Agad namin nakita ni Papa si bunso. Natutulog ito at may nakatusok na suwero sa kamay niya. Nakaramdam ako ng awa sa kapatid ko. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Natayo lang si Papa at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Nakikita din namin ang ilang mga pasyente doon. Maya maya pa ay may doktor na lumapit sa’min.
“Mr. Martinez?” bungad niya kay Papa. “Opo Dok.” Sagot ni Papa.
“Lumabas na po ang result ng mga test na ginawa namin para kay Jonathan. Tatapatin ko na po kayo Mr. Martinez kakailanganin po ninyo ng malaking pera para sa gamutan niya.” Mahinahong sabi ng Doktor.
“Ano po ba ang sakit ng anak ko Dok?” pag-aalalang tanong ni Papa. Ako naman ay mataman lang na nakikinig.
“Meron po siyang cancer sa dugo. Kailangan niyang dumaan sa maraming gamutan para pigilan ang mga cancer cells na kumakalat sa dugo niya. Kailangan ding ilipat siya sa private hospital para mas masurportahan ang mga kailangan ng pasyente.” Diretsong sabi ng Doktor. Halos manghina kami ni Papa sa narinig. Bumalik ang takot na naramdaman ko nung nalamang may cancer si Mama.
Biglang nanikip ang dibdib ko nababalot na naman ang puso ko ng takot at lungkot. Si Papa ay tulala lang hindi rin makapaniwala sa mga narinig.
Ngayong taon lang nawala si Mama tapos heto na naman si bunso naman ang may sakit. Naiiyak ako sa sitwasyon namin. Bakit ba ang daya ng mundo ang daya ng kapalaran. Marami naman diyang masasamang tao pero bakit sila hindi pinapahirapan ng ganito?
Maya maya pa nagpaalam si Papa. “Anak dito ka muna bantayan mo si Jonjon. Uuwi lang ako para kumuha ng mga gamit hahanap din ako ng pera para mailipat na ang kapatid mo sa private hospital.” Halata sa boses ni Papa ang takot at lungkot. Tumango naman ako bilang sagot. Bago pa siya umalis ay niyakap ko siya.
“Kaya natin ‘to Papa. Kakayanin ni Bunso matapang yan parang si Mama.” Garalgal ang boses ko dahil naiiyak ako pero pinipilit kong maging matatag. Tinignan lang ako ni Papa at saka ngumiti ng pilit. “Oo naman matapang ata ang Junior ko. Bantayan mo siya maigi babalik din ako agad.” Saka umalis si Papa. Naiwan na kami ni bunso.
Habang tinitignan ko siya iniisip ko kung saan kukuha si Papa ng pera para sa gamutan ni bunso. Malaki laking pera ang kakailanganin namin at alam kong hindi biro ang halaga na ‘yon.
“Paano kaya kung tumigil muna ako sa pag aaral? Hanap kaya ako ng trabaho? Pero saan naman? Eighteen years old palang ako at hindi pa graduate ng highschool walang tatanggap sa'kin na trabaho.” Sabi ko sa sarili. Napabuntong hininga nalang ako sa inisip.
Nakatulog na ako sa tabi ni bunso. Umaga na ng magising ako. Wala pa si Papa alas siyete na ng umaga. Tulog pa rin si Bunso maya’t maya din siya chinicheck ng nurse.
Alas diyes na ng umaga nakabalik si Papa dito sa hospital. “Esang malilipat na natin si Jonjon sa private hospital. Nakahiram ako ng pera sa mga kakilala ko.”
Agad nalipat si Bunso sa private hospital. Alam naming malaki ang gastusing kakaharapin para sa gamutan ni Bunso.
Pinauwi muna ako ni Papa para makaligo at makapag palit ng damit. Pag kauwi ko ng bahay hindi ko na naabutan si Ate siguro pumasok na sa eskwela. Naligo na ako at nagbihis. Kumuha din ako ng mga damit pamalit ni Papa at bunso. Sumagi ulit sa isip ko ang paghahanap ng trabaho. Sabi ni Papa walang titigil sa pag aaral alam kong magagalit siya kapag isa sa amin ni ate ang huminto. Pero kailangan ko magkaroon ng trabaho para makatulong sa mga gastusin.
Sa mura kong edad mahirap maghanap ng trabaho. Lalo na sa panahon ngayon. Dise otso pataas at dapat may diploma lang ang pwede mag apply at tinatanggap sa trabaho.
Bago ako bumalik sa hospital naisipan kong dumaan kina Lola Felly. Pagkarating ko doon agad akong nagmano sa kanya.
“Esang apo kamusta na si Jonjon?” Pag aalalang tanong ni Lola. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “May cancer po si bunso Lola, may cancer po siya sa dugo.” Mangiyak ngiyak na sabi ko.
“Kinailangan po siyang ilipat sa private hospital para mas masuportahan ang gamutan niya Lola.” Nakakapanlumo ang ganito. Hindi kami mayaman at walang sapat na pera para sa gastusin para kay Jonjon.
“Kawawa naman ang apo ko sandali diyan ka lang at may kukunin ako.” Umakyat si Lola sa taas at naiwan ako sa labas. Nakita kong marami siyang boarders. Mga babaeng nangungupahan. Bedspacer ang paupahan ni Lola.
May lumapit sa’king babae na puno ng kolorete sa mukha at maikling maikli ang suot nito at may hinihithit na sigarilyo. Ngumiti siya sa’kin ngumiti din ako sa kanya. Bigla siyang umupo sa banko kung saan ako nakaupo.
“Lalim ng iniisip natin bhe ah.” Bungad niya habang ngumunguya pa ng bubble gum. “Huhulaan ko pera yan noh?” natigilan ako sa sinabi niya at tumingin sa kanya. “Paano niyo po nalaman?” mahinhin kong tanong. “Kabisado ko na kapag ganyan ang itsura. Alam mo bhe maganda ka at balingkinitan ang katawan sayang naman kung ‘di mo gagamitin.” Naguluhan tuloy ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siya na parang nagtatanong. Muli ulit siyang nagsalita. “Marunong ka bang sumayaw?” Mabilis niyang tanong.
Aaminin ko marunong akong sumayaw at nung elementary ako lagi akong sumasali sa mga pakontes sa school namin. At madalas akong manalo at ang premyong napapanalunan ko binibigay ko kay Mama.
Nanikip na naman ang dibdib ko naalala ko si Mama. Wala na si Mama dahil sa sakit na cancer. Bigla ding pumasok sa isip ko si Bunso na ngayon ay may cancer din. Nakakapanlumo kaya kailangan ko talagang humanap ng trabaho para makatulong.
“Opo marunong po akong sumayaw.” Biglang sagot ko sa babae. “Hindi mo naman kailangan sumayaw ng todo. Madali lang ang gagawin mo sasayaw ka lang at magkakapera kana pagkatapos.” Sabi niya at sabay hithit sa sigarilyo saka binuga pataas.
Agad akong naingganyo kaya naman.. “Sige po sama po ako diyan kailangan ko po ng pera para sa kapatid kong may sakit.” Pinasadahan muna niya ako ng tingin pataas at baba. Saka siya ngumiti sa’kin.
“Sige mamaya ipapakilala kita sa boss namin. Siguradong matutuwa ‘yon. At kapag nagustuhan ka niya pwede kana magsimula mamayang gabi din.” Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
“Sa wakas magkakatrabaho na ako. Makakatulong na ko kay Papa.” Sabi ko sa sarili at punong puno ng pag asa ang puso ko. “Pero paano po kung hindi ako tanggapin Ate kasi dise otso palang ako.” Lalo siyang ngumiti sakin. “Yan nga ang hinahanap ng boss ko eh. Tiyak na ‘di na mag iisip yun at tatanggapin ka agad sa trabaho.” sagot ng babae. Lalo akong natuwa at naexcite.
Maya maya pa ay bumaba na si Lola may dalang prutas at tinapay. Umalis naman agad yung boarder ni Lola.
“Heto apo dalhin mo sa hospital para may makain kayo doon. Ito pera baka makatulong din kahit papano.” Sabay abot sa’kin.
“Pero Lola baka wala na po kayong pera?” Alalang tanong ko. “Sige na kunin mo na iyan meron pa naman akong naitabi para sa sarili ko. Magbibigay ako uli sayo kapag nagbayad na ang mga boarders ko. Sige na para kay Jonjon naman iyan para mas mabilis siyang gumaling.” Naiiyak akong yumakap kay Lola sa tingin ko ay kailangan ko ang yakap niya, kailangan ko ng paghuhugutan ng lakas. Wala na si Mama na sandalan ko. “Salamat po La.”
Humalik ako sa pisngi ni Lola at saka nagpaalam.
Habang nasa sa byahe, hindi ko maiwasang isipin yung alok sa’kin ng babae kanina. “Mamaya may trabaho na ko, magkakatrabaho na ako. Makakatulong na ako kina Papa.” Bulong ko sa isip. Nasasabik ako na ewan.
Masaya ako dahil magkakatrabaho na ako pero nag aalala parin ako paano kung hindi ako matanggap sa trabaho saan na ko maghahanap.
Pagkarating ko sa hospital agad akong dumiretso kung saan ang kwarto ni Bunso. Nakita ko si Papa na natutulog sa tabi niya. Halatang pagod na pagod lumapit ako at saka humawak sa balikat niya. “Pa” mahinang boses ang pinakawalan ko baka kasi magising si Jonjon. Agad namang nagising si Papa.
“Pa may mga dala pala ako pinadala ni Lola. Tinapay po at prutas kain po muna kayo Pa.” Ngumiti lang siya sa’kin at kinuha ang dala ko. Saka binuksan ang plastic ng biscuit, malamang gutom na si Papa. Parang kagabi pa siya hindi kumakain dahil matamlay siya.
Inabot ko din ang sobre ng pera na bigay ni Lola. “Eto pa pala Papa bigay ni Lola.” Tumingin si Papa sa inabot ko. “Baka makatulong po sa pagpapagamot ni bunso Papa.” Kinuha niya iyon at tinignan ang laman.
“Nagpasalamat kaba sa Lola mo?” Tumango ako bilang sagot. “Malaking tulong na din ito. Sa bawat araw na nandito si Jonjon ay tumataas ang bill at lahat pala ng gamot na tinuturok sa kanya ay may bayad din.” Malungkot na boses ni Papa. Bakas sa mukha niya na problemado siya. Hindi talaga biro ang gamutan para kay Jonjon.
“Matatapos din po ito Papa. Siya nga po pala Papa nagtext si Ate Tina siya daw po muna bantay mamayang gabi. Uuwi po muna ako mamaya Papa may gagawin lang po ako.” Di naman na nagtanong si Papa at tumango lang ito.
Mamayang gabi sana magkatrabaho na ako. Sana matanggap ako sa papasukan ko.