Chapter 6
*Vanessa*
“Sasamahan kita, Vanessa. Don’t worry ako ang bahala sayo,” seryosong wika niya.
Wala na akong nagawa dahil sa tingin ko hindi na magbabago ang isip niya. Bumuntong hininga na lang ako at tinapos ang pagkain ko.
Pagkatapos kumain ay niyaya niya ako sa kwarto at binigyan ng T-shirt at boxer short.
“Sorry ‘yan lang ang maibibigay ko, sarado na kasi ang mga mall wala ng mabibilhan ng damit. Take a shower and rest, bukas na kita ihahatid because it’s late. At alam kong pagod ka na rin kaya dito ka muna matulog,” sabi niya.
Nakakahiya dahil niligtas na nga niya ako kanina tapos pinakain ngayon patutulugin pa niya ako sa condo niya.
Dahil sa hiya, hindi na ako nakaimik tanging tango na lang ang nagawa ko bilang tugon. Binuksan niya ang pinto ng kabilang kwarto.
“Dito ka muna matutulog. Bukas na bukas din ay ihahatid kita sa inyo,” saad niya. Tumango na lang ako at tahimik na pumasok sa silid na ‘yon.
Pagkapasok ko sa kwarto, maayos ito malawak at kumpleto sa gamit. Ang lawak ng kwartong ito ay parang pinagsama nang kwarto namin ni Ate Tina. May malaking kama sa gitna, sa tingin ko ay queen sized bed at meron ding flatscreen tv sa loob. May pinasadyang cabinet at may carpet pa sa sahig. Wow, sosyal talaga! De carpet pa talaga ang kwartong ito. Kulay gray ang kulay ng kumot at itim ang punda ng mga unan sa kama, halatang panglalaki ang taste. Meron ding malaking kurtina na tumatakip sa mga bintana. Simple lang ang loob, pero hindi basta basta ang disenyo ng kwartong ito. Lalo na ang mga gamit ay mukhang mamahalin. Mukhang hindi nagagamit dahil maayos na maayos pa.
Ang swerte ko naman yata kung ako ang unang makakagamit ng silid na ‘to. At kung ako man ‘yon, susulitin ko na! Baka ito na ang una at huli. Asa ka naman Vanessa na mauulit pa ‘to.
Humilata muna ako sa malaki at malambot na kama. Inamoy ang kobre kama at mga unan, talaga namang napakabango! Ano kayang fabric conditioner nila? Mamahalin siguro, malamang. Gusto ko pa sanang humiga pero mamaya na lang. Maliligo muna ako at saka ko siya kakausapin tungkol sa bag ko sa bar. Baka manakaw ‘yon doon. Nando’n pa naman ang cellphone ko at wallet. Kahit na hindi gano’n kalaki ang laman ng pitaka ko ay pera pa rin ‘yon. Malaki man o maliit sayang pa rin kapag nawala. Paggastos ko ‘yon eh at pinaghirapan ni Papa. Saka nandoon din ang mga damit ko. Hindi naman pwedeng umuwi ako ng naka-boxer short at malaking t-shirt. Baka ano pa ang isipin ng mga kapitbahay namin. Puro mga tsismosa pa naman ‘yon. Makakita lang ng kakaiba, marami na silang ichichika. Mabibilis pa naman ang mga mata at tainga ng mga ‘yon. At panigurado kapag nakita ako ay may magsusumbong kay Papa o ‘di kaya kay Ate o Lola. Hay, buhay nga naman, masiyadong maraming mapanghusga. Maraming mapangmata, hindi muna magtatanong kung totoo ba ang nakikita. Nanghuhusga na agad wala naman silang nalalaman.
Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Napatitig ako sa sarili ko sa salamin. Suot ko pa rin ang coat niya dahan dahan kong tinanggal at tumambad sa’kin ang halos hubad kong katawan. Sobrang iksi ng suot ko at halos wala ng matakpan. Nalulungkot ako sa nakikita sa sarili ko. Ako ba talaga ‘to? Vanessa Martinez, na pinalaki ng maayos ng mga mababait na magulang. At heto ako ngayon naging mananayaw sa isang mayamang bar.
Hindi ko mapigilang humikbi. Tinakpan ko ang bibig para hindi makalikha ng ingay. Hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa ganito. Wala man akong kahit na anong make-up sa mukha ay mahahalata pa ring bayarang babae dahil sa suot ko. Sa bar pa ako nakita ni Rafael.
Ganito ba talaga kapag walang pera susugal para sa pamilya kahit pa labag sa sarili ay itinuloy ko pa rin. Kumbaga kapit na lang sa patalim. Wala na rin akong nagawa kanina kahit na ayaw ko nagawa ko pa ring sumayaw na halos hubo’t hubad sa harap ng maraming tao. Ginawa ko iyon para sa pagpapagamot ni bunso. Bilang Ate niya hindi dapat nakatunganga lang ako at walang gawin. At isa pa tinakot ako ng babaeng nagpasok sa akin doon.
Mama sana nandito ka. Sana may kakampi ako. Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko. Habang umiiyak hinuhubad ko ang suot pagkatapos ay binuksan ko ang shower para maligo. Habang naliligo humahagulgol ako sa pag iyak. Naaalala ko kanina no’ng niyakap ako ng lalaking lasing, ‘yong mga tingin ng mga lalaki sa’kin. At hinahagisan ako ng mga pera, ang mga mata nilang animoy gusto nilang makuha ang katawan ko. Nakakatakot sila, ayoko ng bumalik doon. Pero paano na ang gamutan ni bunso? Paano kung isumbong ako ng babaeng nagpasok sa’kin doon?
Habang nagsasabon kinukusot ko maigi ang katawan ko, pakiramdam ko napakarumi ko ng babae pati ako nandidiri na sa sarili ko. “Marumi ka na Vanessa marumi kang babae!” sigaw ko sa sarili.
Ilang sandali lang. Biglang bumukas ang pinto sa banyo at niluwa iyon si Rafael at alalang alala ang itsura nito.
“What the f*ck happen? Are you okay?” Pag aalalang tanong niya samantalang ako ay tulala na naman.
Natauhan lang ako ng nilapitan niya ako at hinawakan. Napasigaw ako sa gulat ng mapagtantong wala pala akong saplot. Sa hindi sinasadya nasampal ko siya ng malakas dahilan para mamula ang pisngi niya. Agad kong kinuha ang tuwalya at nagmadaling ibalot sa hubad kong katawan.
“I-I’m sorry I didn’t mean to.. akala ko kasi napano ka na. Narinig kasi kitang sumigaw.” Bakas sa boses niya ang labis na pag aalala hindi man lang niya ininda ang tinamo niyang sampal.
Napalakas ba ang sigaw ko? Ang lakas naman ng pandinig ng lalaking ito. Hindi kaya nasa loob siya ng kwarto kaya narinig niya ang pagsigaw ko?
Tumikhim muna ako bago nagsalita “Sana kumatok ka man lang bago pumasok. Okay lang ako.” Pinilit kong magsalita ng maayos kahit na hindi na normal ang t***k ng puso ko. Hindi na niya ako nilingon pang muli at agad na lumabas sa banyo.
Binilisan ko ang pagligo at isinuot ang binigay niyang t-shirt at boxer short. Medyo malaki ang suot kong t-shirt para na yatang bistida, umabot ba naman hanggang taas ng tuhod ko. Pagkatapos magbihis ay sinuklay ko na ang buhok. Paglabas ko ng banyo balak ko sana siyang puntahan sa kwarto niya para tanungin kung papaano babalikan ang mga gamit ko sa bar.
Kahit pa nakakahiya ang nangyari kanina alam kong hindi naman niya sinasadya iyon. At isa pa, siya lang ang pwede kong mahingan ng tulong para kunin ang gamit ko. Siya ang nagligtas sa akin. Iyon ang pinanghahawakan ko. Doon ako humuhugot ng tiwala sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Nilibot ko ang mata ko sa sala pero wala siya tiningnan ko sa may kusina wala rin siya doon.
“Hmmm baka nasa kwarto niya.” Bumuga muna ako ng hangin para humugot ng lakas ng loob bago kumatok sa pinto ng kwarto niya.
Kumatok muna ako ng tatlong beses at nilapat ang tainga ko sa may pinto para pakinggan kung nando’n nga siya sa loob. Kumatok ako muli, wala rin akong naririnig na ingay kaya dahan dahan kong pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto nakita ko siya sa lapag nakaupo at nakasandal sa gilid ng kama. Madilim ang kwarto at tanging lampshade lang ang nakabukas. Umiinom siya ng beer. Mukha din siyang problemado at malungkot. Baka dahil sa pagkakasampal ko? Baka may problema?
Ang bango ng silid niya. Naghahalo ang air freshener at ang amoy niya. Ang sarap sa ilong.
Nakonsensya tuloy ako ng maalala ang pagkakasampal kanina. Alam kong malakas ‘yon dahil namanhid ang palad ko. Magsorry kaya ako? Mmmm.. Baka may problema lang. Saka bakit ako magsosorry? Siya ang pumasok sa banyo na walang pasabi. Kahit pa condo unit niya ‘to dapat kumatok pa rin siya. Ang tanga ko din kasi bakit hindi ko ni-lock. Hays!
Nilapitan ko siya baka kailangan niya ng makakausap o karamay. Magulo ang buhok niya. At tila malalim ang iniisip. Mukhang may problema nga.
“May problema po ba kayo? Ayos lang po ba kayo?” Banayad kong tanong.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at bumungad ang mapupungay niyang mga mata na parang hinihila ako. Wala sa sariling lumapit sa kaniya napatitig ako sa labi niyang bahagyang nakabuka at basa dahil sa pag inom, napalunok ako sa nakita ko. May parang paru paro na nagliliparan sa tiyan ko. Nakita ko ring sa labi ko siya nakatingin. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kabang nararamdaman ko. Nakakakaba talaga kapag malapit sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya. Mabibigat ang kaniyang paghinga. May hika ba siya? Parang kay Papa. Mukha kasi siyang kinakabahan. Nagulat na lang ako ng...
Bigla na lang niya akong siniil ng halik, halik na parang uhaw na uhaw at nananabik. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Ito ang first kiss ko! Hindi niya tinantanan ang labi ko kahit pa nakatikom ito. Nanatili akong estatwa samantalang siya ay nakapikit. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kapag naranasan ang first kiss. Iyong tipong para kang nakukuryente kahit wala naman. Nabubuhay ang mga natutulog kong kuryente sa katawan na parang nagbibigay ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Bumitaw siya at bumulong “Please open your lips.” Halos pabulong. Pero iba ang hatid sa akin. Para bang... para bang tinatawag ako.
Para akong nasapian ng kung ano at bumuka ang labi ko muli niya itong hinalikan. Kinulong niya ang mukha ko sa palad niya. Nagtatalo ang lasa ng alak at ang sarili niyang laway. Pero parang mentol ang dating sa akin. Hindi ko alam kung paano humalik pero siya ay para bang sanay na sanay.
Nawala na ako sarili. Para akong nalalasing bawat hagod ng labi niya sa labi ko pinasok niya rin ang dila niya na parang may hinahalukay sa loob. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Parang nag-iinit ang buong katawan ko dahil sa ginagawa niya. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan. Para kang dinadala sa ibang lugar. Parang nakalutang sa alapaap. Gusto ko man magprotesta pero hindi ko magawa. Unti unti kong nagugustuhan ang paghalik niya sa’kin kaya naman ginaya ko rin ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung tama ba basta ginagaya ko na lang. First time ko eh! Kaya wala pang experience.
Naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak na sa beywang ko. Hinahaplos ang buo kong katawan na lalong nagbigay sa’kin ng init ng katawan. Habang naghahalikan kami dahan dahan niya akong tinayo at hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. Dahan dahan niya akong hiniga sa kama at tuloy pa rin ang pahalik niya sa’kin habang nakapatong siya.
Bawat haplos niya sa katawan ko ay gustong gusto ko at hindi ko man lang magawang magalit sa kaniya. Sa bawat hawak niya sa akin ay lalong nagbibigay init sa buo kong katawan. Na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko pa nararamdaman ang ganitong pakiramdam dati. Wala akong experience sa kahit ano man. Inosente pa ako sa mga ganito kahit na 18 na ako.
Huminto kami sandali para kumuha ng hangin, muli niya akong hinalikan at ngayon mapupusok at mas malalalim. Naramdaman ko din ang pagpasok ng kamay niya sa damit na suot ko agad niyang nahawakan ang dibdib ko dahil wala akong suot na bra! Gusto kong awatin siya pero huli na. Naabot niya ang dibdib ko. Napakagat ako sa labi.
Nilalaro niya ang tuktok nito na lalong nagpainit ng katawan ko. Napapaliyad ako sa ginagawa niya. Huminto siya sa paghalik at tumungo ang labi niya sa tainga ko pababa sa leeg ko. Tumatayo ang mga balahibo ko sa paghalik niya sa leeg ko habang nilalaro ng kamay niya ang dibdib ko. Hindi ko mapigilang lumiyad dahil sa init ng nararamdaman ko. Napapasinghap ako sa ginagawa niya. Sa bawat sensayong nararamdaman. Hindi ko magawang magprotesta, bakit? Ano itong ginagawa ko?
Bumulong siya sa tainga ko “You tastes like apple.” Para akong inaakit ng boses niyang ‘yon.
Bumaba siya ng kaonti at tinaas ang t-shirt na suot ko. Bumungad sa kaniya ang mabibilog kong dibdib. Tinitigan niya ito at saka tumingin sa’kin habang ako inaabangan ang susunod niyang gagawin. Nag-aapoy na ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. Ang mga mata niyang nakatingin sa dibdib ko parang nakakita siya ng mamahaling bagay. May kinang sa mga mata niya. Binasa niya ang labi niya habang nakatingin sa dibdib ko. Napalunok ako.
Agad niyang sinunggaban ang kaliwang dibdib ko, dinidilaan niya ito na parang ice cream at sinisipsip na parang uhaw na sanggol. Sa kanang dibdib ko naman ay nilalaro ng kamay niya gustong gusto ko ang lahat ng ginagawa niya. Napapasabunot ako sa buhok niya habang malaya niyang pinagsasawaan ang magkabilang dibdib ko. Lalo ko pang dinidiin ang ulo niya sa dibdib ko. Madiin akong napapakagat sa labi ko para pigilan ang ungol na lalabas sa bibig ko. Tanging daing ang nagawa ko. Napapaangat ang katawan at napapaliyad bawat dantay ng dila niya at labi sa tuktok ng dibdib ko.
Habang hawak niya ang dalawa kong dibdib at nilalaro na parang tinapay. Minamasa niya ang mga ito saka siya bumaba ng kaonti sa bandang tiyan ko papuntang puson, hinahalik halikan niya ito hindi rin nakaligtas ang tapat ng p********e ko kahit pa may suot akong boxer short. Wala pa rin akong underwear sa loob. Nabibitin ako at gusto kong mawala ang nakaharang na tela sa dila niya at p********e ko. Para bang gusto kong maramdamn kung ano ang pakiramdam kapag dumantay ang labi at dila niya doon.
Tumingin siya sa akin na parang batang nagpapalambing “Can I?” Malambing na tanong niya dahil nalalasing ako sa init ng katawan at nabibitin sa ginagawa niya, tumango ako. Agad naman niya tinanggal ang lahat ng suot ko hubo’t hubad na ‘ko sa harapan niya.
Muli siyang pumatong sa’kin at hinalikan ako sa labi papuntang leeg. Nang magsawa siya sa leeg ko bumaba ang labi niya sa dibdib ko. Nilalaro ng dila niya ang tuktok nito kabilaan niyang dinidilaan at sinisipsip. Nakakabaliw pabaling baling ang ulo ko sa init na nararamdaman, napapaliyad ako sa bawat sipsip niya. Naramdaman ko ang kamay niya nasa pagitan ng hita ko at nilalaro niya ang hiwa ko. Pakiramdam ko basang basa na ‘ko doon.
Napapasabunot ako sa buhok niya at lalo pang dinidiin ang ulo niya sa dibdib ko. Binuka ko ang dalawang hita ko para mas malaya niyang paglaruan ang p********e ko. Basang basa na ito. Nang magsawa siya sa dibdib ko ay mabilis siyang bumab. Tinapat niya ang mukha sa pagitan ng mga hita ko at pinagmasdan, nahiya ako bigla at akmang isasara ko ang dalawang hita. Ay mabilis niyang hinawakan ang dalawang hita ko at lalo pang binuka ito. Waalang sabi niyang dinilaan ang p********e ko na parang wala ng bukas. Mabilis ang dila niya dahil sa ginagawa niya ay hindi ko na mapigilang mapaungol “Ahhh mmmm” ungol na lumabas sa labi ko. Lalo niya pang pinag igihan ang ginagawa niya habang dinidilaan niya ay sinisipsip niya rin ito.
Nalulukot na ang bedsheet dahil sa mahigpit kong paghawak. Napapasabunot din ako sa buhok niya at mas lalo pang dinidiin ang ulo niya sa p********e ko. Nakakabaliw bawat ginagawa niya. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko gustong gusto ko lahat ng ginagawa niya. Kahit na hindi ko alam kung tama pa ba ‘to o hindi. Basta ako ngayon hindi ko na makilala ang sarili sa bawat daing ko.