10. Manual Adjustment

1128 Words
Serena Ang kapal ng mukha niya para utusan akong i-delete ang pic. Delete it. Parang may karapatan. Parang pag-aari niya. Mukha niya. I hate him. I hate the way he talks like that. I hate the way he thinks he can command me. I hate the way my pulse still reacts every time his name pops up on my screen. Pag-uwi ko, mataas pa rin ang adrenaline ko. War mode. Hindi ako talo. Hindi ako umatras. Hindi ko dinelete. Still here. Still standing. Still not yours. Paakyat ako ng hagdan habang chine-check ang phone ko, expecting chaos. Comments. Reacts. DMs. Mentions. Wala. Tahimik. Napakunot ang noo ko. That’s weird. Kagabi tuloy-tuloy ’yon. Sunod-sunod ang notifications. Kahit anong galaw ko, may bago. Binuksan ko ulit ang app. Loading. Loading. Loading. Walang pumapasok. Napatingin ako sa Wi-Fi icon. Connected naman. Full bars. “Bakit hindi ako makakonek,” bulong ko. Lumapit ako sa router sa sala. Pinatay ko. Binuksan ko ulit. One minute. Two minutes. Three. Still nothing. Walang internet. Hindi ako agad nag-panic. Inis lang. Ang ganda naman ng timing? Ngayon pa talaga? Ngayon na ang daming nagmi-message? Ni-restart ko ulit. Mas matagal. Hinintay ko talagang mag-stabilize ang ilaw. Wala pa rin. Sinubukan ko sa laptop. No connection. Sinubukan ko mobile data. One bar. Then gone. Parang pinipilit akong maging offline. Parang may humihila pababa sa signal. Ramdam ko ang irritation na dahan-dahang nagiging discomfort. Hindi dahil addict ako sa notifications. Kundi dahil… the timing was too perfect. Kung kailan active na ulit makipag-interaction online. Tinawagan ko ang telecom company. Hold music. Automated voice. Transfer. Finally, may sumagot. “Good evening, ma’am, how may I help you?” I gave my details. Name. Address. Account number. Keyboard clicking sa kabilang linya. “Ma’am, may report po kami ng line disturbance sa area ninyo.” “Disturbance?” ulit ko. “Opo. May manual adjustment po sa fiber line sa poste malapit sa address ninyo.” Tumahimik ako. Manual adjustment. “Manual?” tanong ko ulit, mas mabagal. “Opo ma’am. Hindi po siya system error. May nag-handle po physically ng linya.” Hindi outage. Hindi maintenance. Hindi random glitch. Someone touched it? Hindi ko alam, pero isang tao lang ang pumasok sa isip ko. “May scheduled repair ba?” tanong ko. “Wala po ma’am.” “Authorized personnel?” “Under investigation pa po.” Under investigation?! That means hindi nila alam kung sino. I ended the call slowly. Tahimik ang bahay. Mas tahimik kaysa kanina. Hindi ako paranoid. Pero hindi rin ako tanga. Lumakad ako paakyat ulit ng kwarto ko. Mas mabagal ang hakbang ko ngayon. Hindi dahil natatakot ako. Kundi dahil may pattern. Delete it – ilang beses niyang sinabi at ilang beses din akong nagmatigas na hindi ko siya susundin… then biglang… Manual adjustment. Lumapit ako sa bintana. Hinawi ko ang kurtina ng konti. Sa tapat ng bahay namin… ilaw sa second floor. Bukas. Alam ko kung kaninong kwarto ’yon. Hindi kailangan ng confirmation. Magkalapit lang ang bahay namin. Ilang hakbang lang ang pagitan kung tatawid ka. Dati? Normal lang ’yon. Open houses. Bukas ang gate. Labas-pasok kami sa bawat bahay ng walang malisya. Ngayon? Parang hindi na kami magkakilala. Sumilip ako, natanaw ko ang windong may anino sa loob. Matangkad. Nakatayo. Hindi gumagalaw. Hindi ko makita ang mukha. Pero ang direksyon ng katawan niya? Nakaharap rito. Nakaharap sa’kin. Is he watching me? Nanlalamig ang batok ko. Coincidence? Pwede namang coincidence. Lumayo ako sa bintana. Hindi ko kailangang kumpirmahin. Because if I confirm… I’ll have to admit something. Buzz. Mobile data. Weak signal. Isa lang ang pumasok na message. From Rafael. Hindi ako agad huminga. Binuksan ko. Rafael: Mahina ba internet niyo Walang emoji. Walang haha. Walang question mark. Just him. Hindi iyon tanong. Awareness. Mabagal ang t***k ng puso ko ngayon. Hindi panic. Hindi kilig. Recognition. Tinype ko. Me: May kinalaman ka ba? Seen agad. Naghintay ako ng reply. Isang minuto. Dalawa. Tatlo. Ang tagal. Then… Rafael: Be careful who you let watch you. Napakagat ako sa labi ko. Hindi niya inamin. Hindi niya dine-deny. Just a warning. Nanlaki ang mga mata ko, bumilis ang kabog sa dibdib ko pero mas lamang ang pagkayamot. Mabagal kong tinype. Me: Threat ba ’yan? Mas matagal bago nag-seen. Mas matagal bago nag-reply. Then lumabas na sa screen ang message niya. Rafael: Reminder. Reminder? Ano 'to daig pa niya ang teacher, parang may authority, parang may karapatan. Lumapit ulit ako sa bintana. Hindi ko hinawi ang kurtina this time. Tumayo lang ako sa harap nito. Alam kong may posibilidad na nakatingin siya. Alam kong kaya niyang makita ang silhouette ko kung may ilaw ako. So pinatay ko ang lamp ko. Dark room. If he’s watching… he’ll see nothing. Another buzz. Weak signal. Partial message delivered. Rafael: Hindi ako nagbabanta At may kasunod pa. Rafael: Hindi ko kailangan Nanlambot ang mga daliri ko. Hindi siya sumisigaw. Hindi siya nagmumura. Hindi siya nagmamakaawa. He doesn’t escalate loudly. He adjusts quietly. Manual adjustment. A single move. At biglang… offline ako. Cut from the world. From the attention. From the noise. Left with him. Left with his messages. Left with the fact na kaya niyang galawin ang paligid ko without touching me. Napaupo ako sa gilid ng kama ko. Hindi dahil mahina ako. Kundi dahil ramdam ko ang biglang pag-ikot ng power. Kanina iniisip ko panalo ako. Kasi hindi ko dinelete. Kasi kahit makapangyarihan at napapasunod niya ang buong school, pero ako hindi niya ako napasunod. Pero ngayon? Wala akong internet. Wala akong audience. Wala na akong ibang makakausap. Just me… and him. Seryoso talaga siya sa gusto niyang mangyari. To control me?! And talagang sinigurado niya na matatalo ako. Napatigil ako, nag-iisip ng kung anong pwedeng gawin. Hindi na ako sumagot. Para ano pa? Tahimik ang kwarto ko. Tahimik ang buong bahay. Wala pa ring internet. Wala pa ring notifications. Wala na ring ingay. Just me, and the thought of him. Sa kabilang bahay. Sa kabilang screen. Hindi niya ako pinilit. Hindi niya ako sinigawan. Hindi niya ako hinawakan. Pero may ginawa siya. At ramdam ko ’yon. Pinaramdam niya. Malinaw niyang ipinamukha sa akin na kayang-kaya niyang galawin ang paligid ko nang hindi ako hinahawakan. Tahimik akong humiga sa kama. Madilim ang kwarto. Nawalan na ko ng gana pero hindi ibig sabihin papatalo ako sa kaniya. Hindi ako natatakot. Pero hindi na rin ako kampante. Hindi na ito simpleng selos. Hindi na ito simpleng pride. May laro na nagsimula. Larong trip lang daw niya. Ang kapal talaga. Pero sabi ko nga… hindi na ako ang dating Serena na tatahimik lang. Hindi ako papasindak sa ginawa niyang manual adjustments sa internet connection ko. Hintayin mo lang Rafael ang susunod na picture na ipo-post ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD