4. Hypothetical

1069 Words
Serena Hindi ko alam kung anong mas nakakainis, yung glow up ko o yung biglang pagkawala ng lahat ng nanliligaw ko. Dati problema ko kung paano iiwasan ang mga manliligaw. Ngayon problema ko kung bakit sila biglang nawawala. Ano pang silbi ng glow up kung hindi rin naman pala ako maliligawan. Hindi ko talaga gets. Ngumiti lang naman ako. Nakipag-usap. Nag-thank you. Walang paasa. Walang special treatment. Pero parang may expiration date lahat ng lumalapit sa’kin. Two days. Three days. One week max. Tapos biglang iwas. Hindi busy. Hindi cold. As in iwas. Yung pag nagkasalubong kami sa hallway, sila pa yung unang liliko na parang meron akong nakakahawang sakit. Yung dati ang lakas mag-good morning, ngayon parang hindi ako kilala. Yung dati may pasimpleng libre sa canteen, ngayon hindi na makatingin. Nakakainis. “Girl.” Napatingin ako kay Mia habang magkatabi kami sa corridor. “Ano?” kunwari casual habang inaayos ko strap ng bag ko. “Napansin mo ba?” “Alin?” “Yung mga nagtatangka sa’yo, biglang nawawala.” Hindi ako sumagot agad. Kasi oo. Napansin ko rin. Pero ayoko aminin. “Busy lang siguro,” sagot ko. “Busy?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Lahat sila? May seminar ba tungkol sa pag-iwas sa’yo?” “Malay ko.” sabi ko na lang dahil ayaw ko ng pag-usapan pa. Bumaba kami ng stairs. May dalawang lalaki sa baba. Isa dun, halos araw-araw naghe-hello sa’kin dati. Ngumiti ako bilang courtesy. Ngumiti siya pabalik. Tapos napatingin siya sa likod ko. Unti-unting nawala yung ngiti niya. Tumango lang siya. Umiwas. Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon. Rafael. Nakasandal sa locker. Arms crossed. Relaxed. Tahimik. Hindi siya nakatingin sa’kin. Pero parang ramdam ng buong hallway na andun siya. May nagbago sa hangin. “See?” bulong ni Mia. “See what?” “Pag nand’yan siya, parang may nakapaskil sa noo mo.” “Anong nakapaskil?” Lumapit siya sa tenga ko. “Restricted.” Napairap ako. “OA.” Pero hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Hindi kami nag-uusap. Hindi kami close Ayoko ng dagdagan pa isipin ko tungkol sa mga manliligaw kong bigla na lang nag-disappear or kung tratuhin ako ay parang buong buhay nila ay hindi nila ako nakilala. Gabing ’yon, nasa kwarto kami ni Mia. May series sa laptop pero hindi ako makasunod sa kwento. Paulit-ulit lang sa isip ko yung hallway. “Pause mo nga.” “Climax na.” “Pause.” Pinause niya. Humarap sa’kin. “Ano ba talaga?” “Wala.” “Hindi ka nanonood.” “Nanood kaya.” “Serena.” Humiga siya patagilid, nakasandal sa siko. Kilala ko na yung tingin na ’yon. Interrogation mode. “Hindi ko lang gets,” sabi ko habang nakatingin sa kisame. “Ba’t sila umaalis.” Hindi siya sumagot agad. Tinitigan lang niya ako. Tapos ngumiti nang dahan-dahan. “Pag-usapan natin si Rafael.” At bakit? “Ayoko nga.” Pagtanggi ko. “Wala pa nga akong tanong.” “Wala rin akong isasagot.” Umupo siya nang tuwid. “So hindi ka affected?” “Sa?” “Na wala na siyang girlfriend.” “So?” “Usually may kasama ’yon.” “Eh di good for him.” “Talaga?” she smirked. Napairap ako. “Wala akong pakialam kung ilan naging girlfriend niya.” At totoo ’yon. Hindi ako selos. Hindi ako curious. Hindi ko na binibilang kung sino kasama niya. Ang mas masakit dati hindi yung may iba siya. Kundi yung ako, naiwan nang walang paliwanag. Tinitigan niya ako. “Nasaktan ka ba?” Diretsahan. Hindi ako agad sumagot. Hindi dahil mahal ko pa siya. Kundi dahil may parte sa’kin na hanggang ngayon, hindi pa rin natuwa sa paraan ng pag-alis niya. “Oo,” sabi ko. “Oo, nasaktan ako. Umasa ako. Nag-antay ako.” Tahimik si Mia. “Pero hindi na ako yung dati.” “Sa pananamit?” Ngumiti ako ng kaunti. “Sa lakad. Sa tingin. Sa pagharap.” Mas diretso na ako ngayon. Mas hindi na ako umiikot sa kanya. Mas hindi na ako naghihintay sa anino niya. Pero... “Yung nasa loob ko, ako pa rin ’to.” Hindi ako naging bato. Natuto lang ako magtira para sa sarili ko. Akala ko tapos na. Hindi pa pala. “Hypothetical,” sabi ni Mia. “Wag na.” “Last na talaga.” Napapikit ako. “Ano?” “Paano kung lumapit siya.” Hindi ako gumalaw. “Hindi yung tatayo lang sa likod mo. Lalapit talaga.” Tahimik ako. “Sabihin niyang gusto ka niyang ligawan.” Walang kilig. Ang unang pumasok sa isip ko... Bakit ngayon lang? “Papansinin mo ba?” “Hindi.” Mahina. “Hindi ka sure.” “Sure ako.” “Talaga?” “Oo.” “Wala talaga siyang chance?” Huminga ako nang malalim. “Late na siya.” “Late saan?” “Sa pag-intindi. Sa pag-decide. Sa pag-ayos ng dapat inayos noon.” Tahimik ulit and then bumanat na naman si Mia. “Eh paano kung ngayon lang siya nagising?” “Hindi ko responsibilidad ang timing niya.” “Kung seryoso siya?” Hindi ako sumagot. Kasi hindi na ’to tungkol sa seryoso. Hindi na ’to tungkol sa ibang babae. Hindi na ’to tungkol sa selos. Ang tanong ngayon? May karapatan pa ba siyang bumalik kung siya ang kusang umalis? “Papansinin mo ba?” ulit ni Mia. Bumuka bibig ko. Walang lumabas. Hindi dahil mahal ko pa siya. Kundi dahil... May parte sa’kin na gusto pa ring marinig yung paliwanag na hindi niya ibinigay noon. “Ayan,” bulong ni Mia na nakangisi. Na parang nahuli niya ko. "Alam mo naman siguro yung kasabihan na huwag magsasalita ng tapos, lalo na at may history kayong dalawa." Hindi na ako makatingin kay Mia. Hindi ko na rin siya sinagot. Mas natatakot ba ako na hindi siya bumalik? O mas natatakot ako na bumalik siya… At hindi ko kayang maging ganun katatag? Humiga ako at tumitig sa kisame. Nagbago ang buhok ko. Nagbago ang style ko. Nagbago ang aura ko. Mas matapang na ako tumingin. Mas hindi na ako basta nagpapahuli. Pero yung loob ko? Mas maingat lang. Mas hindi na basta nagtitiwala. At kung sakaling lumapit siya... Hindi na ako yung dating Serena na tahimik na naghihintay. At kung huli na talaga siya? Hindi ko kasalanan ’yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD