Chapter 40 *Vanessa Martinez* Hindi ko na lang siya pinansin. May ka-date na nga siya pakikialaman pa pati ang pagkain ko. “Pwede ka namang um-order Kuya, bakit naman inagaw mo ang pagkain ni Vanessa?” Natatawang tanong ni Jason. Kaya humaba ang nguso ko. Oo nga, pwede naman siyang bumili bakit ‘yung sa akin pa. Pwede naman kay Ma’am Melissa. Tsk! “Here,” wika ni Ma’am Melissa at inabot kay Rafael ang isang baso ng kwek-kwek. Tahimik niyang kinuha ‘yon at binigyan ako ng nakakatakot na tingin. “Inaano ba kita?” bulong ko sa isip. Para kasing ewan. Nag-iiba bigla ang mood sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kung ayaw niya dito eh di umalis sila. Gano’n lang kasimple, umuwi na lang sila at baka sakaling humupa ang init ng ulo nitong si Rafael. Kinuha ko ang baso na may lamang fishbal

