Chapter 58 *Vanessa Martinez* “Hindi mo talaga sila minahal? Kahit isa man lang sa kanila?” Tanong ko at umiling siya. Meron pa lang gano’n? Relasyon bang matatawag ‘yon? “Huwag na nating pag-usapan ‘yon. You need rest baby. Bukas may mga lakad tayo,” wika niya sabay tapik sa kama senyas na humiga ako doon. Tahimik akong humiga sa tabi niya dahil sa pagod sa byahe ay mabilis akong nakatulog. Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit. Ang haba ng byahe papunta dito sa France. Nagising ako dahil sa tawag sa’kin ni Rafael. “Baby, wake up. We need to hurry.” Wika niya kaya mabilis kong minulat ang mga mata ko. “I’m sorry but we need to go.” “Hindi pa ako naliligo,” wika ko. Suot ko pa rin ang damit ko kahapon. “Mamaya na lang. May appointment tayo para sa details ng kasal natin. Kailanga

