Chapter 4

2348 Words
Chapter 4 *Vanessa* Alas sais na ‘ko nakapagpaalam kay Papa ‘yon naman kasi ang saktong dating din ni Ate. Agad akong umuwi sa bahay para makapag bihis na. Naligo muna ako saglit at saka isinuot ang paborito kong skinny jeans at blue t-shirt. Nilugay ko lang ang buhok ko, nagsuot lang ako ng rubber band para maging presentable naman akong tingnan mamaya. Pinasadahan ko muna ang sarili sa salamin. Nang makuntento na ay lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na inalala ang kumain dahil excited na ako sa bago at pinakauna kong trabaho. Dumiretso agad ako sa paupahan ni Lola para hanapin ‘yong babaeng nag-aya sa’kin sa trabahong pinapasukan niya. Sana ay maabutan ko pa siya. Wala naman kasi kaming nagpag-usapan kung ano’ng oras. Basta ang alam ko lang ay dito ko siya mahahanap sa paupahan ni Lola kasi isa siya sa mga boarders. Wala naman si Lola sa baba hindi ko na rin ipinaalam sa kanya na andito ako. Mas makakabuti na walang makakaalam na magtatrabaho ako dahil siguradong pagbabawalan lang nila ako. At kapag nangyari ‘yon lalong hindi ako makakatulong. Wala akong maiaabot para makatulong sa gamutan ni Bunso. Sana talaga matanggap ako doon dahil batid kong mahihirapan ako kasi kadalasan ang hanap ay high school graduate. Pati nga katulong minsan ay kailangan ding may diploma ng highschool. Pero sabi ng babaeng nakausap ko ay sasayaw lang naman ako. Hindi naman siguro kailangan ng diploma sa pagsasayaw. Pwede naman pag-aralan ang mga steps at madali lang naman akong turuan kaya sana matanggap ako. Saktong alas syete lumabas na rin ‘yong babae. Nalula ako sa suot niya napakaikli nito, halos wala ng matakpan sa katawan niya. Napalunok ako nang mapagmasdan ang bawat tipid na tela na nakabalot sa katawan niya. Nakasuot siya ng mailking red tube na dibdib lang ang natatakpan kita na rin ang cleavage niya dahil sa sobrang ikli nito. Ang suot naman niya sa ibaba ay makinang na paldang itim. Hapit na hapit sa maputi at mahahaba niyang hita. At ang kaniyang mukha ay puno ng kolorete, pulang pula din ang labi nito para bang mahihiya ang labi ni Angelina Jolie dahil sa kapal ng lipstick niya sa labi. May suot din siyang mahaba at naglalakihang hikaw. At may suot na napakataas na sandals sa tantiya ko, nasa six inches ang heels nito. ‘Di ko talaga maiwasang malula sa suot niya, parang ako pa ang nahihiya para sa kaniya. Samantalang siya ay proud na proud pa. Agad niya akong nakita at ngumiti siya habang papalapit sakin. Habang naglalakad siya ay para bang nasa fashion show. ‘Yong tipong pag-aari niya ang entablado kahit wala namang stage. O sadyang proud na proud lang siya sa itsura at hubog ng katawan niya. Ewan, basta parang iba ang pakiramdam ko sa mga kilos niya. Ano kayang klase ng pagsasayaw ang trabaho nito? Costume kaya niya ang suot niya o ‘di kaya OOTD lang niya? “Ano bhe ready ka na ba? Huwag mo akong ipapahiya sa boss ko ha?” Sabi niya sabay ngiti siya sakin. Nakita ko pang kumuha siya ng isang pakete ng candy at binuksan saka sinubo. Nilalaro niya ang candy sa bibig niya habang nagtitipa sa cellphone niya. “Opo pag-iigihan ko po ang trabaho ko kung matanggap man ako,” diterminado kong ani. Determinado na talaga akong magkatrabaho. Gusto kong makatulong kina Papa. Hindi pupwedeng nakatunganga lang ako at walang gawin. “Oh siya tara na,” sabi niya. Kaya mula sa pagtitig ko sa suot niya ay bigla akong natauhan. Nahuli ko pa ang nakakaloko niyang ngisi sa akin. Sumakay kami sa Taxi, mga sampung minuto ang binyahe namin. Narating namin ang isang malaking bahay na may mataas na gate. Sa labas ay kalahati lang ng bahay ang makikita dahil sa taas ng bakod at gate nito. Napakarangya ng bahay parang yung napapanood ko lang sa mga teleserye. “Ahh, Ate sure ka ba na dito ako magtatrabaho? Katulong po ba ang papasukan ko?” nagtatakang tanong ko. Nagtataka rin ako kasi bahay itong pinuntahan namin at malayo sa trabahong sasayaw. Sa laki ng bahay na ‘to maraming katulong ang kailangan. Napaisip ako saglit. . .sumasayaw ba ang mga katulong? Napailing na lang ako sa naisip. “Oo naman halika makikita mo.” Excited na wika ng babae. Sumunod na lang ako sa kaniya habang ang dibdib ko hindi na mapakali. First time ko mag-apply eh. Mayamaya pa ay kumatok siya sa malaking gate. May sumilip namang lalaki at agad kaming pinagbuksan ng gate. Grabe ang lawak sa loob at marami ring mga sasakyan at sa tingin ko lahat ito ay mararangya. Parang pag mamay-ari ng mga matataas na tao. Kumatok uli kami sa malaking front door. May sumilip ulit na lalaki at malaki ang pangangatawan niya para siyang wrestler! Nakaramdam naman ako ng takot nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hinigpitan ko na lang ang kapit sa strap ng bag ko. “Papasukin mo na kami mag-aapply siya dito. Andiyan ba si Boss?” tanong ng kasama kong babae. Tumango lang ‘yong lalaki tapos niluwagan ang pinto para makapasok kaming dalawa. Pagpasok namin, laking gulat ko dahil hindi pala ito bahay kundi bar! At sa tingin ko hindi ito basta basta dahil mayayaman ang mga andito. Mahahalata sa mga itsura at mga pananamit nila. Napakalakas ng tugtog, sa sobrang lakas ay parang hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Nakakahilo din ang nagkalat na amoy ng mga iba’t ibang klase ng alak at sigarilyo. Maraming tao sa loob. May kaniya-kaniyang table at ‘yong iba ay nakikipagsayaw. Naagaw ang atensiyon ko sa isang stage. Merong stage doon na may mga babaeng sumasayaw na halos wala ng saplot. Nakaramdam ako ng takot dahil sa mga nakikita ko. Sana hindi ganoon ang maging trabaho ko. Sana hindi gano’n. “Ahh, Ate pagsasayaw po ba talaga ang magiging trabaho ko?” Mabilis kong tanong. Nag-aalala na ‘ko ayoko ng ganito. Hindi sumagot ‘yong babae, hinawakan niya ko sa pulsuhan ko at mabilis na naglakad. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa sling bag ko. Hanggang narating namin ang isang kulay pula na pintuan. Kumatok muna siya ng tatlong beses at agad naman itong bumukas. Pagpasok namin sa loob, may nakaupong matanda sa sofa sa tantiya ko nasa 60 mahigit na ang edad nito at umiinom ng alak. Meron din siyang katabing dalawang babae sa magkabilang gilid niya na nag-iikliang ang suot. At may kasama siyang dalawang lalaki sa loob na sa tingin ko ay body guards niya dahil nakabantay sila sa may pintuan. Nakahalukipkip at diretso ang tingin animo’y personal body guard. O baka personal body guard nga ng matandang ito. Sa itsura pa lang niya ay mukhang siya ang pinakamataas sa kanila. Kitang-kita ang malaki niyang singsing sa hintuturo na may itim na bato na binabalutan ng makapal na ginto. Lalo na akong kinakabahan para sa sarili ko. “Ah, A-Ate g-gusto ko na pong umuwi. Nakalimutan ko may assignment pa pala ako.” Nagkakabuhol buhol na ang dila ko sa sobrang kaba. “Ah ah! hindi pwede andito na tayo, wala ng atrasan ‘to. Hindi ba’t gusto mong magkatrabaho?” Nakataas pa ang isang kilay niya habang tinitignan ako. Hindi na ko sumagot napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Natatakot talaga ako, Mama sana gabayan mo ‘ko. “Boss may gustong mag-apply. Batang-bata pa boss.” Pinasadahan naman ako ng tingin ng matandang nakaupo sa sofa. Pagkatapos ay ngumiti siya sa’kin at lumabas ang ngipin niyang may mga ginto din! Kinikilabutan ako dahil sa uri ng titig niya pakiramdam ko ay katapusan ko na. “Sige pwede na ‘yan ihanda mo na siya, pwede na siyang magsimula.” Labis naman ang tuwa ng kasama kong babae at nagpalakpak pa. “Sige boss dapat may bonus ako ha?” sabay kindat pa sa boss niya at kagat sa labi. Para bang inaakit niya ang boss niya. Kadiri! “Oo naman ikaw pa ba? Halika dito.” Aya sa kaniya ng matanda. Agad namang lumapit ang babaeng kasama ko. Sabay halik sa boss niya. Nandiri ako sa nakita ko, kung halikan niya, parang wala ng bukas. Pumatong pa ang babae sa hita ng boss niya, nakabuka ang mga hita at nakapulupot ang mga braso sa leeg nito habang naghahalikan sila. Hindi na tuloy ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Agad naman siyang inabutan ng pera at isinuksok niya ‘yon sa dibdib niya. Bago siya umalis, humalik ulit siya sa boss niya. “Halika na tanggap ka na raw.” Nakangiting wika niya sa akin. “Ah, A-ate ka-kasi ‘di na pala ako tutuloy.” Nanginginig na ako sa takot iba ang pakiramdam ko sa magiging trabaho ko. Kaya pala okay lang kahit bata kasi ganito pala ang magiging trabaho. Hindi ko masisikmura ang ganito gusto ko ng mag-back out. Pero paano? “Hoy! ‘Di ba sabi ko sa’yo huwag mo akong ipapahiya sa boss ko. Ikaw na nga ‘tong tinulungan. Arte arte!” tinitigan niya ako ng masama at hinatak ang braso ko palabas sa silid na ‘yon. Dinala niya ako sa isang dressing room at binigyan ng damit. “Oh isuot mo! Marami ang customer ngayon. Ayaw ko ng aarte-arte. Ito tatandaan mo dito, kapag si Boss nagalit hindi lang ako ang malilintikan pati ikaw din kaya umayos ka!” ‘Yong babaeng todo ang ngiti sa’kin kanina biglang nag-iba ang awra niya ngayon. Naiiyak ako sa sitwasyong pinasok ko. Papaano pa ako makakaalis dito. Gusto kong makatulong sa pamilya ko pero hindi sa ganitong paraan. “Isuot mo na ‘yan ano pa’ng tinatanga-tanga mo riyan!” gigil na sabi ng babae. Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagtaas ng boses niya. “Ate parang awa niyo na po. Ayoko po dito. Akala ko po ay sayaw lang,” nagmamakaawa kong ani. Ngunit lalo lang siyang nagalit. Napapikit siya ng mariin parang pilit hinahabaan ang katiting na pasensiya sa’kin. “Kapag umatras ka dito isusumbong kita sa Lola mo na dito ka namasukan.” Gigil na gigil siya at nagbabanta. “Isuot mo na yan!” sinigawan niya ako kaya gano’n na lang ang gulat ko. Lalo akong naiyak sa sitwasyon ko, hindi ko na alam ang gagawin. Ayokong malaman nila Lola na ganito ang napasukan ko. Tiyak na magagalit sila sa’kin. Wala akong nagawa kundi isuot ang damit na pinapasuot niya. Hindi ako komportable dahil sobrang iksi nito. Halos parang naka-bra at panty na lang ako. Nahihiya ako sa itsura ko, sobrang hapit na hapit sa katawan ko. Kulay itim at pula ang kulay at maraming nakasabit na kumikinang. “Umayos ka nga bagay naman sa’yo eh. Sayang naman yang katawan mo kung hindi mo gagamitin. Isipin mo na lang ginagawa mo ‘to para sa kapatid mo.” Sabi ng babae habang pinapasadahan ako ng tingin. Nagre-retouch na rin siya sa mukha niya. Lalo akong napaiyak nang maalala si Bunso. Ito na lang ba talaga ang kaya kong gawin? Ito na lang ba ang magagawa ko para makatulong sa kanila? “Oh siya tama na ang kaartehan. Lumabas ka na at sumayaw ka na doon. Gaya ng sabi ko sasayaw ka lang wala ka ng ibang gagawin.” Sabay tulak sa’kin papuntang stage. Ni hindi ko na nakita kung ano itsura ko pagkatapos kong isuot ang pinapasuot sa’kin. Nakatayo ako sa stage na yakap yakap ang sarili ko. Hiyang hiya ako, maraming tao ang nakatingin at tila inaantay ang paggalaw ko. Sa gilid ko naman nando’n ‘yong babaeng nagpasok sa’kin dito. Sumasayaw siya at inaakit ang mga customer na nasa harapan namin. Halatang sanay na sanay siya sa ganitong trabaho. Tuwang-tuwa ang mga kalalakihan sa kaniya at panay ang hiyaw sa bawat endayog ng balakang niya. Pero karamihan ay sa akin nakatingin. “Huwag ka na ngang mag inarte diyan sumayaw ka na gayahin mo ko.” Pinanlakihan niya ako ng mata, wala na rin akong nagawa sumunod na lang ako. Naiiyak na naman ako pero kailangan ko itong gawin kahit pa labag sa sarili ko. Para kay Bunso kung sa ganitong paraan makakatulong ako gagawin ko ang lahat, titiisin ko. Pinilit kong gayahin ang ginagawa no’ng babae lalong lumakas ang sigaw ng mga nasa harapan namin. Hindi ko sila matingnan ng deretso ‘yong iba lumalapit pa sa stage para lang mapanood ako ng mabuti. Habang sumasayaw ako hindi ko mapigilang maluha. Hindi ko lubos maisip na darating ako sa ganitong trabaho. ‘Yong iba hinahagisan ako ng pera, sumisigaw pa ang iba. “Sige giling mo pa! Igiling mo!” hiyaw ng mga nanonood sa’min. Sa mura kong edad ito ang trabaho ko ngayon, parang binibenta ko na rin ang sarili ko. Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko may lasing na biglang umakyat sa stage! Bigla niya akong nilapitan at saka niyakap. “Halika sumama ka sa’kin. Papaligayahin kita. Bibigyan kita ng maraming pera,” nakangisi niyang ani. Dahil sa biglang pagyakap niya sa’kin at paghawak sa ibang parte ng katawan ko bigla ko siyang tinulak para makawala sa pambabastos niya. Tatakbo na sana ako pero mabilis niya akong nahablot. Walang ginagawa ‘yong mga tao kundi nakatingin lang at parang tuwang-tuwa pa sa nakikita. “Bitawan mo ‘ko ayokong sumama sa’yo!” Natatakot kong wika habang nagpupumiglas ako sa pagkayakap niya sa’kin. “Bitawan mo ko sabi! Tulong po tulungan niyo ko!” hindi ko na mapigilang umiyak at sumigaw. Pero parang wala lang sa kaniya ang pagpupumiglas ko. Lalo pa siyang natuwa sa pagpupumilit kong makawala sa kaniya. “Huwag ka ng mag-inarte halika na sumama ka na kasi. Alam ko rin namang gusto mo rin eh.” Nakangisi niyang wika. Halata sa mukha niya na lasing na lasing na siya dahil namumula na ang mata at mukha. Patuloy pa rin ang pagpupumiglas ko at paghingi ng tulong. Hindi ko alam kung bakit parang balewala lang sa kanila. Nakikita nila ako pero walang lumalapit para tulungan ako. Binubuhos ko na ang lakas ko sa pagsigaw at pagpumiglas para makawala sa kaniya. Pero sadyang malakas siya. Dahil may kalakihan din ang katawan niya at matangkad siya. Balewala lahat ng ginagawa ko dahil kahit lasing siya ‘di pa rin siya natitinag. Nagulat na lang ako ng biglang may sumuntok sa kaniya at agad siyang natumba. Doon na nagsigawan ang mga tao at nagkagulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD