Chapter 26 *Vanessa Martinez* Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga sandaling ito dahil sa hiya. Kanina pa kasi niya ako tinititigan nang nakangisi. Adik ba ‘to? O nababaliw na? Nabura agad ang nakakaloko niyang ngisi nang bumukas ang pinto at niluwa ‘yon si Jason. May dalang dalawang paper bags at ilang mga prutas. Nginitian niya ako bago ilapag sa lamesa ang mga pinamili niya. Habang si Rafael ay kunot na naman ang noo. Magkasalubong ang mga kilay. Isa-isang nilabas ni Jason ang mga pinamili niyang pagkain. Binuksan niya isa-isa at nagsalin sa isang tupper wear. “Kuya, kumuha ka na rin dito para makakain na tayo.” Sabi niya habang nagsasalin ng pagkain. Tumayo naman si Rafael at tinungo ang lamesa kung nasa’n ang mga pagkain. Kumuha din siya ng tupper wear at nagsalin ng

