Chapter 27 *Vanessa Matinez* Tinuon ko na lang ang pansin sa phone niya. Mahina ang bulong na ‘yon pero umabot pa rin sa pandinig ko. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi niyang ‘yun pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang nais niyang iparating sa akin. Lalo na at ilang beses na siyang nagtapat ng nararamdaman at ilang beses ng nagpaalam manligaw. Nagkibit-balikat na lang ako at nagkunwaring walang narinig. Nagsimula ‘kong ni-type ang number ni Papa. Baka magkasama rin sila ni Ate Tina. Ilang ring lang at sinagot agad ni Papa. “Hello?” Sabi ng kabilang linya. Kinilabutan ako nang marinig ang boses ni Papa. Parang may biglang bumundol sa dibdib ko at binalot agad ng lungkot. Naramdaman ko agad ang pangungulila. Nag-ini

