Kabanata 6

1145 Words
“Tss.” Tinalikuran ko na si Marcus at akmang babalik na sa loob. Walang kwenta siyang kausap, lalo lang naman niyang pinasasama ang loob ko. Napatigil lang ako sa paghakbang nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. A very manly laugh. My heart skip a beat, hindi ako makapaniwalang lumingon sa kan’ya. This is the first time I heard him laugh. I was amazed, hindi ko akalain na marunong pala siyang tumawa. “What?” kunwaring masungit na tanong ko. He stopped laughing. A small smile stayed on his lips. Ugh! Ang guwapo! Gusto kong kiligin pero pinakita ko sa kan’ya na naiinis ako. Hindi naman ako ganoon karupok, kaya ko namang magpanggap na hindi apektado sa kagwapuhan niya. “I’m sorry for laughing, you’re just really cute,” sambit niya nang nakangiti. “W-What?” I stuttered. Mula sa leeg ay naglakbay ang init patungo sa pisngi ko. Pasalamat na lang ako at gabi ngayon kaya hindi niya makikita kung paano ako pamulahan dahil sa sinabi niya. I been told, how beautiful I am and that doesn’t affect me. Little did I know the word cute can make me blush. “I am n-not cute!” reklamo ko sa kan’ya. Mas lalo siyang napangiti dahil sa inasta ko. He’s enjoying my reactions huh? “You are,” he said. At talagang makikipagtalo pa siya! “I am beautiful, gorgeous!” I shouted. Ang akala ko ay makikipagtalo pa siya pero kumunot ang noo niya at tila nag-isip. “Yeah,” pagsang-ayon niya. I died! Pakiramdam ko ay mas mabuti pang kinontra na lang niya ako. Sobra-sobrang pamumula na ang nararambdaman ko. Sobra na siya! Matapos niya akong saktan sa San Juan ay pupuntahan niya ako rito para lang pakiligin. Hindi na ‘to makatao! Lumapit siya sa akin at nang konti na lang ang pagitan namin ay nilahad niya ang kamay niya. “Let’s be friends,” he said looking straightly into my eyes. I looked at his extended arm. Tatanggapin ko ba? Pero napahiya ako sa kan’ya noong unang beses akong nagpakilala sa kan’ya. Napangisi ako, hindi ko sana tatanggapin ang kamay niya pero nagulat ako nang humakbang siya papalapit at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko. “We’re friends now,” he declared. Dang! I should’ve done the same when we first met. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? Nakangiti akong bumalik sa loob habang siya naman ay uuwi na raw. Hinayaan niya lang akong makapasok sa loob bago naglakad palayo. I was biting my lower lip when I sat down. Hindi ko napansin na nakaupo na pala ang buong barkada at lahat sila ay nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. “What?” I asked them. “Saan ka galing?” Tanong ni Rocco. Seryoso silang naghihintay sa isasagot ko. Napanguso ako, siguro ay nag-alala sila nang makitang wala na ako sa table namin. “Sa labas,” sagot ko. “At anong ginawa mo sa labas?” Tanong naman ni Iza. Para siyang nanay ko, habang si Rocco naman ang tatay ko. Halos matawa ako sa naiisip ko. “I talked to someone,” sagot ko. Tumaas ang kilay nila sa sagot ko. Hala bakit sila ganyan? Wala naman akong masamang ginawa. “Bakit sa labas pa? At bakit nakangiti ka nang bumalik? Anong ginawa n’yo? Usap lang ba talaga?” Sunod-sunod na tanong ni Samantha. Oh gosh! Don’t tell me, iniisip nila na may kababalaghan akong ginawa sa labas? I’m not like that! “Si Marcus ang kausap ko sa labas,” sabi ko sa kanila. “Lasing ka ba?” Takang tanong ni Arjay. “What? Hindi naman ako uminom!” “Exactly! Tari, hindi basta-basta pupunta sa city si Marcus. Lasing ka yata e,” lumapit sa akin si Mariel at inamoy-amoy ako. Marahan ko siyang tinulak. Ano ba namang klaseng kaibigan ang mga ito? “He came to apologize!” I proudly said. Jusko, kahit hindi naman talaga. Nagpunta lang naman daw para sa board exam, tss. “Let’s go home,” tumayo na si Rocco at tumayo na rin silang lahat. Lumapit pa sa akin si Rocco at inalalayan akong tumayo. “I’m telling the truth!” pilit ko pero hindi na nila ako pinansin. Ang mga bwesit na ‘to. Hindi ko naman gawain ang gumawa ng kwento pero bakit hirap silang paniwalaan ang sinabi ko? Nang makauwi na ako ay tulala ako habang nakahiga sa kama ko. I can still feel the warmth of Marcus rough hand on mine. Para akong baliw na tinignan ang palad ko. “Ahh!” Napatili ako sa sobrang kilig. Dang! Friends na kami! Friends na kami! Nagpagulong-gulong pa ako sa kama ko sa sobrang saya. He came to apologize! Ang haba ng hair ko! Hindi ko namalayan na nakabukas na pala ang pinto ng kwarto ko at nakasandal na roon ang pinsan ko. Nang lumingon ako sa kan’ya ay nakataas ang kilay nito na nakatingin sa’kin. “Are you still in the right state of mind?” I awkwardly smiled at him. Naupo ako sa kama at inayos ang sarili ko. “And can you please clean yourself? Kanina pa tayo nakauwi hindi ka pa naglilinis ng katawan at nagbibihis,” sermon niya. I sighed. Ayokong maglinis o kahit magbasa manlang ng kamay. Ayokong mapawi ang hawak ni Marcus sa kamay ko. Bumuntong hininga si Rocco nang mapansing wala akong balak kumilos. “Nagkita ba talaga kayo ni Marcus?” he asked. Parang bituin na nagningning ang mga mata ko sa tanong niya at mabilis na tumango. “You still like him?” Bigla naman akong natauhan sa tanong niya. I’m acting weird but I never said I like Marcus. “Ha?” Umiling ako. Hindi ko naman gusto si Marcus, hindi naman ‘di’ba? Ngumisi si Rocco at napailing na lang sa akin. “Fool yourself, Tari,” sabi nito bago umalis at sinara ang pinto ng kwarto ko. I never liked someone so how will I know? Am I indenial? Pero kasi imposible naman iyon, kakakilala ko lang sa kan’ya and… Ah basta hindi! Kinabukasan ay maaga pa lang ay nasa bahay na ang mga kaibigan ko. Takang-taka akong nakatingin sa kanila. Anong ginagawa nila rito? I crossed my arms and face them. “What are you guys doing here?” “Taray!” sabay na sambit ni Samantha at Iza, nag-apir pa ang dalawa. “ Babalik kami sa San Juan!” masayang anunsyo ni Arjay. Kami? Anong ibig niyang sabihin hindi ako kasama? “What? Hindi ako kasama?” Nagtawanan naman ang mga ito. Ngumuso ako, bakit parang pinagkakaisahan nila ako? “Bakit? ‘Di’ba galit ka naman kay Marcus?” Tanong ni Iza. “What? No! Friends kami,” sagot ko sa kan’ya. Nagmamadali akong tumakbo sa taas para maghanda ng mga gamit ko. My gosh!I’m so excited!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD