Chapter 59 After two days... *Vanessa Martinez* Maaga akong nag-alarm para maagang magising. Dahil sa sobrang excitement, nauna pa akong magising sa alarm ko. Tulog pa rin si Rafael. Bahagya pang nakabuka ang mapula niyang labi. Ang sarap niya talagang pagmasdan kapag tulog. Kitang-kita kung gaano kahaba ang pilik mata niya at kung gaano kakapal. Ang perpekto at matangos niyang ilong na iniidolo ko noon pang una ko siyang makilala. Hindi ko akalain na mapapangasawa ko ang gwapo at poging si Rafael. Hindi ko rin akalain na... mamahalin niya ako ng higit pa sa pagmamahal ko sa kaniya. Gusto niyang makasama ako habang buhay at gano’n din ako. Mula sa araw na ito, ikakasal kami na nagmamahalan at may puso. Malayong-malayo noon. Ikakasal kami, dahil ginusto namin. May plano at hindi biglaan

