Chapter 39 *Vanessa Martinez* Pagkatapos namin sa in-apply-an kong trabaho ay tumungo kami sa Mall. Ang lakas makaagaw pansin ng kasama ko. Maraming tumitingin sa’ming dalawa. Lalo na kay Jason, halos mapilipit na ang leeg ng mga kababaihan dahil sa lakas ng dating niya. Ang iba ay gusto pang magpa-picture sa kaniya dahil inaakala siyang artista. Paano pa kaya kung si Rafael ang kasama ko, baka mahimatay na ang mga babaeng ‘to. Napangisi ako sa inisip. Mas attractive si Rafael kaysa kay Jason pero hindi maitatago ang pagkakapareha nilang dalawa. Lalo na sa kakisigan. At kahit na... hindi pa gaanong ka-mature si Jason ay naroroon na ang kakisigan nito. He is the teenager version of Rafael pero mas may nakuha si Jason sa Mommy nila at ‘yon ang wala kay Rafael. Siguro sa Daddy nila siya ma

