Serena
Hindi ako makatulog.
Hindi dahil sa takot.
Hindi dahil sa kaba.
Kundi dahil sa inis.
Invisible rule?
Seriously?
Hindi ako trophy. Hindi ako property. At lalong hindi ako group project na may assigned guardian.
Kung may nagseset ng rule tungkol sa’kin, gusto ko malaman kung sino.
Kahit alam ko na.
At mas nakakainis?
Hindi siya nagagalit.
Hindi siya nagwawala.
Kalmado lang siya. Relax.
Pero nagagawa niyang pasunurin ang lahat.
At mas nakakatakot ’yon.
________
Kinabukasan, mas maaga akong pumasok.
Tahimik pa ang hallway. Ilang lockers pa lang ang bumubukas. May amoy pa ng floor wax at aircon na hindi pa fully malamig.
Nakatayo lang ako sa locker ko, kunwari may inaayos.
Pero nakikinig ako.
“Pre, huwag mo na subukan.”
“Bakit? Friendly lang naman.”
“May rule.”
Tumigil ako.
“Anong rule?”
Pause.
“Kay Serena.”
Nanigas ako nang marinig ko ang pangalan ko.
Nasa kabilang row sila. Hindi nila ako nakikita.
“May jowa ba siya?”
“Wala.”
“Eh bakit?”
“Basta. May nagsabi.”
“Sinong nagsabi?”
Mas mahina ang sagot.
“Alam mo na.”
Hindi nila binanggit ang pangalan.
Hindi nila kailangan.
Lumabas ako sa gilid ng lockers.
Pareho silang nagulat.
“Good morning,” sabi ko, sweet ang boses ko.
Hindi sila makatingin diretso.
“Anong rule?” diretso kong tanong.
“Wala naman.”
“Narinig ko.”
Silence.
Isa sa kanila ang napabuntong-hininga.
“Hindi siya nagbabanta,” sabi niya.
Humigpit ang panga ko. “Sino?”
“Pag may lumalapit sa’yo… kinakausap niya.”
Nanlamig ako.
“Anong sinasabi?”
Nagkatinginan sila.
“Ah, basta ayaw namin madamay.”
At sabay silang kumaripas ng takbo palayo sa akin.
Nakakainis.
_________
Pagpasok ko ng cafeteria, ramdam ko agad.
May space. May distansya. May invisible line sa paligid ko.
Dati ako yung nilalapitan.
Ngayon ako yung iniiwasan.
Umupo ako sa tabi ni Mia.
“You knew,” sabi ko.
“Hinala lang,” sagot niya.
“Kinakausap niya sila.”
“What, oh-em-gee, mukhang magkakaroon ng comeback ah. Ano, patugtugin ko na ba yung kanta ni Mariah na We Belong Together?” pang-asar niya.
“Tigilan mo nga!” inis kong sagot dahil hindi funny.
Napatingin ako sa kabilang table.
Nandoon siya.
Rafael Aragon.
Relaxed. Nakaupo. Nakikinig sa teammates niya.
Parang wala siyang ginagawang mali.
Pero every few seconds?
Nararamdaman ko.
Yung tingin niya.
Hindi obvious.
Pero steady.
Parang may invisible thread sa pagitan namin.
At mas nakakainis dahil…
Parang may koneksyon pa rin kami kahit matagal na kaming hindi nag-uusap.
________
Kinahapunan, may lumapit sa’kin. Transfer student. Mukhang hindi pa updated.
“Hi,” sabi niya.
Ngumiti ako. “Hi.”
Casual. Light.
Pero hindi pa tapos ang isang minuto...
Ramdam ko agad.
Yung bigat.
Pag-angat ko ng tingin...
Nandun siya.
Nakatayo sa gilid ng court.
Hindi galit.
Hindi nakakunot-noo.
Hindi naglalakad papunta.
Nakatayo lang.
Tahimik.
Pero yung kausap ko?
Unti-unting tumahimik.
Napalingon sa likod ko.
Nakita siya.
At doon ko nakita yung parehong expression.
Hindi inis.
Hindi galit.
Takot.
“May tatawag lang,” sabi niya bigla.
Wala namang nag-ring.
Pero umalis siya.
Diretso. Hindi na lumingon.
Huminga ako nang mabagal.
Okay.
Confirmed.
At kung ginagawa niya ’to for his own entertainment, hindi na ako katulad ng dati na tatahimik lang.
__________
Pagliko ko sa hallway, nandun siya.
Nakasandal sa locker.
Parang alam niyang lalapit ako.
Huminto ako sa harap niya.
“May kailangan ka ba?” tanong ko.
He smirked saglit, tapos naging seryoso ulit ang face.
His handsome face.
“Ikaw ang lumapit sa’kin. Baka ikaw ang may kailangan?” sagot niya.
Wala akong panahon makipagbiruan.
“Bakit umaalis lahat ng lumalapit sa’kin?”
Tahimik siya.
Tinanggal niya yung sandal niya sa locker at tumuwid.
“Coincidence.”
Lumapit ako ng isang hakbang.
“Yung tatlo? Coincidence?”
“Bakit mo iniisip na may kinalaman ako?”
“Kasi tuwing may lalapit sa’kin… nandiyan ka.”
Lumapit siya.
Hindi mabilis.
Isang hakbang.
Hindi ko namalayang umatras ako.
Hanggang sa tumama likod ko sa locker.
Huminto siya.
May space pa.
Pero hindi na normal yung hangin sa pagitan namin.
“May sinabi ka ba sa kanila?” tanong ko.
Hindi niya ako sinagot agad.
“Rafael.”
Ayoko sanang banggitin ang pangalan niya.
Pero natural lang na lumabas.
“Anong gusto mong marinig?” mababa ang boses niya.
“Truth.”
Lumapit pa siya.
Half step.
Isang dangkal na lang pagitan namin.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Saglit lang.
Pero ramdam ko.
Uminit tenga ko.
Mas bumilis tìbok ng puso ko.
“Hindi ko kailangan magsalita,” sabi niya.
Kahit kinakabahan ako, hindi ako pwede magpakita ng kahinaan.
Kailangan ko malaman kung bakit niya ginagawa ’to.
“Ano?”
“Hindi ko kailangan magsalita para malaman nila.”
“Malaman ang ano?”
Mas lumapit siya.
Ramdam ko init ng katawan niya.
Yung amoy niya. Clean. Faint cologne. Mixed with something familiar.
Hindi pa rin nagbago.
Ganun pa rin katulad ng dati.
“Na hindi ka basta-basta.”
“Alam mo naman pala, e bakit mo sila tinatakot?”
Dahan-dahan niyang tinaas kamay niya.
Huminto ako.
Akala ko hahawakan niya ako.
Pero sa locker sa tabi ng ulo ko niya inilagay.
Hindi ako hinawakan.
Pero ramdam ko braso niya sa gilid ng mukha ko.
Yung init.
Yung tension.
“Wala lang, gusto ko lang,” sabi niya.
At pagkatapos ay mas yumuko siya.
Mas malapit.
Tila ba tumigil ang mundo ko.
Pero saglit lang.
Mas lamang ang inis sa nakuha kong sagot.
“Gusto mo lang? Anong klaseng trip ’yan?” tanong ko, mahina pero diretso.
Hindi niya ako sinagot.
Tumitig lang.
So ano pang point ng pag-uusap namin kung wala naman akong maayos na sagot na makukuha?
Ay meron pala.
Trip lang niya.
’Yon na ’yon.
Gets ko na.
Dinagdagan lang niya yung galit ko sa kanya.
Umakyat kamay ko sa dibdib niya.
Nararamdaman ko ang tìbok ng puso niya.
Mabilis.
So hindi rin siya kalmado tulad ng ipinapakita niya.
“Hindi na tayo friends. Umalis ka diyan.”
“So.”
“Wala kang karapatan.”
“Alam ko.”
“Then stop.”
Hindi siya umatras.
Mas lalo siyang lumapit.
Isang pulgada na lang.
Ramdam ko hininga niya sa balat ko.
Yung kamay niya nasa locker pa rin.
Pero ang katawan niya halos dikit na.
“Sabihin mo lang,” bulong niya, halos sa labi ko na, “na gusto mong may lumalapit sa’yo.”
Hindi ako makasagot.
Dahan-dahan siyang yumuko.
Hindi mabilis.
Hindi desperate.
Parang binibigyan niya ako ng oras umatras.
Hindi ako umatras.
Yung daliri ko sa dibdib niya, humigpit.
Yung isa kong kamay, hindi ko namalayang umangat.
Napunta sa collar niya.
Hinila ko siya.
Hindi malakas.
Pero enough para mawala yung natitirang space.
Isang hinga na lang pagitan namin.
Naramdaman ko yung daliri niya gumalaw sa gilid ng baywang ko.
Hindi pa hawak.
Hovering.
Asking.
Waiting.
“Serena,” mahina niyang sabi.
Hindi ko alam kung warning ba ’yon.
O hiling.
Uminit ang balat ko.
Napapikit ako.
Hindi ko alam kung sino ang unang gumalaw.
Siya ba?
Ako ba?
Pero pareho kaming nag-lean.
Unti-unting naglalapit ang aming mga mukha.
Slow.
Deliberate.
Walang istorbo.
Walang locker na sasara.
Walang tatawag.
Walang makakapigil.
Yung labi niya.
Isang hinga na lang.
Ramdam ko na yung init.
Yung anticipation.
Yung posibilidad.
At sa mismong segundo na magdidikit na ang aming mga labi -
Pinangarap ko dati na siya ang maging first kiss ko.
Pero hindi sa ganitong paraan.