Chaoter 38 *Vanessa Martinez* Maaga akong nagising para ihanda ang mga susuotin niya papasok sa trabaho. Nagluto din ako ng simpleng almusal sana lang ay kainin niya kahit na hindi ako kasing galing niya magluto. Sinangag, itlog at pritong sausage lang naman ang niluto ko para sa agahan namin. Nagluto din ako ng pininyahang manok para sa lunch niya mamaya. Maayos kong nilagay sa tupper wear ang mga babaunin niya. Dinamihan ko ang kanin dahil malakas siyang kumain. Napangiti ako nang makita ang mga ipapabaon kay Rafael mamaya. Sinarapan ko talaga ang mga niluto para maubos niya lahat. Napangiti ako nang ma-imagine na kinakain niya ang niluto ko. Sana magustuhan niya. Hindi naman kasi ako marunong magluto at gumawa ng tocino dahil paborito niya rin daw iyon. Akalain mong pareho pa kami ng

