“Happy Fiesta!”
Masayang nagsasayawan ang mga tao sa gitna ng dancefloor na ginawa lang ng mga mamamayan ng San Juan. Nakakatuwa naman pala ang fiesta rito may mga nagsasayawan hindi nga lang katulad ng pagsasayaw ng mga tao sa loob ng bar. They’re dancing happily not wildly.
Nasa isang lamesa kami at kumakain.
“Ang sarap naman nito, what do you call this?” Tanong ni Samantha habang kinakain ang kanin na nakabalot sa dahon ng saging. I haven’t tried that yet.
“Suman,” sagot naman ni Mariel.
Kumuha rin ako ng isa para tikman iyon. I got curious since Samantha said it was delicious. I was about to open it by unfolding it’s fold but Marcus get it from me. Pinunit niya ito sa dalawa na para bang banana fruit at inabot sa akin. Masaya ko naman iyong tinanggap at tinikman.
“Hmm, it’s good,” komento ko.
Napatingin ako sa paligid at nagtataka naman ako kung bakit lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa ni Marcus. Tinignan ko si Marcus pero mukhang hindi naman niya pansin ang mga tingin na pinupukol sa aming dalawa ng mga kasama namin sa lamesa.
Tinaasan ko sila ng kilay. Sabay-sabay ngumisi si Mariel, Sam, at Iza. Napailing naman si Arjay at si Rocco.
“What?” Tanong ko sa kanila bago kumagat sa suman na kinakain ko.
“You went home late last night.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rocco, akala ko ay hindi na niya iyon papansinin dahil hindi naman niya ako hinitay kagabi.
“It’s my fault, sorry.”
Sabay-sabay kaming lumingon kay Marcus nang magsalita ito.
“You’re apologizing, that’s new,” nakangising sambit ni Mariel.
Kinagat ko ang ibabang labi ko, hindi ko alam pero nahihiya ako sa mga tingin nila.
“Bakit ikaw nagso-sorry?” Masungit na tanong ng pinsan ko.
Bakit ba pakiramdam ko ay tingin nila may kababalaghan akong ginawa kagabi kaya ako late umuwi?
“Napasarap ang kwentuhan namin kagabi kaya late ko na siya naihatid,” paliwanag ni Marcus.
“Ano ba naman kayo, it’s not a big deal!” sabat ko sa kanila.
Nginisian lang ako ng mga babae kong kaibigan at tinaasan naman ng kilay ng dalawang lalaki.
Hindi ko na lang sila pinansin at tumayo na lang para makisama sa mga nagsasayawan. The music is good that my body is dancing in every beat. Tinaas ko pa ang kamay ko at sinabayan ang musika. Naramdaman ko na may sumasayaw sa likuran ko, hinarap ko iyon at nakita ko ang isang guwapong lalaki na nakangiti. He looks friendly naman and harmless so I danced with him. Mas lumawak ang ngiti niya nang dahil sa ginawa ko. Matapos iyon ay may iba pang mga nakipagsayaw sa akin. I was really having fun. Ngunit nang mapalingon ulit ako sa likuran ko ay halos mabuwal ako nang sumalubong sa akin ang nakakunot na mukha ni Marcus.
“H-Hi…” kabadong bati ko sa kan’ya.
Tumaas ang isang kilay niya habang mariing nakatitig sa akin. Akmang tatalikuran ko siya dahil kinakabahan ako sa tingin niya nang hapitin niya ako papalapit sa kan’ya. Nanigas ako at nanlaki ang mga mata.
“U-Uyy!” Kinakabahang sambit ko.
Magically the song changed, from party to romantic. Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa kan’yang balikat. Naramdaman ko ang paggapang ng kan’yang mga kamay sa aking bewang, the heat from his palms are making me shiver.
“You really like dancing huh?”
Para akong maamong tupa na tumatango sa kan’ya. Mainit ang pakiramdam ko sa aking leeg hanggang sa aking pisngi. Am I blushing? I always wonder why? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kan’ya? No one has ever made me feel this way. What’s so special about him? Bakit ako nagkakaganito pagdating sa kan’ya?
“But you’re dancing with every man in the dance floor,” sambit niya.
“But we’re just dancing?” Patanong na sambit ko.
Hindi ko alam kung bakit para bang sa uri nang pagsasalita niya ay mali na makipagsayaw ako sa kung sino-sino.
“Yeah.” Dinikit niya ang kan’yang noo sa akin.
Gusto kong lumayo nang konti sa kan’ya dahil pakiramdam ko sa sobrang lapit naming dalawa ay posibling marinig niya ang pagwawala ng puso ko. Heart calm down please! Pakiramdam ko ay sobrang lakas ng pintig ng puso ko, nagwawala ito at halos lumabas na sa loob ng dibdib ko.
“A-Ayaw mo nang gano’n?” Nahihiyang tanong ko.
Tinitigan niya ang mga mata ko nang itanong ko iyon. Titig na tila ba tagos na sa aking kaluluwa. Nanlalambot ang aking tuhod habang tumatagal na hindi siya nagsasalita at basta lang nakatitig sa aking mga mata. I bit my lower lip and looked down. Nakaramdam ako ng hiya sa tanong kong iyon. Shocks! Bakit nga ba naman tinanong ko siya nang ganoon? Nababaliw na ako!
Lalo akong nanghina nang maramdaman ko ang marahang paglapat ng kan’yang mga labi sa noo ko. He kissed me?! Para akong hihimatayin. This is not the first time someone kissed me but… the feeling is new. It is magically different. Napatingala ako dahil sa ginawa niya, bahagyang bumuka ang bibig ko pero wala naman akong masabi.
“It’s okay but we’re friends, so I don’t want you to be like that,” sambit niya habang hindi na nakatingin sa akin.
I smiled to myself, what a good friend!
Parang nakatatak na sa utak ko at parang sirang plaka na paulit-ulit sa isip ko ang nangyari sa San Juan. Ang pagsayaw namin ni Marcus at ang mga labi nito sa noo ko. Nagmumukha akong baliw minsan, nahuhuli na lang ako ni Rocco na nakangiting mag-isa. Ewan ko ba, nababaliw na nga siguro ako.
“Kamusta naman ang baliw mong pinsan?”
Agad akong lumingon sa barkada kong kararating lang sa bahay at iyon agad ang bungad na tanong sa pinsan ko.
“’Yan baliw pa rin,” tumatawang sagot ni Rocco.
Napanguso ako, palagi na lang nila akong pinagti-tripan.
“Tari may good news ako sa’yo,” sambit ni Mariel at tumabi pa sa akin.
Agad namang kuminang ang mga mata ko. Ano kayang good news ‘yon? May pinapasabi kaya si Marcus?
“Ano ‘yon?” Excited na tanong ko kay Mariel.
Sabay-sabay silang humalakhak sa inasta ko. Agad ko naman silang tinignan nang matalim pero tinaas lang nila ang mga kamay nila na anyong sumusuko pero patuloy pa rin naman sa malakas na pagtawa.
“May binibentang lupa sa San Juan,” sagot ni Mariel sa tanong ko.
Agad akong napasimangot.
“Ano namang good news do’n?” I rolled my eyes.
Pakialam ko naman kung may binibentang lupa sa San Juan. Hindi naman ako taga roon at isa pa-- Teka?
“I’ll buy that!” Halos sigaw ko nang sambit nang may pumasok na ideya sa isip ko.
Mas lalo silang nagtawanan sa reaksyon ko, tila ba inaasahan na nila ‘yon. Magkakaroon na ako ng dahilan para manatili sa San Juan! Higit sa lahat magkakaroon na ako ng dahilan para mapalapit kay Marcus nang tuluyan.