The ear wrecking music of the bar, excites me. Well this is the life! Nakabalik na ako sa city at balik na rin sa dati ang gawain ko. Party, shopping, party. Doon lang naman umiikot ang mundo ko.
“Babe!”
Umikot ang mata ko nang marinig ang boses na ‘yon. Halos nakalimutan ko na talagang may naiwan akong boyfriend.
“Rafael.”
Naupo ito sa tabi ko at agad na aakbay sana sa akin pero agad akong lumipat sa tabi ni Rocco. Hindi naman ito nakasunod sa akin dahil sa nakataas na kilay ng pinsan ko.
“Tari…”
Naguguluhan yata siya sa inasta ko. Ayoko naman na sa kan’ya, dapat sa kinikilos ko pa lang ay alam na niya ‘yon.
“We already broke up,” paglilinaw ko.
Sa pagkakatanda ko sa huling pag-uusap namin ay nakipaghiwalay na ako sa kan’ya, kaya ano pang ginagawa niya sa harapan ko?
“What? Ganoon na lang ‘yon? You broke up with me through a phone call?” Hindi makapaniwalang sambit niya.
Aba! Anong gusto niya makikipagkita pa ako sa kan’ya para lang makipaghiwalay? Tumaas nang husto ang kilay ko sa kan’ya. He knows that I don’t take relationships seriously. Akala ba niya ay mababago niya ako? Duh, Asa!
Galit siyang tumayo at nagmartsa palayo. Good, wala ako sa mood para makipaglokohan sa kan’ya. I’m here to enjoy and not to be stressed.
“Masakit talaga sa ulo ang mga lalaki mo, Tharianna.”
Sumandal ako sa balikat ni Rocco na ngayon ay hinihilot na ang kan’yang sintido. Akala mo naman ay italagang nai-stress siya.
“Nah, don’t mind them.”
“Madaling tatanda ang pinsan mo dahil sa mga lalaki mo,” natatawang sambit ni Samantha bago lumaklak ng beer.
Kababaing tao ay beer ang gusto niyang iniinom. Akala mo ay ang laki ng lagayan ng alak sa tiyan, nakakadalawang case ng beer ang babae na ‘yan.
“Nah, ayos lang kahit maagang tumanda ‘yan, may mag-aalaga naman,” sumulyap ako kay Iza.
Nasamid ito at mabilis na nag-iwas nang tingin. Malakas akong humalakhak sa reaksyon ng kaibigan ko.
“Hahaha, party!” tumayo ako at masayang nagtungo sa dance floor. Kung hindi ako lalayo sa kanila ay baka asarin ko lang magdamag si Iza.
I swayed my hips and put my arms up in the air. This is my life, this is me. I am happy. I danced wildly, alam ko namang walang babastos sa akin dito. My cousin’s eyes is surely watching every man who will dare to touch me. Well hindi naman agad ‘yon nakikialam kapag alam niyang hindi naman ako nababastos.
Ganito lang talaga ako pero hindi naman ako umiinom. Nag-eenjoy lang ako, hindi ako pweding uminom at magpakalasing dahil sa kondisyon ko. Nang medyo nakaramdam ako ng pagod ay bumalik muna ako sa table namin para magpahinga. Nang makita ng mga kasama ko na magpapahinga ako ay sila naman ang nagtungo sa dance floor para magsaya. They’re always like that, they let me enjoy first, habang binabantayan ako at pag napagod ako ay saka lang sila magsasayaw. It is good to have friends like them but sometimes I feel like I’m a burden to them.
Pinikit ko ang mata ko, heto na naman ako. Naiisip ko na naman ang mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. They love me, I’m not a burden. Stop overthinking, Tari.
I sighed.
“Are you sleepy?”
Natigilan ako nang marinig ang boses na ‘yon. I felt someone sat beside me. Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Am I dreaming? Tulog na ba ako at kung ano ano na ang naririnig ko. Kahit ang bibig ko ay hindi ko rin maibuka para tanungin koung totoo ba ang naririnig ko o nananaginip lang ako.
“Or are you sleeping?”
Marahas akong nagmulat at nilingon ang katabi ko. I’m not dreaming, he’s here. His cold eyes is staring at my wide eyes. Hindi ako makapaniwala, anong ginagawa niya rito? I opened my mouth but no words came out.
“Are you drunk?” tanong niya.
Marahan akong umiling. Hindi naman talaga ako lasing, pero pakiramdam ko ay malalasing ako sa presensya niya. Sa sobrang gulat ko na nandito siya ay halos nakalimutan ko nang dapat nga pala ay galit ako.
“Anong ginagawa mo rito, Marcus?” Sa wakas ay nakapagsalita na ako.
He looked at me seriously.
“Let’s talk outside,” sabi nito.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Bakit naman ako sasama sa kan’ya? Tapos na ang pustahan naming magkakaibigan kaya wala na akong dahilan para maging mabait pa sa kan’ya. Naniwala ba siya na gusto ko talaga siya? Tss.
“Please, Tari.”
“Fine!”
Tumayo ako at nauna nang maglakad palabas. Tss, pasalamat siya at mabait ako kaya hahayaan ko siya na makausap ako. Hindi dahil marupok ako, mabuti lang talaga ang puso ko. Naawa lang ako dahil nagpunta pa talaga siya rito para lang makausap ako.
“Anong pag-uusapan natin?” mataray na tanong ko sa kan’ya.
He sighed before talking. Aba, parang napipilitan pa siyang kausapin ako ha!
“I’m sorry,” sambit niya.
Bahagya akong nagulat, hindi ko inaasahan na matapos niya akong ipagtabuyan ay magsosorry siya. Anong akala niya papatawarin ko siya ng ganoon lang?
“Paano kung hindi ko tanggapin ang sorry mo?”
He looked at me seriously. Kumunot ang noo ko, ano siya pa galit pag hindi pinatawad?
“It’s up to you, pinuntahan lang talaga kita para makapagsorry ako. I’m sorry, sobra ang ginawa ko, kahit pinagpustahan n’yo ako ay hindi kita dapat trinato nang ganoon,” he explained.
Wait, bakit parang ako na ang masama dahil sa sinabi niya? Napanguso ako dahil talagang alam niya na pinagpustahan namin siya.
“S-Sige na, dahil nag-effort ka pang pumunta ng city para lang mag-sorry, papatawarin na kita.”
Kumunot ang noo niya. Don’t tell me hindi pa siya masaya na pinatawad ko siya?
“Don’t get me wrong, I went here in the city for my board exam not to apologize. Nakita lang kita sa loob kaya kinausap na kita,” sabi niya.
Natulala ako sa kan’ya. Seriously? Napilitan lang talaga siya? Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya, parang gusto ko siyang sampalin. Napahiya ako! Kailangan niya pa ba talagang sabihin ‘yon? Pwede namang hayaan na lang niya kung ano ang pumasok sa isip ko para sa ikagagaan ng kalooban ko. Pero hindi, wala talaga siyang puso!