly parted.
Diretsong tingin sa camera.
Hindi ’to random selfie.
Hindi bored picture.
Intentional.
Carefully taken.
The angle.
The lighting.
The exposed shoulder.
Alam niya ang ginagawa niya.
Alam niyang may titingin.
Alam niyang may magre-react.
Sa gilid ng screen, nakita ko ang likes.
Paakyat.
Mga pangalan.
Mga lalaking kilala ko.
Mga kaklase.
Mga lower year.
Mga taong walang karapatan tumingin sa kanya nang ganyan.
Comments.
“Grabe.”
“Ang ganda mo.”
“Serena drop more.”
“Dangerous.”
Humigpit ang hawak ko sa locker handle sabay tingin sa mukha ni Kenneth.
Napakamot siya sa batok.
“Wag mo naman akong tignan ng ganyan, pinakita ko lang ’yung post niya,”
Napabuntong hininga siya.
“Alam ko naman off-limits ’yan si Serena.” dagdag niya.
Tahimik lang ako pero hindi nagbago ang expression ng mukha ko.
Mas lalo siyang nagpanic.
“Hindi ko nga in-like eh!” depensa niya agad.
Tinuro pa niya ang screen.
“Look.”
Walang react.
“Hindi rin ako nag-comment.”
Napailing siya.
“Hindi ako tanga.”
Tahimik pa rin ako.
“Actually…” dagdag niya habang binabawi ang phone.
“Hindi ko nga dapat pinakita ’to sa’yo.”
Huminga siya nang malalim.
“Pero bro… trending siya sa campus.”
Napatingin ulit ako sa screen.
Trending.
Of course.
“Group chats, stories, kung saan-saan na umiikot,” dagdag niya.
That irritated me more than it should.
“Anyway,” sabi niya agad.
“Hindi ko na ’to titignan.”
Pinatay niya ang phone.
“Wala akong nakita.”
Then muttered-
“Baka mamaya suntukin mo pa ’ko.”
Napailing siya.
“Makauwi na nga.”
At mabilis siyang umalis, at nagsunuran na ang iba.
Iba na halatang umiiwas ng tingin sa'kin bago lumabas.
Tahimik ulit ang locker room.
Ako na lang halos ang natira.
Binuksan ko ang phone ko.
Pumunta ako sa profile niya.
And there it was.
The post.
The picture.
The timing.
Napatingin ako sa oras.
6:07 PM.
Game time.
So this was intentional.
Alam niyang busy ako.
Alam niyang hindi ko agad makikita.
Alam niyang lalabas ’to habang nasa court ako.
Napangiti ako nang bahagya.
So that’s your move.
Fine.
Challenge accepted.
Tinitigan ko ang picture niya.
Matagal.
May utang pa siyang isang pic na hindi pa niya nabubura tapos dinagdagan pa niya.
Mas daring.
Alam ko kung bakit niya ginawa 'to.
Just to provoke me.
Just to see what I’ll do.
Napabuntong hininga ako.
Okay.
Just wait, my baby.
Coming for you.
Coming to collect.