Chapter 57 *Vanessa Martinez* Nagising ako nang may marinig na boses. Si Rafael ‘yon at may kausap. Minulat ko ang mata at nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya. Nilingon niya ako saglit at saka binaba ang tawag. “Good morning,” wika niya at hinalikan ako sa labi. Bigla akong nahiya kasi kagigising ko lang. Bad breath pa ako pero siya ay nakaligo na at bihis na bihis yata? Parang may lakad. “May lakad ka?” Tanong ko at umiling siya. “May lakad tayo,” pagtatama niya kaya kumunot ang noo ko. “Saan?” mabilis kong tanong at umupo siya sa harap ko at pinakatitigan ako. “France,” sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko at tumawa naman siya. “As in ngayong araw na?” hindi makapaniwalang bulalas ko. “Yes, baby. Para makahabol pa tayo sa honeymoon. Aww!” kinurot ko siya sa tagil

