Serena
Matagal ko nang hindi inaayos ang account ko.
’Yung tipong alam mong buhay pa siya technically, pero parang abandonadong bahay na may makakapal na alikabok sa bintana. Hindi ko siya dine-delete. Hindi ko rin siya inaayos. Nandiyan lang.
Ginagamit ko lang siya para magbasa ng announcements, mag-scroll sa reels kapag bored ako, at mag-check ng stories ng iba.
Pero ako? Hindi ako nagpo-post.
Hindi ako nagpapalit ng profile picture.
Hindi ako naglalagay ng kahit ano tungkol sa sarili ko.
Tahimik lang.
Mysterious.
Safe.
Safe from attention.
Safe from judgment.
Safe from him.
Ngayon, hawak ko ang phone ko habang nakahiga sa kama. Bukas ang app. Nakatingin ako sa profile ko.
Profile picture ko? Ako na naka-hoodie. Nakayuko. May cap. Half-shadow ang mukha.
Boyish. Detached. Hindi mo makita ang mata ko.
That was intentional.
Mas madaling hindi mapansin.
Mas madaling hindi lapitan.
Mas madaling hindi pag-initan.
Mas madaling hindi masaktan.
Napahigpit ang hawak ko sa phone.
Pero hindi na ako ’yon.
Hindi na ako ’yung dating umiwas sa spotlight.
Hindi na ako ’yung kailangan magtago.
At lalong hindi ako ’yung iiwan na lang basta lang ng walang dahilan.
Huminga ako nang malalim.
Then I tapped “Edit Profile.”
“Level up,” bulong ko sa sarili ko habang namimili ng pics sa gallery ko.
Nandito ang mga random selfies ko na hindi ko pinopost. Mga pictures na kinukuha ko lang kapag bored. Mga photos na never nakita ng kahit sino.
Hidden version ko.
Private version ko.
Then I saw it.
Isang picture na kinuha ko last week.
Same gray jacket. Same style.
Pero this time, naka-off shoulder siya nang konti. Hindi sinasadya… pero halatang intentional.
Walang cap. Walang hoodie na nakatakip.
Buhok ko medyo magulo. Skin ko glowing dahil bagong ligo. Lips slightly parted.
Hindi siya bastos. Hindi siya sobra.
Pero hindi rin siya safe.
It was… confident.
Mas babae.
Mas aware sa sarili.
Mas aware na may mga mata na titingin.
Tinitigan ko ang picture nang matagal.
Kung dati, tatakpan ko ang mukha ko.
Ngayon?
I’m done hiding.
Nagpalit ako ng profile picture.
For two seconds, nanginginig pa ang daliri ko bago ko pinindot ang confirm.
Upload.
Boom.
Parang may sumabog sa dibdib ko.
Profile updated.
Hindi pa ako tapos.
Binura ko ang lumang bio ko na:
“private account. no nonsense.”
Pinalitan ko ng:
“you don’t get to control the narrative.”
Subtle.
Pero may patama.
Para sa kanya.
Humiga ako sa kama ko, hawak ang phone ko, pinapanood ang notifications na unti-unting pumapasok.
Una paisa-isa lang.
Then mas mabilis.
Then sunod-sunod.
“Uy buhay ka pa pala?” “Grabe ka.” “New era?” “Ang ganda mo.”
May mga lalaking hindi ko naman kinakausap dati na biglang nagha-heart react sa stories ko.
May mga kaklase na ngayon lang nag-message.
May mga pangalan na pamilyar.
At sa gitna ng aking pagbabasa ng
mga comment may nag pop-up na notification.
Rafael Aragon sent you a message.
Tumigil ang paghinga ko saglit parang ayaw kong buksan.
Pero ilang saglit lang binuksan ko din.
Dalawang salita lang.
Delete it.
Napatitig ako sa screen.
Parang may sumabog na init sa dibdib ko.
Delete it?
Delete it?!
Wala man lang explanation?
Wala man lang context?
Just…
Delete it.
Napatawa ako.
Hindi sa kilig.
Sa inis.
Nag-type ako agad ng reply.
Anong karapatan mo?
Mabilis niyang na-seen ang message ko.
Typing…
Natigil.
Typing ulit.
Then lumabas ang reply niya.
Delete it.
Binasa ko sa isip ko.
Kahit pareho lang nung message sa una ay parang mas malamig, mas commanding, parang utos na kailangang sundin, parang...
Pagmamay-ari.
Naramdaman ko yung pag-init ng pisngi ko.
Hindi dahil kinikilig ako.
Dahil nagagalit ako.
Sabi niya, “Forget it.”
Sabi niya, tigilan.
Sabi niya, wala lang ’yon.
Pero ngayon? Nagme-message siya.
Dahil sa picture?
Dahil nakita niya ako?
Dahil nakita ng iba?
Nag-type ako ulit.
Sabi mo forget it. Bakit nagme-message ka ngayon?
Seen niya agad.
Walang typing.
Walang paliwanag.
Ilang segundo akong nakatitig sa screen.
And then biglang lumabas ang message niyang....
Delete it.
Napaupo ako sa kama.
Literal na napatawa ako sa sobrang inis.
Grabe ang kapal.
Hindi niya ako pagmamay-ari.
Hindi niya pwedeng kontrolin ang galaw ko.
Huminga ako nang malalim.
Tinype ko ang dalawang salitang alam kong magpapa-init lalo ng ulo niya.
Make me.
Sent.
Tahimik ang chat.
Walang seen. Walang reply.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatitig sa screen.
After ilang minuto ay nag-reply na din siya.
Don’t test me.
Mabagal kong binasa.
Don’t test me.
Ah.
Ganito pala.
Gusto niya control.
Gusto niya ako sa anino.
Gusto niya ako tahimik.
Gusto niya ako hindi tinitingnan ng iba.
Pero siya?
Siya ang unang lumayo.
Siya ang nagsabing kalimutan.
Nag-type ako ulit.
You don’t get to tell me what to do.
Seen.
Matagal na naman walang reply.
Para bang sa bawat message ko sa kanya ay pinag-iisapan niyang mabuti kung ano ang isasagot niya sa'kin.
Hanggang sa hindi na talaga niya nag-reply.
Ramdam ko ang bigat.
At alam kong hindi pa ito tapos.
__________
Kinabukasan sa school, ramdam ko ang mga mata.
Hindi lang dahil sa bagong profile picture.
Kundi dahil kumalat na.
“Uy, nakita mo ’yung post niya?” “Ang laki ng pinagbago.” “Grabe, parang ibang tao.”
Naririnig ko.
At hindi na ako yumuyuko.
Pagpasok ko sa hallway, nandoon siya.
Nakasandal sa locker niya.
Tahimik.
Arms crossed.
Madilim ang tingin.
Hindi siya lumalapit.
Hindi rin siya umiiwas.
Diretso ang tingin niya sa’kin.
Parang ako lang ang tao sa hallway na ’yon.
Lumapit ako.
Hindi para kausapin.
Para dumaan.
Pagdaan ko sa tabi niya, narinig ko ang boses niya.
Mahina, pero sapat para mahagip ng pandinig ko.
“Delete it.”
Hindi ako tumigil sa paglakad.
“Make me.” bulong ko.
Narinig ko ang marahan niyang tawa sa likod ko.
Hindi masaya. Hindi amused. Parang yung tipo ng tawa na nagbabanta.
“Don’t push me, Serena.”
Napahinto ako sa paglakad sabay lingon.
Mas malapit na siya ngayon.
Mas mabigat ang hangin.
“Push you?” mahinahon kong sagot. “Ikaw ang umatras.”
Umigting ang panga niya.
“You don’t know what you’re doing.”
Napangiti ako.
“Oh, I know exactly what I’m doing.”
“People are looking at you,” dagdag niya.
“Good.”
“Serena.”
“Ano?” tinaasan ko siya ng kilay. “Natatakot ka ba?”
Isang hakbang ang pagitan namin ngayon.
Mas mababa ang boses niya nang magsalita siya ulit.
“I don’t share.”
Tumigil ang ti bok ng puso ko sandali.
Ownership.
Talang kine-claim niya na may karapatan siya.
Pero bakit sa ganitong paraan?
Bakit hindi na lang niya ko lapitan at kausapin ng maayos?
Tinignan ko siya diretso sa mata.
“Hindi mo ako pagmamay-ari, and you don’t get to control me."
Tahimik.
Matagal.
And then...
“Fine.”
Isang salitang mas nakakatakot pa kaysa sa pagbabanta.
Lumayo siya, at iniwan ako roon.
Pero alam kong hindi pa tapos.
Hindi pa ito ang dulo.
Pag-uwi ko, mas dumami ang notifications.
Mas maraming likes.
Mas maraming follow requests.
Mas maraming comments.
At sa gitna ng lahat ng ’yon...
Isang bagong message.
From him.
This isn’t over.
Napangiti ako habang binabasa ’yon.
Hindi nga.
Hindi pa.
Pero this time?
Hindi na ako ang tahimik.
Hindi na ako ang nagtatago.
At kung gusto niya ng laban…
He should’ve thought twice before letting me go first.
War na kung war.
And this time?
I’m not backing down.