Chapter 19 Rafael Gomez POV Habang hinihintay namin na magising si Vanessa ay biglang nag-ring ang cellphone ko kaya lumabas muna ako saglit para sagutin. Mga ilang sandali, nakita ko ang pagpasok ng nurse sa kwarto. Kausap ko ngayon ang sekretarya ko at pinapaasikaso ang ilang mga papeles. Paglabas ng nurse ay agad ko siyang tinanong. “Kamusta na siya?” Ngumiti naman ang nurse sa akin, mga ngiting akala mo may suot akong malaking diyamante. Nag-niningning ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko. “Hey kinakausap kita, kamusta na ang pasyente?” nilakasan ko bahagya ang boses kahit na may kausap pa ako sa kabilang linya. Bigla naman siyang bumalik sa kaniyang ulirat. “A-Ah maayos na po, Sir. Gising na po siya.” Nauutal niyang sagot at nagmadaling umalis. Napailing na lang ako. “Send me

