Chapter 31 *Vanessa Martinez* Pagkatapos niyang isuot ay may kinuha siya sa ulit sa paper bag. Isang mini dress. Hindi na ako tumutol nang isuot niya sa’kin ‘yon. Sinara niya zipper sa likod. Simple lang ang suot ko, kulay asul na bistida na wala masyadong nakalagay na desenyo pero napakaganda sa kasimplehan. Kinuha niya ang suklay at siya na rin ang nagsuklay sa buhok ko. Maingat niya ‘yong sinusuklay at panay tanong kung nasasaktan ba ako. Gusto kong matawa dahil sa sobrang concern niya sa buhok ko. Hindi ko nga halos maramdaman sa anit ko ang dampi ng suklay sa sobrang gaan ng kamay niya. Nang matapos ay sinuotan niya ako ng kulay asul ding flat shoes. Bagay na bagay sa suot kong bistida. Terno kumbaga. Kinuha niya ang wheelchair at dinala sa harap ko. Maingat niya akong binuhat

