Chapter 45 *Vanessa Martinez* Dumiretso agad kami ni Jason sa department store. Hinayaan niya akong kunin ang mga kailangan ko. Gaya ng underwear, towel, bra at ilang mga damit pang bahay at pang-alis. Nakakahiya man pero kailangan ko ang mga ‘to. Wala akong dalang damit kundi ang suot ko lang kanina papasok sa trabaho at itong uniform ko. Kaya habang nasa bahay bakasyunan nila ako ay kailangan kong maghanap ng trabaho para sa paglabas ni Baby. Kailangan kong harapin ang buhay na mag-isa at itataguyod ko si Baby kahit wala ang suporta ni Rafael. Alam kong hahanapin niya ang anak niya at hindi ko ipagkakait na makilala ng anak ko ang ama niya. Pagkatapos sa department store ay tumungo kami sa grocery. Kumuha siya ng isang sakong bigas at sinakay sa cart namin. Kumuha din siya ng mga de

