Chapter 60 *Rafael Gomez* Nasa harap ako ng altar kasama ang Dad ko at si Jason. Mabuti na lang at umabot sila lalo na si Dad na sobrang busy. Ngumisi ako kay Jason dahil sa kasama niyang babae. It seems that he likes her. Mabuti naman at nakahanap na rin ang kapatid ko ng babaeng mamahalin niya. At ako naman ay nahanap ko na ang sa akin. Hinihintay ko siya ngayon na dumating. I feel nervous habang nakatanaw sa malaking pintuan ng simbahan. Iilang bisita lang ang narito. Gusto ko mang nandito din ang pamilya ni Vanessa ay hindi pwede. Nagpapagaling pa ang kapatid niya. Ngumiti sa’kin si Melissa na nakaupo sa harap kasama ng Mom ko. Hindi ko magawang mangiti ng maayos dahil sa nerbyos. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa excitement. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong una nami

