11. She's Mine

1000 Words
Rafael Hindi ako usually nakikialam sa locker room noise. Mga lalaki na nagkukumpulan. Nagtatawanan. Nagbubulungan. Phones out. Typical. Lalo na after practice. Pawis, pagod, ego high. May magpapakita ng meme, may magyayabang ng ka-chat, may magpapakita ng kung anong random na video. Normal. Pero kanina, iba. Tahimik sila masyado. Focused. Hindi yung tipong nagtatawanan nang malakas. Hindi yung maingay na biruan. It was the quiet kind of focus. Yung parang may pinag-uusapan na ayaw iparinig. Pagpasok ko pa lang, napansin ko na agad. Anim sila sa isang corner. Halos dikit-dikit ang ulo. Isang phone lang ang hawak, pero lahat nakasiksik. Walang tumatawa. Walang nagjo-joke. Just… staring. Then narinig ko pangalan niya. “Grabe si Serena…” Mahina. Pero nahagip pa rin ng pandinig ko. Parang instinct. Parang automatic na lumakas ang senses ko kapag pangalan niya ang usapan. Hindi ako agad lumingon. Nagpatuloy lang ako sa paghubad ng jersey ko. Slow. Controlled. Wala akong sinabi. Hindi ko kailangan magtanong. Kung may dapat akong malaman, lalapit ’yon sa’kin. Habang hinuhubad ko ang jersey ko, naramdaman kong may napatingin sa’kin. Isa. Dalawa. Tatlo. Then biglang may kumalabit sa isa. Parang warning. Lumakad lang ako papunta sa locker ko. Tahimik pa rin sila. Mas tahimik pa nga. Then may pabulong na... “Pre, nandito na…” Biglang gumalaw ang grupo. Isa-isa silang napatingin sa’kin. Caught. Then biglang nag-alisan. Parang mga estudyanteng nahuling nandadaya sa exam. Mga cellphones na biglang tinago. May nagkunwaring may hinahanap sa bag. May biglang nagbukas ng locker. Ang babaw. Except sa tropa kong si Kenneth. Nakatayo pa rin siya. Awkward. Hawak pa rin niya yung phone. Nakatingin sa’kin, tapos sa screen, tapos sa’kin ulit. “Bro…” inabot niya cellphone niya. “Nakita mo na ba ’to?” Hindi ko sinagot. Tiningnan ko lang ang screen. And there she was. Gray jacket. Off-shoulder. Bare skin. Hair down. Lips slightly parted. Direct eye contact sa camera. Confident. Hindi ’to accidental selfie. Hindi ’to bored picture. This was intentional. The angle. The lighting. The way her shoulder was slightly exposed. Alam niya ang ginagawa niya. Alam niyang may titingin. Alam niyang may magre-react. Ang caption? “You don’t get to control the narrative.” Naramdaman ko ang pag-igting ng panga ko. Hindi dahil hindi siya maganda. Kabaliktaran. Sobra. Too much. For them. Sa gilid ng screen, nakita ko ang likes. Mga pangalan. Mga lalaking kilala ko. Mga kaklase. Mga lower year. Mga duwag na tahimik sa personal pero malakas ang loob online. May comment pa. “Grabe.” “New era?” “Ang ganda mo.” Pinagmasdan ko ’yon nang mas matagal kaysa dapat. Hindi ako nagsasalita. Pero ramdam ni Kenneth ang bigat ng hangin. “Nice? Swerte mo naman, bro!” mapanukso niyang sambit. Tiningnan ko lang siya. Isang tingin lang. Sapat. “Parang sira naman ’to oh, oo na di ko na titignan, baka mamaya suntukin mo pa ko,” sabay tawa niyang pilit. “Makauwi na nga.” Umalis siya agad. Buti alam niya. Tahimik ulit ang locker room. Ako na lang halos natira. Pero hindi ako agad umalis. Binuksan ko ang phone ko. Pumunta ako sa profile niya. We’re still friends online. Walang interaction. Walang kahit anong bakas ng kung ano ang nangyari sa’min. She was quiet before. Low profile. Then suddenly... This. Tinitigan ko ang picture niya. Matagal. Hindi ko alam kung gaano katagal. Zoom in. Her shoulder. Her collarbone. Her neck. Her lips. Public consumption. Hindi ko gusto ’to. Hindi dahil insecure ako. Kundi dahil may mga bagay na hindi dapat ipinapakita sa lahat. Hindi siya para sa kanila. That look? That softness? That skin? Mine. Mine alone. Hindi niya ’yan dapat binibigay sa feed ng kung sinu-sino. So I sent her a message. Delete it. Dalawang salita lang. Walang explanation. Walang please. Walang emoji. She replied. Anong karapatan mo? Napangiti ako nang bahagya. Karapatan. Parang rights issue ’to? Delete it. Ulit. Then.... Make me. Hindi niya ko sinunod. Kinabukasan, nagmatigas pa rin siya. Sa hallway, tinapatan pa niya ko ng tingin. Make me. Sige lang. Pag-uwi ko, pinanood ko ang likes niya. Paakyat nang paakyat. Every refresh may dagdag. Parang unti-unting binibigay niya ang sarili niya sa audience. Zoom in ulit. Her shoulder. Her mouth. Pinikit ko ang mata ko sandali. I have to control myself. Hindi ako pwedeng pumunta sa kanya. Hindi pa. Hindi ngayon. Pero may pwede akong gawin. Magkalapit lang ang bahay namin. Shared fiber line. Simple access. Walang drama. Walang sigawan. I just walked like I belong there. Five minutes. Manual adjustment. Hindi permanent. Hindi destructive. Just interference. Enough para mawala ang signal. Enough para tumahimik ang mundo niya. Pagbalik ko sa kwarto ko, iniwan kong bukas ang ilaw. Let her see. Let her wonder. Ten minutes later... Offline siya. Patuloy pa din ang pagdami ng mga likes at comment pero wala siyang reply. Walang bagong activity. Walang reply sa mga nagko-comment sa picture niyang gusto kong mabura sa mundo ng social media. Walang new story. Walang bagong post. Good. Then I messaged her. “Mahina ba internet niyo?” Casual. Parang wala lang. She asked kung may kinalaman ako. Hindi ako agad nag-reply. Timing matters. I want her to think. “Be careful who you let watch you.” Hindi ’yon threat. Reminder. She asked, “Threat ba ’yan?” “No.” Pause. “Reminder.” Kasi hindi ako nagbabanta. I demonstrate. Sa bintana ko, nakita kong gumalaw ang kurtina niya. Silhouette niya sa loob. Nakatayo. Thinking. Good. Mag-isip siya. Realize na hindi lahat ng battlefield online. Realize na proximity matters. Hindi ako obsessed. I’m precise. Control doesn’t shout. Control isolates. Ngayon? Wala siyang internet. Wala siyang audience. Wala siyang validation. Just me. Direct line. From across the street. Pinatay niya ilaw niya. Napangiti ako. Good. Hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. Pero isa lang ang malinaw. She can challenge me. She can push. She can post. Pero sa dulo... She’s still within reach. And whether she likes it or not… She’s mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD