Serena
Hindi ko gusto yung pakiramdam na parang ako ang mali kahit wala naman akong ginagawa.
Hindi ako bulag.
Hindi rin ako tanga.
Hindi pwedeng coincidence na lahat ng lalaking lumalapit sa’kin may biglang “emergency” kapag nakita ako.
Isa? Pwede.
Dalawa? Medyo suspicious.
Tatlo?
Pattern na ’yon.
At hindi ako mahilig mag-assume.
Pero hindi rin ako mahilig magpanggap na walang nangyayari.
Kung may nagawa man ako o sinabi na hindi nila nagustuhan sabihin nila hindi 'yung ganito.
May naiisip ako pero ayaw ko talaga mag-assume, para kasing may nag-uutos sa kanila na layuan ako.
Kailangan ko muna makasiguro at hinala lang ang meron ako.
“Girl…” bulong ni Mia habang pababa kami ng stairs. “Nakikita mo ba ’yon?”
“Ano na naman?” malamig kong sagot.
“Yung trauma response niya.”
Napatingin ako sa baba.
Nasa landing si Manliligaw #3.
May hawak na phone. Casual. Relaxed ang tindig.
Pero nang makita niya ako...
Nawala ang chill.
Literal.
Parang mukhang nagpapanic.
At bakit?
Yung balikat niya biglang tumuwid. Yung daliri niyang nakahawak sa phone napahigpit. Yung mata niya?
Hindi sa mukha ko tumingin.
Dumiretso sa likod ko.
Hindi sa’kin.
Sa likod ko.
May malamig na gumapang sa batok ko.
“Kakausapin natin,” sabi ko.
Ngumiti si Mia. “Oh this is getting interesting.”
Hindi ako natuwa.
Hindi ito laro.
Bumaba kami.
Narinig niya ang hakbang namin.
At doon pa lang ay umalis na siya.
“Hi!” tawag ko.
Mas bumilis ang lakad niya.
Hindi iyon simpleng iwas.
Iyon ay flight response.
“Oh hell no,” bulong ni Mia.
Inabutan namin siya sa may turn ng stairs.
Huminto ako sa harap niya. Si Mia sa likod.
Wala na siyang lusot.
“Ah, ay- hi,” pilit niyang sabi.
Nautal pero nagawa naman niyang ngumiti.
Pinagpapawisan siya.
Air-conditioned ang building.
“Bakit ka umiiwas?” diretso kong tanong.
“Ako? Hindi ah.”
Tumaas ang kilay ko.
“Hindi?”
“Busy lang.”
“Busy ka kapag ako ang kaharap mo?”
Napatingin ulit siya sa likod ko.
Dahan-dahan akong lumingon.
Walang tao.
Pagharap ko, mas maputla na siya.
“May ginawa ba ako?” mas malamig na ang tono ko.
“W-wala.”
“Sure?”
“Oo.”
“Then bakit ka umiiwas?”
Tahimik.
Lumunok siya.
Kitang-kita ko ang paggalaw ng lalamunan niya.
Parang may gustong sabihin. Pero may pumipigil.
“Hindi na lang ako lalapit,” bigla niyang sabi.
“Bakit?” mabilis kong tanong.
“Ganun lang.”
“Ganun lang?” singit ni Mia. “Tatlong araw kang halos nakadikit dito tapos ganun lang?”
“Hindi naman sa ganun-”
“May nagsabi ba sa’yo na lumayo sa’kin?” putol ko sa sasabihin niya na alam ko naman na palusot lang.
Tumigil siya.
Isang segundo.
Dalawa.
Boom.
Tinamaan.
“Wala,” mabilis niyang sagot.
Masyadong mabilis.
“Sinong nagsabi?” ulit ko.
“Wala nga.”
“Sinong kinakatakutan mo?”
Tahimik.
Mas lalo siyang napatingin sa likod ko.
Hindi na ako lumingon.
Alam ko na ang pattern.
“Sabihin mo,” mas mababa kong sabi.
“Please,” bulong niya, halos hindi marinig. “Huwag mo na lang akong lapitan.”
Napakunot noo ko.
“Ako pa ang huwag lumapit?”
“Hindi ako lumapit sa’yo ah,” bigla niyang sabi, defensive.
Parang natatakot.
“Ano?”
“Hindi ako lumapit,” ulit niya. “Ikaw yung… ikaw yung unang kumausap.”
Parang may kumalabit sa pride ko.
“Excuse me? Ikaw yung naghe-hello araw-araw.”
“Hindi ko na gagawin.”
“Bakit?”
Tahimik.
Mahaba.
Mabigat.
Tapos....
“Baka lapitan na naman ako nun.”
Tumigil ang mundo ko ng isang segundo.
“Sinong ‘nun’?” tanong ni Mia.
Walang sagot.
“Sinong ‘nun’?” mas madiin kong ulit.
Napailing siya.
“Wala.”
“Sinong?” mas malamig na ako ngayon.
“Please,” ulit niya. “Ayoko ng gulo.”
“Anong gulo?”
“Hindi ko alam kung anong meron sa inyo,” tuloy niya, pabulong. “Pero ayoko ma-involve.”
“Anong meron?” tanong ko.
Hindi siya makatingin sa’kin.
Napapalingon siya ulit sa likod ko.
Parang may multo.
Parang may nagbabantay.
“Sinabihan ka ba?”
Tahimik.
“Tinakot ka ba?”
Nanlaki ang mata niya.
Hindi siya sumagot.
Pero sapat na ’yon.
Mas lumalim ang hinga ko.
“Anong sinabi sa’yo?” tanong ko, halos pabulong na.
“Wala.”
“Sinong lumapit sa’yo?”
Tahimik.
Kitang-kita ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya.
“Hindi ko na lang itutuloy,” sabi niya. “Okay na ’to.”
“Okay para kanino?”
“Please.”
Hindi na siya sumagot.
Bigla siyang umikot.
At halos tumakbo pababa.
Takot.
Hindi simpleng rejection.
Takot.
Tahimik kaming dalawa ni Mia.
Naririnig ko pa ang mabilis niyang hakbang pababa.
“Girl…” dahan-dahang sabi ni Mia.
“Huwag mo ng ituloy.” sagot ko.
Alam ko naman pareho kami ng iniisip.
“Pero alam mo na.” sabi pa niya.
Ayoko pangalanan.
Ayoko i-connect.
Pero may pattern.
Tuwing may lalaking lalapit.
Tuwing may magtatangka.
Laging may presensya.
Tahimik. Arms crossed. Observing.
Hindi nagsasalita.
Hindi umaaksyon.
Pero sapat ang presensya para umatras ang lahat.
Invisible boundary.
Invisible rule.
Do not touch.
Napapikit ako.
“Hindi niya pwedeng gawin ’yon,” bulong ko.
“Sigurado ka bang siya?” tanong ni Mia.
Wala akong proof.
Walang pangalan.
Walang direct confession.
Pero bakit pare-pareho ang reaksyon?
Bakit pare-pareho ang tingin nila sa likod ko?
Dahan-dahan kaming umakyat.
Pagdating sa corridor ay naramdaman ko agad.
Yung bigat ng tingin.
Hindi ko na kailangang hulaan.
Sa dulo ng hallway…
Nakatayo siya.
Rafael.
Nakasandal sa locker.
Arms crossed.
Tahimik.
Hindi siya umiwas nang magtagpo mata namin.
Hindi siya ngumiti.
Hindi siya nagulat.
Parang… inaantay niya lang ako lumingon.
Isang segundo.
Dalawa.
Tatlo.
Hindi ako sigurado kung galit ang nararamdaman ko.
O inis.
Pero malinaw ang isang bagay.
Hindi ako pag-aari ng kahit sino.
At kung may nagtatakda ng limitasyon kung sino ang pwedeng lumapit sa’kin-
Hindi pa kami tapos.
At kung tama ang kutob ko…
Na siya ang dahilan.
Bakit?