Serena
Hindi ko siya tinulak.
’Yon ang problema.
Hindi ko siya tinulak!
Nakaupo ako sa kama ko, nakatitig sa kisame, habang paulit-ulit sa utak ko yung eksena sa locker room. Hindi ko maiwasan. Hindi ko talaga maiwasan.
Yung pagdikit ng labi niya sa’kin.
Yung kamay niya sa baywang ko.
Yung paghinga niya na bumagal.
Yung saglit na pagkawala ng control niya.
At sa kabila ng lahat… siya ang unang lumayo.
Siya!
Ako pa dapat ang maglalakad palayo. Ako pa dapat ang may last word. Ako pa dapat mas cold.
Pero hindi.
Si Rafael Aragon ang umatras.
Napaupo ako bigla, pinisil isa-isa ang mga daliri ko sa kamay, parang gusto kong tanggalin lahat ng iniwang tensyon sa katawan ko.
“Hindi ako dapat maging affected, kung ayaw niya e di don't?!” bulong ko sa sarili ko.
Pero alam kong mali ako. Alam kong may tumitibok na mas mabilis sa dibdib ko. Alam kong may naiwan na bakas sa labi ko, sa katawan ko, sa utak ko.
Kumagat ako sa lower lip ko, at parang naiiyak na ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Mixed emotions. Confusion. Frustration. Kilig. Lahat nang sabay.
“Ugh!” napahiga ulit ako, tinakpan ang mukha ko ng unan, sinusubukang takasan ang memorya na paulit-ulit bumabalik sa isip ko.
Buong magdamag na naman akong hindi nakatulog dahil tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, isang imahe lang ang paulit-ulit na sumasalubong: si Rafael.
Kinabukasan, parang wala akong ganang pumasok. Pero naisip ko, wala rin naman kami. Wala akong karapatan para mag-inarte, mag-emote, mag-expect. It's just a kiss. Forget it, sabi nga niya.
Then kalimutan. Ano ba naman ’yun, ilang taon kaming hindi nag-usap tapos nag-kiss kami bigla? Tapos kakalimutan? Parang imposible.
Nasa school na ako nung umaga, pilit kong kinakalimutan kahit na sa loob-loob ko, paulit-ulit pa rin nagre-replay ang nangyari kahapon. Hanggang sa hinila na ako ng makulit na si Mia papunta sa CR ng girls.
“Uy, bakit parang may crime scene energy?” bungad niya, hawak ang mga bag niya, ang mga mata niya nagliliwanag sa excitement.
Tinitigan ko siya, hinahanap sa mukha niya ang kahit anong senyales ng pag-intindi.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ko ikwento sa kanya.
“Hinalikan niya ako.”
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng paglaglag ng panga. Para bang ilang segundo pa bago nag-register sa utak niya ang sinabi ko.
“ANO?! Ahhh...” Sigaw niya.
Tinakpan ko agad ang bibig niya.
“Shhh! Baliw!” Suway ko sa kanya.
Kumikislap ang mata niya.
Literal.
Tumigil naman siya at tumango-tango pa, kaya inalis ko na ang kamay ko sa ibabaw ng bibig niya.
“Full kiss? Peck? Side? Detailed report, please!” Sabay hawak sa dalawang braso ko at shinake ang body ko.
“Ano ba, Mia, teka lang, mag-chill ka nga!” Inis kong sambit.
“Ang tagal naman, kilig na kilig na ko dito!” Pagmamadali niya.
Parang hindi siya nakaka-intindi na hindi ako masaya.
Napailing ako, at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Bigla namang nag-iba ang aura ng mukha niya ng mapansin na wala ako sa mood.
“Ay bakit ang sad? Kiniss ka ng childhood crush mo tapos sad ka? Kung ako ’yon kikiligin ako!” Nakangiti pa rin siyang sambit.
Tinignan ko siya ng masama.
As in.
“Tumahimik ka nga muna.” Sabay inikot ang paningin ko sa loob ng CR.
Kaming dalawa lang dito, pero baka mamaya may tao sa mga cubicle at narinig ang pinag-uusapan namin.
Ayos naman at wala.
Humarap ulit ako sa kanya, nasa tapat kami ng salamin. Ang sarili ko ang tinitingnan ko, pero parang hindi ko rin kilala ang reflection ko.
Mas mature? Mas babae? Mas… desirable?
“Paano naman ako kikiligin kung siya ang unang lumayo? It feels like we are going to connect again, and then it happens again, naiwan na naman ako.”
Nawala ang ngiti ni Mia at tumigil siya.
“Wait… what?”
“Nakikinig ka ba? Gusto mo talagang ulit-ulit. Siya ang unang lumayo after niya ako halikan.”
Mia blinked. Once. Twice. Bigla siyang nag-smile.
“Okay… that’s hot.”
Kumunot ang noo ko.
“Hindi ’yon hot!” inis kong sagot.
“Girl, mas hot ’yon! Ibig sabihin nagpipigil siya.”
“Hindi ko kailangan ng lalaking nagpipigil!” sagot ko agad.
Mia tumingin sa’kin, slow smile spreading.
“O nabitin ka?”
Sinamaan ko siya ulit ng tingin, gusto ko na siyang sakalin.
She's so unbelievable.
“Alam mo kung ano sinabi niya?” dagdag ko, halos bulong na.
“Ano?”
“Sabi niya kapag sinimulan niya, hindi siya sigurado kung kaya niyang tumigil.”
Tatlong segundo ng katahimikan. Then Mia slapped the counter.
“OH MY GOD THAT’S CINEMA.”
Okay, mukhang lalo siyang kinilig. I think attracted si Mia sa mga lalaking red flag.
“Tumigil ka nga!” Suway ko sa kanya.
“Okay, I'm sorry, masyado ako na-excited. Linawin mo nga muna yung kwento. Sige, una sabi mo hinalikan ka niya, tapos anong next na nangyari?”
“Wala.” Mahina kong sagot.
“Wala? As in wala kang ginawa?”
“Wala.” Sagot ko ulit.
She froze.
“You… did not push him?”
Sabi na ngang wala akong ginawa.
Slowly, ang ngiti niya lumalawak.
“Serena.”
“Shut up.”
“SERENA.”
“Shut up!”
“You kissed him back!”
“Hindi ko alam kung sino unang gumalaw!” Depensa ko.
“But you didn’t stop him.” Mapanukso niyang sambit.
Wala na akong maisagot. At doon ko naramdaman yung frustration. Hindi dahil hinalikan niya ako, kundi dahil hindi ko siya pinigilan. Mas masakit pa?
Nung lumayo siya, parang ako yung naiwan.
“After no’n?” tanong ni Mia, mas kalmado na siya ngayon.
“After no’n bigla siyang naging cold.”
“Cold how?”
“As in switch flipped. ‘Forget it.’ Tapos umalis.”
Mia’s kilig slowly shifted to curiosity.
“Okay, that’s… interesting.”
“Interesting?” ulit ko.
“Girl, either natakot siya sa sarili niya… or natakot siya sa’yo.”
Napatawa ako nang sarcastic.
“Rafael Aragon? Natatakot sa akin?"
Naparolyo na lang ako ng mata.
Si Mia naman ay nanatiling tahimik habang pinagmamasdan ako at tila ba kusang naubos ang tawa ko nang maisip ko.
Sa feelings niya? Takot siya sa feeling niya? Ang gulo naman nun kung sakali.
At somehow… parang kasalanan ko pa.
Napalingon ako sa salamin. Normal naman ako.
Same face. Same Serena. Sa pananamit lang nagbago.
Pero bakit, kahit nagbago na ko, mas naging babae na ako tignan, bakit mas mabigat ang hangin sa paligid namin?
Paulit-ulit na tanong. Nakaka-frustrate.
“Alam mo ano pinaka nakakainis?” sabi ko kay Mia.
“Ano?”
“Hindi ko alam kung gusto ko siyang suntukin… o halikan ulit.”
Mia literally squealed.
“HALIKAN ULIT! HALIKAN ULIT!”
“Tumahimik ka nga!” Nanlalaking mata kong suway na naman sa kanya.
“Girl, this is tension. This is unresolved chemistry. This is slow burn na malapit nang sumabog!”
Hindi ako natawa. Kasi sa totoo lang? Sumabog na talaga. Pero ako pa rin yung talunan.
“Hindi ako papayag ng ganito!” sabi ko, mas seryoso.
“Anong ganito?”
“Na siya ang may control, na pinipigilan niyang may lumapit sa akin pero siya mismo ang ayaw lumapit.”
Mia tilted her head, parang hindi siya sang-ayon sa sinasabi ko.
But seryoso ako, hindi talaga ako papayag.
“Kung gusto niya maging cold, mas kaya ko.”
“And?” sabi pa ni Mia.
“And kung nagawa niyang kontrolin at mapigilan ang mga tao na lumapit sa akin, pwes I'm going to level up. Nawalan man ako ng manliligaw dito sa school dahil sa kagagawan niya, ay sisiguraduhin kong magkakaroon ako ulit.”
“Pano mo naman gagawin yun, girl?” Tanong ni Mia habang nakakunot ang noo.
“Online. Bubuhayin ko na 'yung soc med account ko! And this time hindi na niya 'yon magagawang kontrolin.”
Mia smiled, looking impressed.
“Serena… you’re dangerous.”
Napailing ako, pero may ngiti rin na sumulpot sa labi ko.
Parang may kung anong nabuhay sa loob ko at nakaramdam ako ng excitement.
Rafael Aragon, tignan na lang natin.
Ipapakita ko sa’yo na hindi lahat ng gusto mo ay magagawa mo!