Chapter 5
*Vanessa*
Nagkakagulo na ang mga tao dahil sa pag-aaway ng dalawang lalaki. Habang ako yakap-yakap ang sarili at umiiyak dahil sa sobrang takot. Ang lasing na lalaki kanina ay pilit na lumalaban sa malaking lalaki na walang awa siyang sinusuntok. Dumating din ang mga lalaki kanina na may malalaking katawan. Dinampot nila ‘yong lalaking duguan na ang mukha. Hindi na din ito makilala dahil sa mga tinamo niyang suntok. Hindi ko na rin makita ‘yong babaeng nagpasok sa akin dito.
Hinawakan ako ng lalaking nagligtas sa’kin. Hinubad niya din ang coat niya at isinuot sa’kin.
“Boss, pasensiya na po ilalabas na namin ‘to.” Narinig kong sabi ng mga lalaking may malaking katawan. Pagkatapos ay walang hirap nilang binuhat ‘yong lalaki palabas ng bar.
Teka anong tawag nila Boss? Maaaring boss din kaya nila ito? Isa kaya siya sa may ari nito? Natatakot ako sa pwedeng mangyari, hawak-hawak niya ako palabas ng bar. Hindi siya nagsasalita, ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa kaniya. Malalaki ang hakbang niya dahil sa mahahabang hita kaya para na akong kinakaladkad palabas. Pinagtitinginan din kami ng mga tao sa paligid namin.
May mga babae ding lumalapit sa kaniya na parang inaakit siya pero ‘di man lang niya ito tinapunan ng tingin at deretso lang siya sa paglalakad. Nakita ko pa ang pagtabig niya sa babae at sumama naman ang tingin sa akin. Problema no’n? Hawak-hawak niya ang kamay ko. Nakita ko pa ang pagyuko sa kaniya ng dalawang lalaki sa may pinto bago ito binuksan.
Paglabas namin ay may bumungad agad sa’min na isang magarang sasakyan, kulay itim at mukhang mamahalin. Binuksan ng driver ang pinto sa may backseat. At walang sabi-sabing ipinasok ako ng misteryosong lalaki. Mabuti na lang at hindi ako nauntog.
Sumakay siya agad kaya umusod ako sa pinakadulo katabi ng pinto. Nanatiling tahimik siya habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi ko siya matignan ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko. Lalong nakakadagdag ng kaba ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng sasakyan. Ang amoy sa loob ay napakabango at halataang alaga sa linis.
Nanatili akong nakayuko at tikom ang bibig. Kinakabahan at hindi malaman ang gagawin. Kaya mas pinili ko na lang na manahimik. Napalingon lang ako ng bigla siyang magsalita. “Sa condo ko.” Sabi niya habang diretso lang ang tingin niya. Hindi ko masiyadong maaninag ang mukha niya dahil patay ang ilaw sa loob ng sasakyan. Agad naman pinaandar ng driver ang sasakyan.
Aaminin ko sa oras na ‘to na kasama ko ang lalaking ‘to hindi ako nakakaramdam ng takot. Pakiramdam ko safe ako pero sa kabilang banda, sinasabi ng isip ko na baka saan ako dalhin. Tila nagtatalo ang utak ko at damdamin sa maaaring pwede mangyari sa’kin. Ngunit nagawa ko pa ring sumama kahit na may pag-aalinlangan ako. Naguguluhan ako!
Gano’n pa man niligtas niya ako sa lalaking nambastos sa’kin kanina. Kailangan ko pa rin siyang pasalamatan. “T-thank y-you po.” Nauutal kong sabi habang nakayuko pa rin. Hindi ko siya magawang titigan. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. Hindi ko tuloy alam kung narinig niya ba ako o hindi. Hanggang marating namin ang isang building na sa tingin ko ay dito na ang condo niya.
Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa’kin dito. Pagkahinto ng sasakyan, agad bumaba ang driver at binuksan ang pinto sa backseat. Pagkababa namin agad namang umalis ‘yong driver.
Hinawakan niya uli ‘yong kamay ko at hinila papasok sa building. Tanging likod lang niya ang nakikita ko. Malalapad ang balikat at ang suot pang itaas ay puting longsleeve. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 42. Siguro doon ang condo niya, hindi ko sigurado kung floor ba ‘yon dahil ngayon lang ako nakapasok sa ganitong building. At wala akong idea kung ano ang itsura ng condo, basta ang alam ko mukha siyang bahay. Tahimik pa rin siya, gusto ko man siyang tanungin kung saan niya ako dadalhin pero hindi ko maintindihan kung bakit parang napipi na ‘ko at ‘di makapagsalita.
Pagkabukas ng elevator hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko at naglakad. Nagpatianod na lang ako. Huminto kami sa isang pinto, ni-type niya ang password at agad na bumukas. Binuksan din niya ang ilaw. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Agad akong nakaramdam ng ginaw dahil sa lakas ng aircon, napahigpit ang hawak ko sa coat.
Nalula ako sa ganda sa loob, malawak ito at may dalawang kwarto. Sa sala ay may malaking flatscreen tv kumpleto sa gamit. Natatanaw ko rin mula dito ang kusina. Nakakamangha talaga at ang bango bango dito sa loob. Ang kulay ng pintura ay puti at utim lang na bagay na bagay sa marangyang condo unit na ‘to. Napaawang labi ako sa mga nakita, sa tv ko lang ito nakikita pero ngayon andito ako sa loob nito at malayang nasisilayan lahat ng ito.
Binitawan niya ang kamay ko, nanatili lang akong nakatayo. Bigla siyang nagsalita at tumingin siya sa’kin ng deretso.
“What do you want to eat?” sa boses pa lang niya nakakapangilabot na. Bigla tuloy lumakas ang t***k ng puso ko at nanikip ang dibdib ko. Hindi naman nakakatakot bagkus malambing ang boses niya. Titig na titig din siya sa’kin at tila inaantay ang sagot ko, napalunok ako dahil doon. Hindi ako sanay na may tumititig ng ganito sa akin.
Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mapanganga sa sobrang gwapo niya! Ngayon ko lang nasilayan ng husto ang mukha niya. Yung mga mata niyang kulay brown at mga kilay niyang medyo makapal at yung pilikmata niyang makapal at mahaba na lalong nagpaganda sa mapupungay niyang mata. Sa perpekto at matangos niyang ilong. Bumaba ang mga mata ko patungo sa labi niyang mapupula.
Sh*t! Napakapogi, nanlalambot tuloy ang mga tuhod ko. Parang sa sobrang perfect nito mapagkakamalang modelo. Nakatulala lang ako sa mukha niya. Nagkakatitigan kami ng ilang segundo pero habang pinagmamamasdan ko siya ay parang ang bagal ng ilang segundo lang. Kahit siguro pagmasdan ko magdamag ang mukha niya ay hindi ako magsasawa.
Napaigtad ako ng muli siyang magsalita. “Okay magpapadeliver na lang ako.” Sabi niya saka siya tumalikod at hinugot sa bulsa ang kaniyang cellphone, may tinawagan. Habang may kausap siya sa kabilang linya ‘di ko maiwasang panoorin siya.
Nakasuot siya ng white longsleeve at itinupi niya hanggang siko at black pants. Tanging mamahaling relo lang ang accesories na suot niya. Halatang nagtatrabaho sa opisina. Habang pinagmamasdan ko siya ‘di ko maiwasang ‘di mapahanga sa simpleng paggalaw ng labi at panga niya bakit napakasexy no’n? Pati na rin ang paghawak sa cellphone niya pinagpapantasyahan ko pa. Kaloka ka Vanessa!
Naku Vanessa umayos ka. Agad kong winaksi ang nasa isip ko. Nakatayo pa rin ako at ‘di na ko tumingin uli sa kanya. Maya-maya pa’y lumapit siya muli sa’kin at napalunok ako. Dumagundong bigla ang dibdib ko.
“Please take a sit. By the way I’m Rafael.” Sabay lahad ng kamay niya heto na naman natutulala na naman ako. Sa tuwing tinitignan niya ako lumalambot ang mga tuhod ko at lumalakas ang t***k ng puso ko. Bawat titig niya ay para akong napapaso. Tingin pa lang niya para ng hinahalukay ang loob ng tiyan ko.
“Sorry about what happened lately, kung hindi ako nagkakamali are you 17 or 18?” deretsong saad niya. Agad akong natigilan dahil sa sinabi niya. Halata bang bata pa ‘ko kahit na ganito ang suot ko at itsura. Naluluha tuloy ako ng maalala ang nangyari kanina. Nakakahiya at nakakababa ng pagkatao. At malamang iniisip niyang bayarang babae ako. Hindi nga ba? Sa bar niya ako nakita at nagsasayaw kaya malamang iyon ang nasa isip niya.
“O-opo,” nahihiyang sagot ko. Hindi na ‘ko makatingin sa kaniya dahil sa hiya. Lalo niyang nilapit ang mukha niya sa’kin na para bang binabasa niya ang laman ng utak ko. Bumubundol ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k para bang ano mang oras ay lalabas na sa dibdib ko. Sa sobrang lapit niya naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Nanunuot din ang amoy niya sa ilong ko. Ang sarap at swabe. Ang sarap langhapin. Ano kaya ang gamit niyang pabango? Nag init tuloy ang pisngi ko dahil sa paninitig na ginagawa niya. Hindi man lang kumukurap. Titig na titig talaga sa mga mata ko.
“Anong ginagawa mo doon? Alam ba ng mga magulang mo?” Derektang tanong niya pero halata sa boses niya ang pag-aalala. Dahil sa tanong niyang iyon ay nakaramdam ako ng guilt nang maalala sina Papa. Hindi ko na napigilan ang luha kong kanina pa gustong bumagsak. Hindi alam nila Papa o kahit sino sa pamilya ko ang pinasok kong trabaho ngayong gabi. Hindi ko rin naman kasi inakalang gano’n ang magiging trabaho ko. At hindi ko rin ‘yon ginusto nagawa ko lang ‘yon kanina dahil wala akong choice at sobrang takot na takot ako. Gusto ko lang naman tumulong. Iyon lang naman ang gusto ko, ang makatulong.
“Sorry I didn’t mean to--“ Napahagulgol na ‘ko sa pag iyak at biglang napayakap sa kanya. Hindi ko alam bakit ko ito ginagawa pero parang kusang gumagalaw ang katawan ko para gawin ‘to.
“Shhhhh, it’s okay please stop crying.” Hinahaplos niya ang likod ko at pilit akong pinapatahan. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya na parang nagsisisi sa mga sinabi niya. Natigilan kami pareho ng biglang may nag-doorbell.
“Upo ka muna.” Inalalayan niya ako papunta sa sofa. Naupo ako doon at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Ngumiti siya sa’kin na para bang sinasabi niya na okay lang ang lahat pero nasa mga mata niya ang pag-aalala.
Dumiretso siya sa pinto at binuksan, bumungad ang isang delivery man na may dalang mga paper bags. Agad niyang kinuha, pagkatapos kumuha siya ng pera sa wallet.
“Here, keep the change,” sabi niya. Laking tuwa naman ng delivery man.
“Salamat po sir,” magalang na sagot ng delivery man.
Bago umalis ay tumingin din siya sa’kin at ngumiti, sinuklian ko din siya ng ngiti. At agad sinara ni Rafael ang pinto. Nagulat ako sa reaksyon niya. Nag-iba bigla ang awra ng mukha niya. Ang kaninang maamo ngayon parang nagdilim bigla ang mga mata niya. Kunot ang noo at umigting din ang panga niya.
Nakita ko pa siyang bumuntong hininga at pumikit ng mariin bago lumapit sa’kin. Ngayon ay nakangiti na siya, kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papuntang kusina. Pinaghila din niya ako ng upuan. Kumuha siya ng dalawang plato at mga kubyertos. Pagkatapos, isa-isang nilabas ang laman ng paper bag. Nagutom ako bigla ng maamoy ko ang mga pagkain. Itsura pa lang ng mga ito mukhang masarap at galing sa mamahaling restaurant.
Umupo siya sa tabi ko at sinimulang buksan ang mga tupperware. “You want this?” sa boses niyang parang nilalambing ako. Napaawang labi na lang ako at tumango. Kung pwede ko lang sabihin na ikaw ang gusto ko. Vanessa umayos ka nagmumukha ka na namang tanga.
Ngumiti naman siya sa’kin at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Aakalain mong modelo ng isang toothpaste sa ganda ng ngipin. Ano kayang toothpaste niya o baka may sarili siyang dentista. Sa yaman niya hindi malabong alaga siya sa katawan. Malinis din ang panga niya at mukhang alaga sa shave. At kahit na nakadamit siya ay halatang malalaki ang muscles niya na parang madalas sa gym.
Hindi ko maiwasang hangaan siya dahil sa simpleng pagsalin ng pagkain sa plato ko bakit ang sexy tingnan. Para bang nagsho-shooting ng patalastas sa tv. Hindi ko na alintana na parang napaparami ang lagay niya sa plato ko.
“Here,” sabi niya. Sabay abot ng plato sa’kin saka siya kumuha ng sa kaniya. Dinampot ko ang kutsara at tinidor. Natatakam ako sa mga putaheng nasa harap ko. Ngayon ko naramdaman ang gutom. Wala pala akong kain kanina sa sobrang excited tapos gano’n naman pala ang trabahong napasukan ko. Sumubo ako ng kaonti at talagang masarap nga! Hindi ko na mapigilan, sumubo ako nang sumubo. Hindi ko namalayang pinapanood niya pala ako habang kumakain. Bigla tuloy akong nahiya, dahilan para tumawa siya ng malakas.
“It’s okay, I’m happy that you like the food. Sige kain ka pa ‘wag kang mahihiya,” nakangiting wika niya.
Pinagpatuloy ko ang pagkain at nahinto ako sa panguya ng bigla siyang nagtanong. “By the way what’s your name?” Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. “Vanessa po,” magalang kong sagot.
“Where do you live Vanessa, para maihatid kita mamaya.” Bigla akong nataranta sa sinabi niya.
“A-ah huwag na po o-okay lang po ako.” Nagkakabuhol buhol na ang dila ko, papaano kung may makakita sa’kin na ganito ang suot ko. Patay naiwan ko yung bag ko, ando’n ang mga gamit ko sa bar!
“No, alam mo naman kung gaano kadelikado ngayon tulad kanina kung wala ako do’n malamang natangay ka na.” May halong diin ang pagkakasabi niya. Para bang kasalanan ko pa na nabastos ako. Medyo nainis ako dahil sa tono ng boses niya. Hindi ko naman ginusto na mapunta ako doon. Dahil una pa lang wala naman akong idea. Bakit parang kasalanan ko pa?
“Huwag na po. Salamat na lang kaya ko naman ang sarili ko.” Nakita kong umigting ang kanyang panga at nagsalubong din ang mga kilay niya.
“Vanessa, hindi kita papayagang umuwi mag-isa. Ako ang bahala kumausap sa mga magulang mo.” Halata sa tono niya na hindi pwedeng baliin ang sinabi.
Nataranta na ‘ko bakit naman niya kakausapin ang magulang ko. Hindi naman kailangang kausapin pa si Papa. Hindi ito pwedeng malaman nila Papa ang ginawa ko, tiyak na magagalit sila sa akin.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Mukhang wala na akong kawala. Sumama ako rito pero siya pala ang magsasabi kina Papa. Nalintikan na. Kung magalit man ang Papa ay tatanggapin ko na lang at aaminin ang dahilan kung nangyari ang mga ‘to.
Alam kong mauunawaan ni Papa ang dahilan ko. At alam ko ring pagagalitan pa rin niya ako at iyon ang kinakatakot kong mangyari. Ayokong magalit ang Papa, may hika pa naman ‘yon. At baka mapano ‘yon.