Chapter 51 *Vanessa Martinez* Pagkatapos kong kumain ay si Rafael na ang nagkusang ibaba ang pinagkainan ko. Inayos niya ang kama at pinahiga ako saka kinumutan. Pinainom niya rin ako ng maraming tubig para hindi raw ako ma-dehydrate. Bago ko ipikit ang mga mata ay lumapit pa siya sa’kin at hinalikan ako sa noo. “Take a rest, baby,” wika niya sabay lakad palabas ng kwarto. Napatingin ako sa kisame at inalala ang mga sinabi ko kanina lang. Sinabi kong patunayan niya ang sarili niya kung dapat bang bigyan ko siya ng one chance. Sana hindi masayang ‘yon. Pero paano na si Ma’am Melissa? Ilang araw na lang, kasal na nila. Humigpit ang hawak ko sa yakap na unan. Heto na naman ako, masasaktan na naman. Sana kapag sumugal ako uli para sa kaniya... para sa pagmamahal ko sa kaniya. Sana may pu

