Chapter 34 *Vanessa Martinez* Pilit nila akong hinihila papalayo sa tabi ng kalsada. Walang humpay ang pagkawala ng luha ko dahil sa labis na takot. Kahit na balewala ang pagpupumiglas na ginagawa ko ay binubuhos ko pa rin ang buong lakas ko. Tumatawa lang silang dalawa. Mabubuhay pa kaya ako? Makikita ko pa kaya ang pamilya ko? Makakasama ko na ba si Mama? Hindi pa ako handang mamatay. Hindi ko pa handang iwan ang mga mahal ko. Ang pamilya ko. Ang asawa ko. Bumalong muli ang luha ko. Hindi ko sila gustong iwan ng ganitong kaaga. Hindi ko pa nga nadadalaw sina Papa, Ate at bunso. Hindi ko pa naipagtatapat kay Rafael na mahal ko siya. At kahit na malapit na siyang mag-asawa, gusto kong sulitin ang bawat araw at oras na kasama ko siya. At sina Papa, gusto kong makita nilang nakatapos ak

