Chapter 25 *Vanessa Martinez* Nang masiguro ng nurse na ayos at komportable ako ay iniwan na niya ako sa silid. Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto. Malawak at may sarili pang sofa. Malaki din ang hinihigaan kong kama. Meron ding maliit na fridge at flat screen tv. Meron ding cabinet kung sakaling magtagal ang pasyente ay may paglalagyan ng mga damit at gamit. Mukhang private room ito. Habang busy akong pinagmamasdan ang loob ng silid, bigla namang bumukas ang pinto. Agad ko ‘yong nilingon. Napalunok ako nang makita silang dalawa sa hambalan ng pinto. Parehong may pag-aalala ang mukha. Magkasunod silang pumasok sa silid. Mabilis nila akong nilapitan. Si Rafael ay tumabi sa kama at si Jason naman sa kabilang gilid ko. Aakalain kong nasa isa akong teleserye sa tv. Ganito ‘yong eksenang pi

