7. He Let Go First

1201 Words
Serena Hindi ko alam kung sino ang unang gumalaw. Ako ba? Siya ba? Ang alam ko lang… isang segundo bago magdikit ang labi namin, may pagkakataon pa akong umatras. Pero hindi ko ginawa. Ang sabi ko hindi ko na siya papansinin pero bakit napapunta ako sa ganitong sitwasyon. Yung kamay ko nasa collar niya pa rin. Nakahawak. Hindi mahigpit. Pero hindi rin basta-basta. Ramdam ko yung init ng balat niya kahit hindi pa kami magkadikit. Yung dibdib niya, mabilis ang pag-angat at pagbaba. Hindi siya kalmado. Hindi siya composed. At lalo akong nahilo doon. “Serena,” mahina niyang sabi. Warning ba ’yon? O hiling? Hindi ko alam. Dahan-dahan siyang yumuko. Hindi padalos-dalos. Hindi gutom. Hindi parang trip lang. Parang binibigyan niya ako ng huling chance magbago ng isip. Hindi ako gumalaw. Hindi ako umatras because at the back of my mind… Hindi ko lang maamin. Alam kong nandito pa rin siya. Alam kong gusto ko pa rin siya. Yung daliri ko sa dibdib niya, humigpit nang konti. That was the answer. At doon tuluyang nawala ang natitirang space sa pagitan namin. — Unang dampi. Hindi malalim. Hindi marahas. Pero sapat para tumigil ang mundo. Mainit. Mas mainit kaysa in-expect ko. Parang biglang nag-focus lahat ng senses ko sa iisang punto — sa kung saan nagdikit ang labi namin. Yung hininga ko naputol. Yung mga daliri ko sa collar niya napahigpit. Narinig ko ang mahinang paghinga niya bago siya tuluyang dumidiin. Yung unang kiss parang tanong. Second contact was the answer. Mas dumidiin ang labi niya. Hindi pilit. Hindi nagmamadali. Pero sure. Parang matagal niya nang iniisip kung anong pakiramdam nito. Parang matagal niya nang pinipigilan. Yung kamay niya bumaba mula sa locker. Dahan-dahan. Ramdam ko yung pagdaan ng braso niya sa gilid ng katawan ko. Mabagal. Halos nagdadalawang-isip pa kung hahawak ba o hindi. Hanggang sa maramdaman ko yung palad niya sa baywang ko. Hindi madiin. Pero steady. Claiming. Napasinghap ako — hindi ko namalayan. At doon siya mas lumapit. Mas dumidiin ang labi niya. Hindi pa rin marahas. Pero mas buo na. Mas sigurado. Parang may pader na bumagsak sa pagitan namin. Yung isa kong kamay umangat sa leeg niya. Naramdaman ko ang init ng balat niya sa ilalim ng mga daliri ko. Yung batok niya tense. Parang pinipigilan niya pa rin ang sarili niya. Hinawakan ko siya. Hindi para itulak. Kundi para hilahin siya palapit. Kung may control man siya kanina— Nawala rin ’yon. Ramdam ko sa paraan ng paggalaw niya. Sa mas mabigat na paghinga niya. Sa bahagyang pagdiin ng kamay niya sa baywang ko, parang natatakot siyang bitawan ako pero natatakot din siyang hawakan ako nang mas mahigpit. Yung hinlalaki niya gumalaw sa gilid ng baywang ko. Slow. Isang maliit na movement lang. Pero parang may kuryente sa balat ko. Napapikit ako nang tuluyan. Mas lumalim ang kiss. Hindi wild. Hindi reckless. Pero hindi na rin innocent. May history doon. May galit. May pride. May lahat ng hindi namin sinabi sa isa’t isa for years. Huminga ako laban sa labi niya. Bahagyang napabuka ang bibig ko. Narinig ko ang mahinang paghinga niya — parang doon siya tuluyang nadulas. Mas lumapit siya. Isang segundo na parang wala nang hallway. Wala nang lockers. Wala nang school. Kami lang. Yung kamay niya sa baywang ko bahagyang humigpit. Hindi masakit. Pero sapat para ipaalala sa’kin na nandito siya. Na totoo ’to. Yung mga daliri ko sa batok niya pumasok sa buhok niya. Hindi ko namalayang hinihila ko na siya palapit. Hindi ko namalayang ako na ang mas sabik. Hindi ko alam kung gaano katagal ’yon. Baka ilang segundo lang. Baka isang minuto. Pero nung sandaling ’yon, walang invisible rule. Walang pride. Walang galit. Kami lang. At yung halik na matagal na dapat nangyari. At doon siya tumigil. Bigla. Parang may nagising sa kanya. Parang may naalala. Yung kamay niya sa baywang ko humigpit saglit... And then kumalas. Umatras siya. Isang hakbang. Dalawa. Parang ako yung nasunog. Naiwan akong nakasandal sa locker. Humihingal. Nalilitong nakatingin sa kanya. Yung labi ko mainit pa. Yung balat ko parang may marka pa ng hawak niya kahit wala naman. Hindi ko agad naitaas ang tingin ko. Narinig ko ang paghinga niya... mas mabigat ngayon. Mas pilit. Pagtingin ko sa kanya... Iba na ulit ang mukha niya. Controlled. Cold. Yung dating Rafael. Parang hindi siya yung lalaki na kakahalik lang sa’kin. Parang hindi siya yung muntik mawalan ng control. “Rafael -” “Don’t.” Cutting me off. Hindi malakas. Pero matigas ang pagkakabigkas. Humigpit ang panga niya. Hindi siya makatingin nang diretso sa’kin ngayon. Which was new. Si Rafael Aragon na hindi makatingin sa’kin. “Hindi dapat nangyari ’yon,” sabi niya. Masakit ’yon. Hindi ko alam kung bakit. Ako naman yung galit. Ako naman yung inis. Pero bakit parang ako yung naiwan? “Bakit?” tanong ko. Mahina. Hindi ko sinasadyang maging mahina pero mabigat talaga sa dibdib. Tahimik siya sandali. Then finally, tumingin siya. Diretso. Mas seryoso kaysa dati. “Kasi kapag sinimulan ko ’to,” mababa ang boses niya, “hindi ako sigurado kung kaya kong tumigil.” Tumigil ang mundo ko. “Then bakit ka tumigil?” tanong ko. Hindi ko alam kung ang tanong ko ay para sa halikan namin ngayon or yung panahon na bigla na lang niya kong iniwan sa ere. Siguro pareho? Mas mabagal na t***k ng puso ko ngayon. Mas mabigat. Saglit siyang tumingin sa labi ko. Then sa mga mata ko. “Because you deserve better than that version of me.” Aray. Napalunok ako. Mas masakit pa ’yon kaysa sa paglayo niya. Umatras pa siya. Inayos niya yung sleeves niya. Parang wala lang. Parang practice lang ang nangyari. Parang walang halikan na naganap sa pagitan naming dalawa. “Forget it,” sabi niya. Tapos tinalikuran niya ako. At naglakad palayo, hindi nagmamadali ang bawat hakbang. Relax lang. Iniwan niya akong nakasandal sa locker. Mainit pa ang labi ko. Ramdam ko pa ang kamay niya sa baywang ko. Ramdam ko pa yung paraan ng pagdikit niya sa’kin. Pero mas ramdam ko ngayon… Yung lamig na iniwan niya. Hindi ako sigurado kung mas nasaktan ako sa paghalik niya… O sa pagbitaw niya. At doon ko na-realize ang mas nakakainis na katotohanan. Hindi ako galit dahil hinalikan niya ako. Galit ako dahil siya ang unang lumayo. At mas masakit doon? Gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang hilahin pabalik. Gusto ko siyang tanungin.... Ano ba talaga tayo? Ayaw mong may lumalapit sa’kin. Ayaw mong may kumausap sa’kin. Pero hindi ka rin naman gumagawa ng paraan para tayo ang magkalapit ulit. Anong logic ’yon? Anong karapatan ’yon? Ayaw mo akong lapitan ng iba. Pero ikaw mismo… umatras. Anong klaseng trip 'to? Mas lalo akong nainis. Mas lalo akong naguluhan. Kung gusto niya ako bakit parang ako pa rin ang kailangang maghabol? Kung ayaw niya bakit parang ayaw din niya kong bitawan? Huminga ako nang malalim. Hindi ko siya hahabulin. Hindi ko siya tatanungin. Kung may gusto siyang sabihin siya ang lumapit. Pero habang sinasabi ko ’yon sa sarili ko… Ramdam ko pa rin ang init ng labi ko. At mas nakakainis doon? Sinasabi ng puso at isip ko na kung babalikan niya ko ngayon. Sasama ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD