Chapter 61 *HONEYMOON* *Rafael Gomez* Nakatanaw ako sa banyo dahil sabi ni Vanessa na may surpresa daw siya sa’kin. Nae-excite ako sa sorpresa niya. Nauna na akong maligo at hindi na talaga ako nagdamit. Nakasuot lang ako ng roba at nakahiga dito sa kama habang hinihintay siyang lumabas. Ang sabi ko pa ay sabay na lang kaming maligo pero ayaw niya. Pumayag lang ako dahil sabi niya may surprise siya. Napabangon ako nang bumukas ang pinto ng banyo. Nakita ko siyang bagong ligo na. Ayaw ko na sana siyang paliguin kanina at gusto ko na lang punitin ang suot niyang gown. Ang makita pa lang ang dibdib niya ay nabubuhay na ang alaga ko. Nakasuot din siya ng bathrobe na pareho sa’kin. Napalunok ako nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa’kin at unti-unting inaalis ang tali ng bathrobe.

