12. Quiet Doesn't Mean Surrender

1335 Words
Serena Tahimik ako buong araw. Hindi dahil natalo ako. Hindi dahil natakot ako. Nagpapahinga lang ako. Magkaiba ’yon. Simula nung gabing nawala ang internet namin, parang biglang nagbago ang ritmo ng mundo ko. Wala na ’yong tuloy-tuloy na notifications. Wala na ’yong sunod-sunod na comments. Wala na ring mga random messages na nagtatanong kung anong meron sa pagitan namin ni Rafael. At honestly? Nakakapanibago. Pero hindi ko hinanap. Kung may natutunan ako sa nangyari... Hindi lahat ng laban kailangan sabayan ng ingay. Minsan kailangan mo lang manahimik. Maghintay. Mag-observe. Magplano. Kinabukasan pagpasok ko sa school, mas obvious ang pagbabago. Pagpasok ko sa campus, automatic kong binuksan ang Wi-Fi sa phone ko. Searching. Connecting. Loading. And then... Failed. Napairap ako. Tinry ko ulit. Wala pa rin. “Seriously?” bulong ko. Lumapit ako sa isang bench at sinubukan ulit i-connect. Same result. Hindi naman bago ang Wi-Fi issues sa school pero ngayon lang nangyari na ako lang ang walang signal. Napatingin ako sa phone ni Mia. Connected. Full bars. Perfect. “Connected ka?” tanong ko. “Yeah,” sagot niya habang umuupo sa tabi ko. “Why?” Pinakita ko screen ko. “No internet.” Tinignan niya ’yon. Then napatingin siya sa’kin. Then bumuntong-hininga siya. “Oh.” Napakunot ang noo ko. “Oh? ’Yan lang?” “Serena…” mahina niyang sabi. “Don’t.” Tumigil siya. Kasi alam na niya ang sasabihin ko. “Don’t say his name.” Pero pareho naming alam kung sino ang iniisip namin. Rafael. The golden boy. The star player. The untouchable one. At ang pinaka-nakakainis sa lahat - ang pamilya niya ang may-ari ng school na ’to. So kung may kakaibang nangyayari sa connection ko? Kung may “manual adjustment” ulit somewhere? Honestly? Hindi na ako magugulat. At hindi rin ako nag-abala magreklamo. Para saan pa? Para lang marinig ang polite na explanation ng IT department? Para sabihing may “technical issue”? No thanks. Hindi ako tanga. “Okay,” sabi ni Mia matapos ang ilang segundo ng katahimikan. “So… what now?” Napatingin ako sa kanya. “What do you mean?” “Are you… just going to ignore him?” Napangiti ako. “Of course not.” Umangat ang kilay niya. “I like that tone.” Tumayo ako mula sa bench. “Come with me after school.” “Saan?” “Sa bahay.” “And then?” Ngumiti ulit ako. “Photoshoot.” At yun nga ang ginawa namin after school sumama si Mia sa'kin sa bahay. Pagdating namin, diretso kami sa kwarto ko. Ibinagsak ni Mia ang bag niya sa sahig. “Okay,” sabi niya habang umiikot ang tingin sa paligid. “Explain.” “Explain what?” “Your evil plan.” Napaupo ako sa kama. “Simple lang.” Umiling siya. “Nothing about you is simple.” “Thank you.” “Serena.” Napabuntong-hininga ako. “Gusto kong isipin niya na nanalo siya.” Nanahimik si Mia. “She cut your internet,” sabi niya. “Allegedly.” “She cut your internet!” Pag-uulit niya pero sa mas malakas na boses na. “Allegedly,” ulit ko din sagot. Pero kalmado pa rin. “Okay fine, kahit medyo kinakabahan na ko agad sa plano mo, continue." sabi ni Mia. Humiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. “Ilang araw na kong hindi active ngayon sa social media so iniisip niyang natalo ako, but the truth is nahanap lang ako ng magandang timing.” Umupo si Mia sa gilid ko. “What timing?" tanong niya. Napangiti ako. “I will go active and post picture again when he's busy, 'di ba may game sila this Friday, pero ngayon na tayo magpi-pictorial, itatago ko lang muna and while nasa games siya tska ko ipopost ang pic." Nakakunot lang ang noo ni Mia na para bang ina-analyze pa niya ang sinabi ko hanggang sa biglang nanlaki ng bahagya ang mata niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Napahampas siya sa kama. “That’s evil, Rafael is going to lose his mind.” Good, dahil yun ang gusto ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa closet. Binuksan ko ’yon. Sinuri ko ang mga damit ko. “Okay,” sabi ni Mia habang nakasandal sa desk ko. “What’s the theme?” “Daring.” Napasinghap siya. “How daring?” Napalingon ako sa kanya. “Enough.” “Enough to what?” “Annoy him.” Mia laughed. “I love this already.” Naglabas ako ng oversized white polo. Malaki. Mahaba. Soft fabric. Sinukat ko sa harap ng salamin. Half buttoned. Nakabukas ang collar. Lumabas ang collarbone ko. Ang konting bahagi ng dibdib ko. Napataas ang kilay ni Mia. “Oh wow.” “Too much?” “No.” She walked closer. “It’s perfect.” Tinulungan niya akong ayusin ang buhok ko. Loose. Natural. “Okay,” sabi niya habang kinukuha ang phone niya. “Stand near the window.” Ginawa ko. Natural light pumasok sa kwarto. Soft. Warm. “Chin up a little,” sabi niya. Ginawa ko. “Look at the camera.” Click. Click. Click. “Next,” sabi ko. Nagpalit ako ng top. Black. Backless. Simple pero elegant. Huminto si Mia habang nakatingin sa’kin. “Serena…” “What?” “He’s going to kill someone.” Napatawa ako. “Good.” Tumalikod ako sa camera. Bahagyang lumingon. Hair falling over my shoulder. Click. Click. Click. Third set. Mirror shot. Low waist jeans. Cropped top. Kita ang waistline ko. Nakatingin ako sa reflection ko habang kinukunan niya. Click. Click. Click. “Last one,” sabi ni Mia. Humiga ako sa kama. White sheets. Gray jacket. Isang balikat lang ang suot. Bare legs visible. Hair spread sa pillow. “Look at me,” sabi niya. Tinignan ko siya. Hindi ako ngumiti. Just confident. Relaxed. Unbothered. Click. Click. Click. Pagkatapos ng shoot, umupo kami sa sahig habang tinitingnan ang pictures. “Holy s**t,” sabi ni Mia. “What?” “You look insane.” “Good insane?” “Rafael-is-going-to-commit-a-crime insane.” Napangiti ako. Scrolling through the photos. Isa. Dalawa. Tatlo. Then I saw it. The one. Gray jacket. Shoulder exposed. Eyes straight at the camera. Confident. Challenging. Parang sinasabi ng picture na... try me. “That’s the one,” sabi ni Mia. Tumango ako. “Yes.” Nakatago lang sa gallery ko ang mga pics. And then dumating ang araw ng schedule ng game nila. Hindi ako pumunta. Hindi ako nagpakita. At sigurado akong napansin niya ’yon. Nakahiga lang ako sa kama, phone ko nasa kamay ko habang nakabukas ang gallery. Nasa screen ang picture. The one. Gray jacket loosely hanging sa balikat ko. Bare skin. Hair falling sa side ng face ko. Eyes straight sa camera. Confident. Calm. Parang wala akong pakialam sa mundo. Napangiti ako nang bahagya. Tahimik kong tinignan ang oras sa phone ko. 6:07 PM. Game time na. Sa gym ngayon, siguradong maingay. Cheering. Whistles. Crowd. At sa gitna nun- Si Rafael. Focused sa laro. At sigurado akong hindi niya hawak ang phone niya ngayon. Which makes this… Perfect timing. Binuksan ko ang app. Time to upload. Pinili ko ang photo. Crop. Brightness. Minimal lang. Hindi ko kailangang pagandahin. Maganda na siya. Then caption. Hindi ko pinahaba. Hindi ko rin ginawang dramatic. Just one line. “Thought silence meant surrender?” Napatingin ako sa screen ng ilang segundo. Hindi ako nagmamadali. Hindi rin ako kinakabahan. This isn’t revenge. This is just… continuation. Ngumiti ako nang bahagya. And then- Post. Tahimik lang ang kwarto ko matapos nun. Walang fireworks. Walang dramatic music. Just silence. Nilapag ko ang phone ko sa kama. Humiga ako. Nakatingin sa kisame. Five seconds. Ten seconds. Then... Buzz. Isang notification. Then another. Then another. Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko pa tinitingnan. Hindi ko kailangang makita ang numbers. Alam ko na. Wala akong pakialam sa reaksyon ng iba. Tanging sa kanya lang ang aabangan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD