Chapter 41 *Vanessa Martinez* Pumara ako ng jeep at sumakay na papasok sa trabaho. Mabilis lang naman ang byahe dahil isang sakay lang ng jeep at konting lakad. Mas mabilis nga lang kahapon, noong sinamahan ako ni Jason. Pagkarating ko sa papasukang trabaho ay nagulat pa ang manager. Hindi niya inaasahan na kinabukasan agad ako papasok. Sana sakto lang ang dating ko. Sana hindi ako late. “Good morning po, Sir Jeff,” nakangiting bati ko. “Good morning, Miss Ganda. Ang aga mo yata? Ngayon ka na magsisimula?” wika niya. Nakangiti siya sa’kin ngayon at may mga mapaglarong titig. Naasiwa ako sa ginagawa niyang paninitig sa akin. Pero pinilit ko pa ring maging pormal kahit na hindi ko gusto ang panaka-nakang sulyap niya sa dibdib ko. “Yes Sir, I hope, I’m not late?” pormal na wika ko. “H

