Chapter 33 *Vanessa Martinez* Nilatag niya ang adobong manok at chapsuey sa lamesa. Umuusok pa ito dahil bagong ahon. Siya na rin ang kumuha ng mga plato. Nang magprisinta ako ay tumanggi siya kaya hinayaan ko na lang. Ako na lang maghuhugas mamaya. Sana naman ay huwag niya akong bawalan para may maitulong naman ako dito. Kumuha pa siya ng orange juice sa ref. Natakam ako sa adobong manok. Sinandok ko ang pwet ng manok. Bigla akong natakam. Parang bigla ko gustong magpunta sa ihawan mamaya. Gusto ko ng inihaw na pwet ng manok at gusto ko ‘yung tustado! Natapos ang tahimik na breakfast plus lunch namin. Alas onse na kasi ng tanghali. Busog na busog na naman ako. *** Lumipas ang sabado at linggo na kasama ko si Rafael. Hindi siya pumasok sa trabaho niya at nanatili lang sa condo. Dit

