3. Kapag May Lumapit, May Nangyayari

1159 Words
Rafael Hindi ako yung lalaking magwawala sa gitna ng hallway. Hindi ako yung magpo post ng cryptic quotes. Hindi ako yung magpaparinig. Hindi ako maingay. Pero pag may lumapit sa kanya, may nangyayari. Ganun lang kasimple. Walang drama. Walang announcement. May consequence lang. Hindi ko kailangan ipaalam sa buong campus. Hindi ko kailangan mag declare. Hindi ko kailangan sabihin na akin siya. Hindi ako nagsasalita. Gumagalaw lang ako. Number Two Dean’s lister. Clean cut. Plantsado lagi ang polo. May salamin. Mahinhin magsalita. Mukhang hindi marunong manuntok. Pero tatlong araw ko na siyang napapansin. Library. Hallway. Stairs. Lagi siyang may dahilan. “Notes.” “Reviewer.” “Group study.” Hindi siya obvious. Hindi siya bastos. Pero lagi siyang may dahilan para dumikit. Para lumapit. Para tumabi. Third day. Nakatayo ako sa may glass wall ng library. Arms crossed. Isang balikat naka sandig sa salamin. Isang paa nakaangat ng konti sa pader. Tahimik lang. Nasa loob sila. Naka upo siya sa tabi niya. Mas malapit kaysa kailangan. Hindi sila mag jowa. Hindi sila groupmates. Pero halos magdikit na ang mga balikat nila. Pinapanood ko lang. Hindi ako pumapasok. Tinitingnan ko kung hanggang saan siya aabot. Yumuko siya para ituro yung notes. Yumuko rin si Serena. Halos magdikit na ang mga ulo nila. May sinabi siya. Ngumiti siya. Nag tighten yung panga ko. Nag crack yung knuckles ko habang dahan dahan kong binuka at sinara yung kamao ko. Huminga ako ng malalim. Hindi pa. Hindi pa ko pwedeng lumapit. Pinapatapos ko muna. Pag nagmukha akong seloso, panalo siya. Pag nagmukha akong baliw, ako ang mali. Control lang. Tumayo si Serena. Nagpaalam. Lumabas siya ng library. Kinuha ko ang phone ko. Nag scroll scroll ako kunwari. Hindi ko siya sinundan. Pagkalampas niya sa hallway, tsaka ako gumalaw. Tahimik akong pumasok sa library. Ramdam niya agad. Yung energy sa paligid nag shift. Lumingon siya. Natigilan. Hindi ako nagsalita. Hindi ako ngumiti. Lumakad ako diretso sa kanya. Bawat hakbang steady. Walang pagmamadali. Walang emosyon sa mukha ko. Tumigil ako sa harap niya. Mas malapit kaysa comfortable. Tinitigan ko siya diretso sa mata. Walang salita. Five seconds. Ten. Naririnig ko yung mahinang pag shift niya sa upuan. Naririnig ko pag adjust niya ng papel. Hindi siya makatingin ng diretso. Nag adjust siya ng salamin niya. Nag clear ng lalamunan. “May kailangan ka?” tanong niya. Hindi ako sumagot. Tiningnan ko kamay niya. Nasa likod ng upuan. Kanina halos dumidikit sa kanya. Bumalik ako sa mata niya. Isang hakbang ako palapit. He stepped back. Upuan niya tumama sa mesa. Hindi ko siya hinawakan. Hindi ko siya tinulak. Pero umatras siya. Gets na niya. Lumapit ako sa mesa. Dinampot ko yung ballpen niya. Tinitigan ko saglit. Ibinalik ko sa mesa ng dahan dahan. “Mag aral ka mabuti,” sabi ko. Mababa. Plain. Lumabas ako ng library na parang wala lang. Relax lang. Hindi ko siya kailangan saktan. Hindi pa. Kinabukasan, may exam. Alam kong prepared siya. Alam kong matalino siya. Pero may mali minsan ang sistema. May CCTV. May random check. May surprise inspection. Hindi ako nag file ng complaint. Hindi ako nag message kahit kanino. Pero alam ko kung sino ang lalapitan ko. Admin office. Naka upo ako sa harap ng table. Nakalean forward. Elbows sa tuhod. Hands clasped. Tahimik lang ako habang nagsasalita yung staff. Hindi ako nagtaas ng boses. Hindi ako nagbanta. “Check niyo lang yung row three. Second seat.” Diretso lang. Walang explanation. Tumingin siya sakin. Parang nagtataka. Hindi ako umiwas ng tingin. Yun lang. Two days later, may announcement. Investigation. May nakuha sa ilalim ng desk niya. Small printed reviewer. Cheating. Suspended. Nakita ko siya sa hallway habang binabasa yung memo. Namumutla. Hawak niya yung papel pero nanginginig kamay niya. May mga bulungan sa paligid. Lumingon siya. Nakita niya ako. Nakatayo ako sa kabilang dulo ng corridor. Hands inside my pockets. Relaxed. Tinitigan ko lang siya. Walang galit sa mukha ko. Walang ngiti. Pero hindi rin ako neutral. Tumalikod ako. Hindi ko siya hinawakan. Pero alam kong naintindihan niya. Kapag may lumapit, may nangyayari. Number Three Ito iba ang atake. Mas makapal. Mas maingay. Mas sanay sa confrontation. Loud. Confident. Touchy. Mahilig mag shoulder tap. Mahilig mag lean, masyadong malapit. Mahilig mag joke na may halong landi. Hindi siya takot. Hindi agad. Nakita ko sila sa bleachers. Naka upo siya isang step sa taas niya. Nakayuko siya pababa habang nagsasalita. Halos nasa tenga na niya bibig niya. Ayoko ng ganun. Ayoko ng nakikita ko. Ayoko ng ngumigiti siya sa lalaking hindi marunong lumugar. Umalis na si Serena. Saka ako gumalaw. Bumaba ako ng bleachers. Isang hakbang. Dalawa. Tatlo. Bawat tapak may tunog. Hindi ako nagmamadali. Pero bawat tapak ko mabigat. Narinig niya. Lumingon siya. Ngumiti pa. “Bro.” Hindi ko siya sinagot. Tumigil ako sa harap niya. Mas mataas ako sa pwesto niya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Slow. Deliberate. Tumayo siya. Hindi ko pa rin siya hinahawakan. Pero hindi siya komportable. Nakikita ko sa leeg niya yung pag lunok. Lumapit ako. Close enough para maramdaman niya hininga ko. Tahimik. “Alam mo ba yung nangyari sa dean’s lister?” tanong ko. Hindi siya sumagot. Napalunok. Hinawakan ko collar ng shirt niya. Firm. Hinila ko siya pataas ng konti. Para pantay kami ng mata. Hindi malakas. Pero hindi rin mahina. “Gets mo na siguro.” Tinapik ko dibdib niya. Isang beses. Dalawa. Tatlo. May diin. “Kapag may lumapit,” sabi ko mababa boses ko, “may nangyayari.” Binitawan ko siya. Inayos ko collar niya. Tinapik ko balikat niya. Parang tropa. Pero hindi. Warning yun. Umalis ako. Akala niya siguro hanggang dun lang. After practice, inabangan ko siya sa parking lot. Naka sandig ako sa hood ng kotse ko. Arms crossed. Jaw tight. Paglabas niya, natigilan siya. Lumapit siya pero mabagal. Hindi ko siya hinintay magsalita. Tinulak ko siya pabalik sa pader. Forearm ko naka dikit sa dibdib niya. Hindi ako sumisigaw. Mas delikado pag tahimik. “Hindi ka ba marunong umintindi?” tanong ko. Hindi siya makasagot. Nakahawak ako sa collar niya ulit. Mas mahigpit ngayon. Lumapit ako sa tenga niya. “Lumayo ka.” Binitawan ko siya. Pero bago siya makalakad, tinamaan ko balikat niya gamit balikat ko habang dumadaan ako. Sapat para maramdaman niya timbang ko. Sapat para maalala niya. Kinabukasan? Wala na siya sa tabi niya. Sa hallway, unang umiwas. Sa cafeteria, ibang table. Sa bleachers, ibang row. Automatic. After that, mas mabilis na lahat. May nag try mag hello. Nakita akong naka sandig sa locker. Hindi na tinuloy. May nag balak manligaw. May sumagot sa barkada niya. “Pre wag na.” Hindi ko sila pinagbawalan. Hindi ko sinabi na akin siya. Hindi ko kailangan. Alam na nila. Gets na nila. Hindi ako maingay. Hindi ako laging nanununtok. Pero pag gumalaw ako, may natatanggal. At ngayon, bago pa sila lumapit, nag iisip na sila. Dahil kapag may lumapit sa kanya, may nangyayari. At ako ang dahilan nun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD