Chapter 46

2138 Words

Chapter 46 *Vanessa Martinez* Pagkatapos ng masarap na almusal ay nagpaalam na kami ni Jason kay Manang Rosita. Habang nasa biyahe ay nakangiti ako sa bintana. Ngayon ko lang napagmasdan ang daanan papunta sa bahay-bakasyunan nila Jason. Sementado na ang daan pero ang ibang kabahayan ay mabato pa rin ang daanan nila. Simple lang ang mga bahay dito at karamihan talaga ay gawa sa kawayan. Iyong kila Jason ay magara ang pagkakagawa kahit matagal na at luma na ay matibay pa rin at maganda lalo na sa loob. May mga malalawak na lupain na taniman ng palay. Ang sarap nilang pagmasdan. Meron ding mga magsasaka na nagtatanim at may nakita pa akong nakasakay sa kalabaw. First time ko makakita sa personal ng ganito. Parang ang saya ng ganitong buhay. Malayo sa polusyon at maiingay na mga sasakyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD