“Oh… How I missed San Juan!” I blurted out.
Nasa San Juan na muli kami. Hindi ko nga alam kung bakit bumalik kami rito, basta sumama lang ako nang hindi na nagtatanong. Nilingon ko ang mga kasama ko at nahuli ko pa ang sabay-sabay na pag-irap ng mga ito sa sinabi ko. Tumaas ang kilay ko sa kanila.
“San Juan ba talaga?” Mariel meaningly asked me.
Well…
“Oo kaya!” sagot ko.
“Aysus!”
Tumawa na lang ako at hindi pinansin ang pang-aasar nila. Pinasok na namin ang mga gamit namin sa dati naming tinuluyan na kwarto sa mansyon ni Mariel.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay mabilis akong lumabas. Naabutan ko sila sa sala na nagmereryenda. Inalok pa nila ako pero agad akong tumanggi, hindi pa naman ako nagugutom. Kumaway lang ako sa kanila at nagmamadaling umalis ng mansyon.
Isa lang naman ang pupuntahan ko ngayon, excited na ako sa magiging reaksyon ni Marcus kapag nakita niya ako na narito ulit.
“Mama!”
Sa bakuran pa lang ay sumisigaw na ako. Halata ang pagmamadali ng ginang nang sumulyap ito sa labas. Nang makita ako ay halos patakbo itong lumapit sa akin. Hindi ko na nahintay na makalapit pa sa akin si Mama at ako na ang tumakbo pasalubong sa kan’ya.
“I missed you,Mama,” I hugged her.
Tumawa ito at hinagod ang likod ko.
“Ang akala ko ay hindi ka na babalik matapos ang ginawa ni Marcus,” nangangambang sabi nito.
Umiling ako matapos naming maghiwalay sa yakap. Nakaangkla ako sa braso niya habang naglalakad kami papasok ng bahay nila.
“Hindi kita matitiis, Mama!”
The woman laughed. Ang gaan sa pakiramdam ng tawa niya, alam kong tunay iyon at masaya talaga siya na nandito ako.
“Nagpunta ba kayo ng kaibigan mo rito sa San Juan, dahil sa pyesta?”
Natigilan ako sa tanong ni Mama, matagal bago ko naproseso iyon. Tumango na lang ako kahit na hindi naman ako sigurado kung iyon nga ba ang dahilan. Sa totoo lang ay sumama lang naman ako kahit hindi inaalam ang dahilan nang pagpunta namin dito.
“Maghahanda kami kahit konti, pupunta ka rito ha?” sambit ni Mama.
Mabilis akong tumango, hindi naman siguro ako itataboy ni Marcus. Magkaibigan na kami bukod don ay inimbita naman ako ng mama niya.
Nagkwentuhan lang muna kami ni Mama at nang sumapit ang tanghali ay nagluto na ito ng tanghalian. Nang matapos na ay tumulong ako sa paghahanda ng lamesa. Ilang saglit pa ay dumating na ang ama ni Marcus kasama ito. Ang sabi kanina ni Mama ay nasa bukid ang mga ito, sa maliit na bukid na pagmamay-ari nila.
I smiled widely and waved my hands. Seryosong nakatingin sa akin si Marcus, kinabahan ako akala ko ay magagalit ito. Laking pasasalamat ko nang bahagyang ngumiti siya. Buti na lang, friends naman na kami.
“Hi, friend!” bati ko sa kan’ya.
Natawa siya sa tinawag ko sa kan’ya, lumapit siya sa akin at pinitik ang noo ko.
“Aww!” reklamo ko. Hinimas-himas ko ang noo ko, masakit kaya.
“Marcus!” saway ni Mama.
Agad ko namang nilabas ang dila ko bilang pang-aasar ko sa kan’ya.
“Ma, ako anak mo,” paalala ni Marcus sa kan’yang ina.
Tinawanan lang ng ginang ang reklamo ni Marcus. Naupo na kaming lahat sa hapag at nagsimula nang kumain. Masarap talagang magluto ang ina ni Marcus, walang duda roon. Matapos naming kumain ay nag-aya si Marcus na magkape kami sa labas. Akala ko naman lalabas kami as in magde-date, ‘yon pala ay magkakape lang kami sa labas ng bahay.
Madilim na at may mga insektong humuhuni-huni. Nakakapagtaka na walang takot akong naramdaman, payapa ang puso ko. Nakaupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kawayan sa ilalim ng punong mangga. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang iilang mga bituin. The night sky is so calming.
“Hindi ka ba natatakot sa aswang ngayon?”
Bumaba ang tingin ko kay Marcus na papalapit dala ang dalawang tasa ng kape. Nang makalapit na siya sa akin ay inabot niya ang isang tasang hawak niya. Napangiti ako nang makitang gatas ang laman noon,sinilip ko ang sa kan’ya at nakitang black coffee ang sa kan’ya.
“Wala namang aswang dito at kung mayroon man ay sisigaw na lang ako para ililigtas mo ako,” nakangising sagot ko sa sinabi niya.
He chuckled. “What makes you think na ililigtas kita?”
Aba’t!
“We’re friends!”
“Yeah…” pagsang-ayon naman niya.
Sumimsim ako sa gatas na binigay niya. Tama lang ang init nito, maging ang tamis ay tama lamang, masarap. The warmth of the milk traveled down to my stomach, I never know that milk can comfort me like this. Madalas naman akong ipagtimpla ni Rocco at ng mga kasambahay sa bahay pero ngayon lang ako may naramdaman na ganito sa gatas.
“Anong brand ng gatas n’yo?” I asked him. Baka naman nasa brand ng gatas iyon, maybe I could buy the same brand as them.
“Why? You liked it?” Tanong niya matapos sumimsim sa kape niya.
“Hmm…” tumango-tango ako.
“You think it’s because of the brand? Don’t you think it’s because of the one who made it?”
Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kan’ya, ang baliw na’to!
“What? Do you have any special ingredients on it?”
He laughed. Hinampas ko siya gamit ang isang kamay ko. Akala mo naman talaga ang pagtitimpla ng gatas ay kailangan pa ng talent o special ingredients.
Kinalma niya ang sarili niya mula sa pagtawa at hinarap niya ako.
“Gatas ‘yan ng kambing fresh,” sambit niya at winagayway pa ang kan’yang mga kilay.
“WHAT?!”
Muntik na akong masuka kung hindi lang siya tumawa nang malakas sa reaksyon ko. Obviously he’s making fun of me. I glared at him. Unti-unting lumambot ang tingin ko sa kan’ya habang pinagmamasdan siyang masayang tumatawa. Malakas na gumagalaw ang kan’yang mga balikat at ang dalawang kamay ay nakahawak sa t’yan niya. Namimilipit na ito sa sobrang pagtawa, mabuti na lang at nakapatong na sa lamesang nasa harapan namin ang kan’yang kape. I never thought that someone’s laugh can be this beautiful, it feels like I’m listening to a happy music. Dang! This is bad.