Chapter 30 *Vanessa Martinez* Nagising ako nang may maramdamang may humahalik sa buong mukha ko. Minulat ko ang mga mata at nasilayan ang bagong ligo at nakabihis na si Rafael. Kinusot-kusot ko ang mata at sumandal sa headboard ng kama. Sa kaonting galaw ko ramdam ko ang pagkahapo. Hindi ko alam kung ano’ng oras na kami natulog kagabi. Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi nang maalala ang mga nangyari sa’min kagabi. “Good morning,” masayang bati niya. Nilingon ko siya at nahihiyang ngumiti. At saka ko napagtantong pupunta pala kami sa doktor. Kaya pala bihis na ‘to. Samantalang ako ay kagigising pa lang! “A-Ano’ng oras na?” biglang tanong ko sa kaniya. Maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. “1 pm,” sagot niya sabay kibit balikat at namulsa pa sa harap ko. Nagulat ako at

