Chapter 50 *Vanessa Martinez* Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Nanatili akong nakayuko. Ayokong makita ang mukha niya. Tiyak maaawa lang ako. “First, I’m sorry. I’m sorry for what I have done. Hindi ko talaga sinasadya.” Nakikinig lang ako sa sinasabi niya pero para nang pinipiga ang puso ko sa kirot. Sana kayanin ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. “I was mad... and I’m jealous at the same time. Sorry pero... pinaghinalaan kita. Iniisip kong baka may relasyon na kayo ng kapatid ko. She likes you. And I saw your necklace at doon pa lang ramdam ko nang bigay ‘yon ni Jason.” Wika niya. Napatingin ako sa suot kong necklace. Naalala ko ‘yung araw na naging mailap at masungit siya sa’kin. Na para siyang robot na ayaw magsalita kung hindi uutusan. Gumagalaw pero hindi umiimik.

